26

16 0 0
                                    

Erika's POV

Nakauwi na kami sa bahay after naming kumain ng lugaw. Si Jess nasa labas pa at nakikipagkwentuhan pa kina Toto. Ako andito sa kwarto, nag-aayos ng gamit ni Jess para sa kanyang byahe bukas.

*polo

*towel

*polbo

* pabango

*skyflakes

Pagkadating niya dito sa bahay, chinarge na niya ang kanyang tablet. Pati na rin ang kanyang pocket wifi. Monitor na monitor nya kasi ako, ultimong minu minuto ang text o kaya ay pm sa fb ko. Paalala ng pag-inom ng gamot, pagkain ng ayos, kung ano gusto naming kainin ng anak ko pati na rin ni Neena, lahat.

"O luv, inom ka muna ng Anmum mo." sabi ni Jess pagpasok niya ng kwarto, mukhang magtutulugan na ata pati ang mga bata. Sarado na rin kasi ang ilaw sa labas eh. Magpapahinga na rin siguro kaming dalawa. Nagtanggal na ng pants si Jess kaya naka boxers na lang siya ngaun at tumabi na rin sa akin

"Anong oras ng byahe mo bukas?" tanong ko sa kanya

"4:30 nga luv eh. Gisingin mo ako ng 3:30 ha? Gusto ko ipagtimpla mo ako ng kape, namiss ko kasi ang iyong timpla ng kape. Luv me dala ka gang katinko? Imassage mo naman likod ko." sabi niya sa akin at kinuha ko ang katinko na binili ko sa SM.


April 30 3:30am

Umaga na pala. Nauna pa nga akong nagising kesa sa aking alarm ng cp ko. Bago ko ginising si Jess bumili muna ako ng tinapay para meron makain si Jess bago siya umalis. Gising na rin naman sina papa kasi nagtitinda sila ng dyaryo sa kanto kaya siguradong me mainit ng tubig sa termos.

Pero bago ako makalabas ng bahay, nagising na pala si Jess. Siguro dahil ng alarm ng phone ko.

"Luv pasaan ka?" tanong nya sa akin.

"Ahm, bibili sana ako ng tinapay sa kanto. Para di ka naman gutumin habang naghihintay ng byahe mo di ba?" sabi ko sa kanya.

"Tara samahan na kita. Baka mamaya ay may mangyari pa sa iyo." sabi niya sa akin.

Kaya naman sabay kaming lumbas ng bahay. Pag labas namin, nag-aayos na si papa.

"Oh pasaan kayong dalawa boy? Kaaga nyong magising." sabi sa amin ni Papa

"Papa bibili lang po kami ng tinapay sa kanto. Meron po kasi akong byahe ng 4:30 kaya po kami maagang gumising." paalam ni Jess ke Papa

"O sige, ingat kayo ha? Ingatan mo si Erika." sabi sa amin ni Papa


7:30am

Nakaalis na si Jess. Eto ang unang araw na andito kami sa bahay sa Calamba. Alam ko naman na di ako maiinip. Ang dami ko atang dalang pocketbook pati na rin mga librong binabasa ko habang buntis ako.

1 message received:@@@@jl@@@@@


Gud morning luv ko. Gcing na kau ha? c ineng wag mo paba2yaan. iinom ng mga vitamins mo ha? sa2mahan ka ni ate jecel at ni jessa para bumili ng ilang kelangan ng baby natin. naibilin na kita sa mga yan bago pa kau dumating. Ingat kau ha? I luv u.

Pagkabasa ko ng message ni Jess, nakangiti akong lumabas ng kwarto. Si ineng agad ang hinanap ko. Wala na kasi sa tabi ko noong pag gising ko. Pero naririnig ko na ang irit at tawa nya sa labas. Siguro nakikipag laro sa mga pinsan nya. So kinuha ko ang aking sabunan at towel at lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si ineng nakikipaglaro kina Gia sa salas. Pinabayaan ko na silang maglaro at nagtuloy na ako sa likod para makapaghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos, pumunta ako sa ate Jecel.

"Ate Jecel nagtext sa akin si boy kanina sabi niya sa akin sasamahan mo daw akong bumili ng mga konting mga gamit ni baby?" sabi ko sa kanya.

Si Ate Jecel ay napatigil sa pagwawalis ng bahay nila noong pumasok ako. Inalalayan nya ako papasok sa bahay.

"Ikaw ga ineng ay nakakain na? Bilin na bilin sa amin ni boy na alagaan ka daw namin dito eh. Oo neng, sasamahan ka namin nina Jessa at ng ate Lenlen. Hahanap tayo ng mga gamit ng bata para dito sa bahay pati na rin sa inyo. Kasi di ngayong ikakasal na kayong dalawa ni boy, lagi na kayong uuwi ditong mag-iina ulet di ba? Syempre kailangan may gamit din ang bata dito sa bahay eh. Isa pa, ayaw naman namin na maisip na umuwi agad sa Batangas dahil sa wala kang magawa dito sa bahay di ba? Gusto ka naming ipasyal din naman di ba?" sabi ni Ate Jecel sa akin.

Well totoo naman din ang sinabi ni ate. Mainipin talaga akong tao eh. Ayoko kasi talaga ng walang ginagawa eh. After ng aming convo ng ate, nagpunta na ulet ako sa bahay. Gutom na rin kasi ako. Pero bago pa ako makapasok tumakbo na ako sa lababo.

Lahat ata ng kinain ko kaninang umaga nailabas ko ng lahat. Gusto ko na talaga umiyak kasi gusto ko ng matigil na talaga ang morning sickness ko. Nahihirapan na talaga ako.

After ng lahat ng yun, umupo ako sa higaan ni papa. Si papa naman nag-aayos ng kanyang gamit sa kanyang higaan.

"Erika, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni papa

"Opo, sadya po akong nagsusuka sa umaga ngayon po sa pagbubuntis ko po sa pangalawa ninyong apo." sabi ko ke papa

Inakbayan ako ni papa at sinabi, "konting tiis pa anak ha? matatapos din yan. Parte yan ng pagbubuntis alam mo naman yun di ba? Andito kami, aalagaan ka namin at di ka namin pababayaan. Tandaan mo yan." sabi sa akin ni papa

"Salamat po papa." sabi ko sa kanya

"Ay sya kain na ikaw dyan. Ibinili ka na ni boy ng sk dyan sa kwarto nyo. Para daw kung ano gusto mong kainin nyo ni ineng eh di magluto na lang daw kayong dalawa." sabi sa akin ni papa

Pumasok na ako sa loob ng bahay para kumuha ng aking pera na allowance na bigay sa akin nina mama. Alam ko na kung ano bibilhin ko. Tutal naman at bawal sa akin ang maalat bibili na lang ako ng dalawang hotdog at dalawang itlog. Di ko kasi sure kung alin sa dalawa ang gustong kainin di ng dinadala ko kundi ni ineng. Minsan kasi gusto nya ng itlog. Minsan gusto nya ng hotdog. Kaya pareho na lang ang bibilhin ko.


Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon