Jessie's POV
Andito na kami sa Ginazel's para sa reception ng aming kasal. Kung tutuusin kinakabahan ako ngayon, kasi sa totoo lang first time naming magsasayaw as a couple man o kahit ngayong mag-asawa. Sa loob ng pitong taon ngayon lang kami magsasayaw.
Papasok pa lang kami sa venue. Inisa isa muna lahat ng mga abay, mga ring bearer, flower girls, lahat.
"Ladies and gentlemen, let's all stand para po iwelcome natin ang mga newly weds, Mr. and Mrs. Erika and Jessie Dacuma." sabi ng aming emcee, na si Sir Africa, ang dating professor ni Erika sa UB.
Pagpasok namin sa loob ng venue, nagpalakpakan ang lahat ng mga tao. In fairness, ang ganda ng pagkakaayos ng lugar. Puros white and roses ang nasa mga table. May photobooth para sa mga bisita. Ngayon ko lang napansin maganda rin pala ang kulay pink at violet na motif ng kasal. Nandyan na rin ang banda. Si Dj Johnny na isa sa mga MC ng gabi. Kasama ang dating professor ni Erika sa UB.
Pero ang pinaka maganda sa lahat ng andito sa reception ay ang taong hawak hawak ko ang kamay.
Erika's POV
Ang ganda ganda ng reception hall. Ako mismo ang nakipag coordinate para maging maayos ang lahat. Kasi noong nag-aayos kami ng kasal, di ko masyado kasama minsan si Jess dahil nga ng trabaho niya pinabayaan na lang niya ako sa parteng ito. Sabi niya pagdating sa reception ikaw na ang bahala. Pero kinokonsulta ko naman sa kanya mga desisyon ko.
Nagsimula na ang mga serimonyas for the reception ng kasal namin. Pero ang inaabangan ng lahat ay ang first dance naming dalawa.
"Ladies and gentlemen, let's give a round of applause for the couple dancing their first ever dance as a wedding couple, and nabalitaan po din namin na first dance din pala nila ever di ba John?" sabi ni Sir Africa.
Hinawakan ako ni Jess sa kamay at nagpunta kami sa gitna. Para kaming walang naririnig habang nakatitig lang sa isa't isa. Habang ang lahat ng tao sa paligid namin ay nagpapalakpakan at ang iba naman ay naglalagay ng pera sa aming mga balikat. Na ang tawag ay sabog para sa mga kinakasal.
After ng aming sayaw, at makakain ang mga bisita, siyempre eto na ang inaabangan ng mga dalaga at mga binata. Para sa mga dalaga, eto ay ang paghahagis ng boquet at sa mga lalaki naman ay garter.
(ang nakakuha ng boquet ay ang bunso namin na si Jessa at ang garter naman ay ang kanyang boyfriend na si Mark)
Naging masaya ang aming kasal hanggang me sinabi si DJ Johnny.
"Ahmmm, Erika and Jessie eto ay pinaabot sa akin ng isa sa mga waiters ng event na ito. Me babasahin akong sulat at sana ay pakinggan ninyo." sabi niya sa amin
Dearest Erika and Jess,
Siguro kung naririnig ninyo ang sulat na ito, siguro ay kasal na ninyong dalawa. Congratulations sa inyong dalawa.
Anyways, kaya ako sumulat sa inyo, kasi di ko alam kung paano ako lalapit sa inyo na hindi ako masasampal mo Erika. Alam ko marami akong nasabing masasamang salita noon sa iyo Erika. At humihingi ako ng pasencya sa iyo.
Jess, ikaw ay magtino na ha? Dalawa na ang anak ninyo at isa pa kasal na kayong dalawa. Wag nang mangbabae. Alam ko na kaung dalawa talaga ang nakatadhana sa isat-isa at sana ay magmahalan kayo habang buhay.
Wag kayong mag-alala sa akin. Ok na kami ulet ng ama ng mga anak ko at sa susunod na taon ay lalagay na rin kami sa tahimik. Sa inyong dalawa naman ay best wishes and good luck.
Jhema
Pareho kaming nagitla ni Jess. Pero napangiti naman kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Si Mr. Kulet at si Miss Sunget
RomanceEto ang storya naming mag-asawa. Yun nga lang hiwalay na kaming dalawa ngaun