nine

15 0 0
                                    

Jessie's POV

            Oh my God ano ang nangyari ke Erika? Di ko naman napansin na nahihilo siya pagpasok namin. Tatawagan ko si Pareng Allan baka pwede kaming magpasundo sakay ng kanyang kotse

               Ring ring ring

         Hello sino po to? sabi ni Pareng Allan

      Pareng Allan si Dacz to. Malapit ka lang ba sa Cuta?

      Aba Pareng Dacz nabuhay ka ata. Ay oo andito lang ako sa malapit sa inyo. Bakit ga?

      SI Erika kasi at tsaka ayos na. Ngayon ang problema pare, pauwi na kami eh biglang hinimatay. Pwede mo ga kaming daanan dine?

          Ay anong nangyari ke Mare? Ay siya nakikita na kita. 

       Pagkababang pagkababa ng telepono, pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Erika na nakaupo na at pinapainom na ni Jhema ng tubig.

      "Ingatan mo tong asawa mo Jess. Ganyan din ako noong nagbubuntis ako noong una. Mabuti pa baka naman dahil lang ng nakaamoy sya ng adobo ko kaya di na niya kinaya kanina. Painumin mo ng maraming tubig, siguraduhin mo na sapat ang pahinga niya at sapat ang tulog ha? Tapos hanggat maari gulay lang ang ipakain mo ke Erika kasi ang karne pala ay nakakapagpasuka sa kanya." bilin sa akin ni Jhema

         "Tatandaan ko yan. Pare alalayan mo nga si Erika. Ang dami ko rin kasing dalang gamit eh. Ihatid mo na kami sa kanila para makapagpahinga na siya ha?"

          "Oh sige pare." sabi ni Pareng Allan.

           Habang daan nakayapos lang ako ke Erika. Heto tulog na tulog na. Nasa kandungan ko ang ulo nya. Pinabayaan na kami ni pare na sa likod na kami umupo kasi nga para makatulog siya. Buti na lang meron palang unan sa likod si Allan eh di komportable ang tulog niya.

             "Uy baka naman matunaw na sa kakatingin mo si Mareng Erika ha?" loko sa akin ni Allan.

             "Gago ka talaga. Syempre nag-aalala ako sa kanya. Aba himala di na siya naharok hahaha. Teka kanina ka pang Mare ng Mare. Paano mo naging kumare si Erika?" sabi ko sa kanya

             "Dahil ke Chloe. Sa anak nina Panty. Pareho kaming nag-anak sa binyag sa bata noong isang taon. Ay siya naman pare, wag mo nang lolokohin yan. At talagang magagalit kaming lahat sa iyo."

                'Di ko na siya lolokohin pangako ko yan sa iyo pare." at nagtuloy tuloy ang aming paglalakbay papunta sa bahay.

                   Matagal din ang tulog ni Erika ngayon. Bukod kasi sa traffic mukha atang napagod. Ang init din kasi sa bayan kanina. Pero after 20-30 minutes na byahe andito na kami sa bahay. Ginising ko siya pero tulog pa rin siya talaga. Pagtingin ko sa cp niya kelangan na niya pumunta sa school for the meeting sabi sa text. Paano ba to? Binaba ko ang unan ng dahan dahan pati na rin ang ulo nya. Pagtingin ko sa pants ko Shit I had a hard on. Iba talaga ang epekto ng mahal kong to sa akin. Lumabas ako ng kotse, at nagpunta sa kabilang side ng kotse.

             "Jess asan si Erika?" tanong sa akin ni papa

             "Papa are po tulog sa loob. Pwede ga pong buhatin nyo sa loob? Kasi po eh may emergency meeting sina Erika sa Day Care. Eh tulog nga po siya ako na lang po ang pupunta."sabi ko ke Papa

                "Ay siya ako na ang bubuhat pumunta ka na sa Day Care. Malapit lang naman un kasi dyan lang sa me Barangay Hall. Pheejay Ibaba mo ang gamit ng asawa ni Erika sa kwarto na violet. Tapos Allan ung pinamili nila ay ilagay mo na lang utoy sa kusina. Ako na ang bahala ke Erika." 

                Nagtatakbo ako papunta sa Day Care. Pagdating ko doon, nagulat ang lahat. Sino kaya itong lalaking ito na biglang sumulpot sa Day Care? 

                Sorry guys ha konti lang ang update ko ngaun. Napagod kasi ako  dahil bukod sa graduation ng anak ko, nag zumba po ako kanina sa SM. Kapagod grabe

                  Yun pong Allan ay kabarkada ko po talaga. Dati siyang katrabaho ng asawa ko sa Meralco. Si Pheejay po ay boy namin sa aming tindahan

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon