28

15 0 0
                                    

Jessie's POV

11:30pm

          Pauwi pa lang ako ngayon. Napainom kasi dahil ng nagyaya sina Pareng Zaldy na uminom kanina pagkatapos ng byahe. Pero konti lang kasi di ako nakapagpaalam ke Erika kaya konti lang ang ininom ko. Siguro tulog na yun ngaun. Gabi na rin eh. Malapit na ako sa bahay. Kababa ko lang ng tryciclle. Excited na akong umuwi sa mag-ina ko. Kahit pagod na pagod pag katabi ko si Erika at si ineng nawawala na ang lahat ng pagod ko.

       Pagdating ko sa bahay patay na ang ilaw pero bakit parang nagkwekwentuhan pa ata sina Jessa sa kabilang kwarto? Siguro hiniram ni Jessa ang tablet ng ate niya. Pumasok na ako sa bahay at ang una kong pinuntahan ay ang aking mag-ina.

      "Luv bakit gising ka pa?" sabi ko ke Erika pagkakita ko sa kanya sa kwarto.

     "Di kasi ako makatulog eh." sabi nya sa akin.

     "Bakit maingay ba sina Jessa?" sabi ko sa kanya.

     "Ah gising pa ga sina Jessa? Kung alam ko lang nagpabili na sana ako ng hotdog sa 7-11. Andyan pala sina Bryan. Nagitla nga sa akin na andito kami ni ineng eh. Ikaw ang unang hinanap sa akin." sabi nya sa akin sabay tayo para lumabas. Pero mula sa likod niyakap ko siya.

       "Tayo na lang ang bumili dalawa. Namiss kita eh. Isa pa, tanda mo noong nasa Batangas tayo, lagi ako me pasalubong sa iyo na pagkain? Gusto ko rin malaman kung kamusta ang araw mo ngayon." sabi ko sa kanya.

     Humarap siya sa akin at hinalikan ko siya sa lips. Sorry namiss ko talaga ang asawa ko. Di ko pa sana ititigil ang aming kiss pero biglang bumukas ang pinto." Uy kuya, tama na muna yan. Naririnig namin kayong nag-uusap. Gusto rin namin pumunta sa kanto." si Jessa pala. Naghiwalay kaming dalawa at kita ko ang pamumula ng mukha ni Erika.

    Sabay sabay na kaming lumabas para pumunta sa kanto.

Erika's POV

         Naglalakad kami papunta sa 7-11 sa kanto. Kasama sina Jessa, Bryan, Moko, at sina Queen at Haning. Nagkwekwentuhan sina Bryan at si Jess. Sina Jessa naman ay magkakasabay rin na naglalakad. Ako ay nahuhuli naman. Di ko ba alam parang natahimik na lang ako bigla. Noong malapit na kami sa 7-11 napatigil ako. Inantok tuloy ako bigla.  

       Napansin ata nina Jessa na wala na ako sa likod nila. Kaya binalikan nila ako.

          "Tita Erika, okay ka lang po ba?" tanong sa akin ni Queen.

             Magsasalita pa sana ako, pero biglang nagsalita si Jessa. "Ay naku naman itong si Boy, basta kasama talaga sina Bryan nakakalimutan ka na eh." sabi sa akin ni Jessa.

           Tatayo na sana ako pero inaantok na talaga ako. "Tita Jessa, umuna na po kayo sa 7-11, ihahatid ko na lang po si Tita sa bahay. " sabi ni Queen.

        "Alam naman ata ng kuya ang gusto mo di ba ate?" tanong ni Jessa.

        "Oo neng alam naman nya ang gusto kong pagkain. Medyo antok na talaga ako. Ganito talaga ako neng eh. " sabi

       Tinulungan ako nina Jessa na makatayo at nagsimula na kaming maglakad ni Queen pauwi.

Jessie's POV

        Nandito na kami sa loob ng 7-11 nina Bryan. Nang mapansin namin na hindi pa pumapasok sa loob sina Jessa.

       "Bryan, sigurado ka ba na kasunod natin sina Jessa?" tanong ko sa pinsan ko.

        "Oo kuya Boy......" napatigil sa pagsasalita si Bryan ng nakita na namin na pumasok sa loob sina Jessa at si Haning. Hindi na nila kasama sina Queen at si Erika.

          "Jessa asan ang ate mo?" tanong ko sa bunso namin

        "Iniuwi na ni Queen si ate boy. At biglang tumigil kasi siya sa paglalakad malapit doon sa paradahan ng trycicle. Akala namin kung ano na ang nangyari sa kanya. Yun pala ay inaantok na siya. Ikaw naman kuya, bakit mo ga naman pinabayaan ang ate? Basta talaga magkakasama kayo nakakalimutan mo si Ate Erika. Ay siya kung me pupuntahan pa kayo, ano ga ang pinabibili ng ate at ako na ang bibili at ako na rin ang magdadala sa bahay." inis na sabi sa akin ni Jessa

       Napatigil naman sa pagtawa sina Bryan ng nakita ang seryosong mukha ni Jessa. "Hindi ako na ang magdadala, are lang tatlong kulokoy na are ay sobrang makukulit kaya....." sabi ko pero napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita ulet si bunso.

      "Boy, ikaw ang nag-insist na dito muna ang mag-ina mo dahil nga ng kung tutuusin nakahanda na ang lahat para sa kasal ninyo sa birthday ni mama. Sana naman, wag mo namang baliwalain ang ate. Pag yan nainis sayo, sinasabi ko sa iyo, uuwi un ng Batangas. At para sa inyong tatlong kolokoys, wag nyo ng isama sa mga lakad ninyo ang kuya. Aba ay ikakasal na at lahat eh, pag-aawayin ninyo pa eh."

Erika's POV

      Andito na kami sa bahay ni Queen. Medyo inaantok na ako, pero gutom pa si baby ngayon kaya di pa ako makatulog. So sinamahan ako ni Queen sa kwarto at pinag fb ko muna siya sa tablet ko. 

      Narinig ko na ang pinto na magbukas. Kaya lumabas na si Queen para tingnan kung ang mga Tito Boy nya na yung dumating. Ako naman nagtulugtulugan. Tampo kasi

     Narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto. Nagsalita si Jess

     "Alam kong di ka pa tulog, kahit papaano naman kasi, nahilik ka pa rin kahit tulog." sabi ni Jess pagpasok nya sa kwarto. Kaya dumilat na ako at nakita ko na tinitingnan nya ang mga pinamili namin kanina.

     "Marami pa ang kulang sa mga baby things ng bata." sabi ko sa kanya

     "Binili mo na pala ung swing na matagal na na ating gusto ano? Dalawa ang bibilhin natin kasi ang isa ay sa bahay sa Batangas. Ok ka lang ba? Sorry  ha iniwanan kita. Eto ung pinabili mong siopao tapos binili rin kita ng tubig." sabi nya sa akin.

     Nagsimula na kaming kumain. Sinabi nya sa akin na napagalitan daw siya ni Jessa noong dumating sila sa 7-11. Nalaman ko rin na napainom siya kanina, kaya ang pinagawa ko, kailangan niyang mag toothbrush bago siya tumabi sa akin hahaha. At ginawa naman nya un. Noong hinalikan niya ako kanina di ko pa napansin na lasing siya noon. 

      Pinakamasakit na sabihin sa iyo ng pinakamamahal mo na wala kang kwenta. Na para bagang hindi na niya naconsider na binigay mo naman lahat di ba? Bakit it's never enough to him? Pinaghirapan mo ung pera tapos ibibigay mo sa kanya. Pero in return naman wala naman siya nabibigay sa iyo. Tapos sasabihan ka niya na walang kwenta?

     Wow ha? Bakit ba nabalik ka pa sa buhay naming mag-ina?

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon