25

13 0 0
                                    

Mukhang umaaligid aligid nga ang ex ko dito sa bahay. Me nakakita sa kanya na dati nyang kasamahan sa trabaho. Nagitla nga ito na sobrang payat na ako ngaun. Sabi nga nya, nakita na ba nya ikaw ulet? sabi ko siguro, friends ko pa naman sa fb mga kapatid nya.

And boom nalaman ko na nakita nya ito dito sa paligid. Well maglaway ka ngayon hahahaha.

9:00pm

Erika's POV

Sa totoo lang nakakain na kami ni ineng. Napadami na naman ang kinain ko. Buntis kasi. Plus gulay ang pang-ulam namin. Hinihintay ko ngayon si Jess na dumating kasi nga sabi niya uuwi daw siya ngayong gabi. Sabi nga nya sa text nya kanina last na byahe na niya yung pila nyang yun.

I think kailangan ko na rin magpahinga na rin ako. Bawal sa akin ang magpuyat eh. Gigisingin naman nya ako kung andito na siya. Pagpasok ko sa kwarto nagtext naman sa akin si Jess

Luv malapit na ako ha? Ano gusto mong pasalubong? O gusto mo labas na lang tayo pagdating ko diyan? Si ineng tulog na ba?

Kain na lang tayo. Si ineng tulog na. Mag-ingat ka na lang pag-uwi. Nasa garahe na kayo?

Oo kadadating lang namin ngaun. Pauwi na ako, nagpasundo na ako sa kuya Gasque kaya biglang niyang nilabas ang motor.

Ah kaya pala ang kuya ay umalis ngaun lang. Ingat kayo ha?

Pumikit muna ako at hihintayin ko na lang ang pagdating niya.

Jessie's POV

Pauwi na ako. Sakay na ako sa motor ng Kuya Gasque.

"Boy, grabe ang likot ni Neena. Pero napaka bibong bata ng anak mo." sabi sa akin ng kuya

"Naku sabi nga sa akin nina mama noong katext ko pa lang sila, napakatalino daw na bata noon. Laging nasa top ng klase nila noong nasa Day Care yun. Gusto ngang ipatest sa doctor dahil nga ng sobrang likot niya." sabi ko sa kanya.

"4 years old lang si Boning, tama ako di ba? Sadyang malikot ang mga bata ng ganoong edad. Lahat ng mga bata malikot talaga. Buti nga ay napakatalinong bata. Me award din ata noong Recognition Party nila tama ba ako?" sabi niya sa akin.

Sasagutin ko sana siya, yun lang andito na kami sa bahay. Bumaba na ako sa motor, at umuna na akong pumasok ng bahay.

Pagbukas ko ng gate nakita ko sina Toto.

"Tito Boy ang laki laki na ni Boning eh. Nakakatuwa." sabi ni Toto.

"Toto, asan Tita mo?" tanong ko sa kanya.

"Ang alam ko po pumasok na po ng kwarto." sabi niya sa akin.

Pumasok na ako at nagmano ke mama at papa na nanonood pa ng Empress Ki ng oras na ito. Pumasok na ako sa kwarto para puntahan si Erika. At nakita ko siyang nakahiga pero di pa tulog. Nagbabasa siya ng libro para sa kanyang pagbubuntis. Mga libro na binabasa pa daw niya mula noong unang pagbubuntis niya ke ineng.

Nang tumitig ako sa kanya habang siya ay nagbabasa, doon pa lang niya ako napansin. "Ay luv andyan ka na pala. Gutom ka na ba? Gusto mo ng kumain tayo or gusto mong magpahinga na tayo?"

"Tara na lang lumabas at kumain sa kanto." sabi ko sa kanya

"Lugaw. Tapos isama na natin sina Ate Jecel tapos magdala na lang tau ng lugaw para sa mga bata." sabi ni Erika.

"Lugaw nga rin ang gusto ko luv. Kasi nga pagod na pagod ako eh. Kung bukas pa yung lomian doon doon na lang tayo kumain okay?"sabi ko sa akin.

Pero sa di inaasahang pagkakataon di sumama sina ate Jecel sa aming dalawa. Ramdam nila siguro na kailangan naming mag-usap talaga.

Erika's POV

Di sumama sa amin ni Jess ang mga ate Jecel, kaya nagpaalam na kami kina mama para pumunt a sa kanto.Kinuha ni Jess ang aking bandana sa lalagyan ng gamit naming mag-ina. Prinoprotektahan nya pa rin ako dahil nga ng gabi na rin eh.

Habang naglalakad kaming dalawa nakayapos sya sa akin. At pareho kaming tahimik. Walang gustong magsimula siguro dahil ng sa nangyari kaninang tanghali sa bahay. Pagdating namin sa dulo, sarado na ang lomian kaya lugaw na lang ang aming kakainin.

Umupo na ako habang si Jessie ay dumiretso sa counter para umorder ng aming kakainin. Matapos niyang umorder tumabi na siya sa akin.

"Sorry luv kanina ha? Di ko naman akalain na dadating si Jhema sa bahay habang nandoon kayo ni ineng." sabi sa akin ni Jess

"Hanggang kailan ba yan ganyan yang babae mong yan? Jess kung magpapatuloy pa to sa tingin ko iuwi mo na lang kami sa Batangas. Kasi...." pinutol nya ang sinasabi ko

"Mas matutukan kita dito. Kau ni ineng pati na ang baby natin kung nandito kayo. Magsasakripisyo ako na Friday hanggang Monday nasa bahay ako. Sunday off ko. Alam mo ba na pinasadya ko na dito sa Calamba talaga bumyahe para lang makauwi snuna inyo sa gabi ngayong Mahal na Araw? Titigil na si Jhema, pinapangako ko yun sayo kung pumunta pa siya sa bahay sabi ko sa kaibigan ni Jessa tanda mo yung pulis? Tatawagan lang nina mama yun pwede siyang paalisin agad. Gagawin namin ang lahat kahit nina mama sa batangas para lang tumigil si Jhema." sabi ni Jess.

Tumahimik na ako pagkatapos niya magsalita.

Jessie's POV

After kong sabihin ang gusto kong sabihin, nanahimik si Ika'y. Alam ko pag ganun siya medyo nag-aalala siya lalo na at pagbubuntis niya ang pinagduduhan eh.

Eh anong gagawin nila, eh sa maliit lang talagang magbuntis si Erika. Kahit na noong pinagbubuntis nya si ineng maliit talaga siyang magbuntis.

Hinawakan ko ang kamay nya, kaya napatigil siya sa pagkain ng lugaw. "Luv, eto ang tatandaan mo ha? Naniniwala kaming lahat na buntis ka ha? Maliit ka lang talagang magbuntis eh kaya di halata ang tyan mo. Isa pa meron tayong pruweba eh. Andun ako noong nalaman natin na buntis ka at yun ang mahalaga ha? Mahal na mahal kita, namin ng pamilya mo, at pamilya ko. Proprotektahan ka namin sa abot ng makakaya naming lahat ha? Wag ka nang mag-alala."sabi ko sa kanya.

Tumango siya sa sinabi ko at maya maya ay kumain ulet.

Sabi sa aming Evangelization kagabi, kailangan mong harapin ang mga bagay na pumapatay sayo. Nasa isip ko:paano ko ba mapapatawad ang mga tao na pumapatay sa pagkatao ngayon eh kung tutuusin ang hirap gawin. Madaling sabihin na papatawarin mo sila pero ang hirap hirap gawin eh.

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon