Erika's POV
August 14, 2015
Kahit anong magandang relasyon, kahit malapit na kayong ikasal, meron pa ring magiging problema. Three weeks na lang due ko na. Pero sa ganitong kaaga nakakaramdam na ako ng mga contractions na paunti unti. Pero sabi naman ni Dr. normal lang naman un. And I am 1-2cms diolated pa lang naman. Pero ang masama, mag-isa na naman ako.
Bago pa kami ikinasal ni Jess noong May 15, merong nanygyari. Nahuli ko si Jess na meron na namang bagong babae. Nakilala daw niya pag nabyahe siya. Kaya pala di na siya minsan nauwi sa bahay sa Calamba. Kaya umuwi kami ni ineng dito sa bahay 3 days before our wedding.
Sina mama Linda, sila ngayon ang sumasama sa akin sa mga check ups ko, at naconfirm namin na lalake nga ang magiging anak namin ni Jess. Nalaman eto ni Jess, pero di ko pa rin naman siya pinatawad. At ngayon malapit na akong manganak, naggawa pa rin si Jess ng paraan na makipag-ayos sa akin. Pero eto ako matigas pa rin ang puso.
Jessie's POV
Andito ako ngayon sa bahay sa Batangas. Kina Erika. Noong nalaman nina mama nya ang nangyari, nagalit sa akin. Pero kahit ano namang galit nila sa akin, di nila ako mapigilan na di bumisita sa mag-ina ko.
Anong nangyari sa amin ng naging babae ko? Her name is Joan, after a month na di rin natuloy ang kasal namin ni Erika, nakipaghiwalay na rin ako sa kanya. Lalo na nang nalaman namin na magkakaroon na kami ng anak na lalaki.
"Ika'y ano ang gusto mong kainin?" sabi ko sa kanya after naming dumating sa canteen ng BSU kasama ng mga barkada niya na parents ng mga kaklase ni ineng.
"Ako na lang ang bibili." sabi niya sa akin. Pagtayo niya, hawak niya ang tiyan niya. "AAAAAAAAAHHHHH" sabi niya sabay biglang upo ulet
"Okay ka lang Erika?" sabi sa kanya ni Jessymin isang coparent niya.
"Jess tawagan mo ang papa sabihin mo ay sunduin si ineng ng alas 3. Dala mo naman ang gamit ng bata sa likod ng kotse di ba?" sabi niya sa akin.
"Hala ka, manganganak na ata si Erika Jessie." sabi sa akin ni Joy.
"Oo dala ko ang baby stuff pati mga unan." sabi ko sa kanya.
"Ate Malen, huh huh, tawag ka ng guard malapit sa, huh huh, sa may kwarto ng mga bata, magpatulong naman tayo, habang kinukuha ni Jess ang sasakyan. huh, huh, I think manganganak na talaga ako." rinig ko na sabi ni Erika, habang palabas na ako ng canteen.
Erika's POV
Masakit na talaga ang tiyan ko. Parang 5 mins ang interval ng contractions ko. Buti na lang maagad naman ang mga tao sa canteen lalo na ang mga nagtitinda ng palamig, huh huh. Tinulungan nila kami na ilabas ako ng canteen. Masakit na talaga ang tiyan ko buti na lang hindi pa pumuputok ang panubigan ko.
Ay oo nga pala si Dr. Alcoreza.
Tinawagan ko kaagad si Dr.
Hello Erika
Doc, huh, meron pa ga po kaung patients.
Bakit Erika?
Manganganak na po ata ako doc.. 5 minutes po ang interval ng contructions ko ngaun. Salamat kuya. (pabulong na sabi ko sa mga tumulong sa akin.)
Kaya pa ga ineng kahit magpadala ka sa asawa mo sa Nazareth?
Kaya pa naman po doctor. Kalalabas lang po namin ng BSU. Di pa naman po naputok ang panubigan ko plus po medyo po nagsubside ang contructions ko.
Ay siya tumawag ka na sa inyo pasundo mo na si ineng sa Papa mo at dumiretso na kayo sa Nazareth.
Jessie's POV
Halos isang oras din ang aming byahe mula sa BSU hanggang Nazareth. Sinisigawan na nga ako ni Erika kasi ang tagal ng byahe namin. Na masakit na daw talaga ang tiyan niya. Buti na nga lang at di pumutok ang panubigan niya. Kung nahuli pa kami ng isang minuto, baka sa kotse na siya abutin. Dahil ng pagdating na pagdating namin sa emergency room, pagkaupo nya sa wheel chair pumutok na ang panubigan niya.
Maya maya dumating na ang ob niya. Ako naman ay tumawag na kina mama Linda sa Calamba para sabihin na manganganak na si Erika.
15mins later
Nalaman namin na di pala nagbago ang posisyon ng bata mula noong sinabi ni Dr. noong huling check up na suhi ang bata. Kaya kahit gustong mag normal delivery ni Erika, cs sya. Pero sa sobrang galit niya sa akin, ayaw nya ako sa loob ng Operating Room kaya inasikaso ko na lang ang kwarto na pag coconfinan ni Erika. Binigay ko na lang ang tablet ko para picturan ang baby boy ko.
Erika's POV
After an hour ata ng CS, nandito na ako sa recovery room, pero medyo ok na ako. Kanina kasi nagsusuka talaga ako. Ngayon, papunta na ako sa kwarto ko sa second floor.
Nandito na ako sa may nursery room.
"Mama eto po ang iyong baby boy. Sabi po ng asawa ninyo Jessie Christopher daw po ang pangalan ng bata." sabi sa akin ng nurse at hinalikan ko ang anak ko. Halos maiyak ako noong nakita ko ang anak ko.
Di na naman Dacuma ang apilyido ng anak ko. "Sorry anak." sabi ko sa kanya ng pabulong. Pero nagitla ako ng makita ko na ang nasa apilyido ng bata sa wrist band ay baby boy Dacuma.
Ano ang mararamdaman mo kung all this years, malalaman mo na yung isang taong minahal mo ng sobra sobra, nalaman mo na di ka pala minahal?
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun