two

25 0 0
                                    

March 17, 2015 10:32 pm (present time)

Tulog na kanina pa si ineng. Malapit na siyang magtapos sa Day Care. Culminating Activity na nila sa Friday. Sobrang proud ako sa anak ko. Kasi kahit four years old lang siiya pero nakikipag sabayan sya sa mga batang mas matanda sa kanya. Sabi ng mama, sabi ni Mam Liza meron daw award si ineng sa Friday. Sana lang maging proud sa kanya ang papa niya.

Pero hindi eh ang problema, pinagpalit nya kami sa ibang babae. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon sana napigillan kong gumamit siya noon. Sana lang nakita ko kaagad ang mga senyales na gumagamit siya noon. Di sana ayos pa rin kaming pamilya. Baka ngaun ako ang buntis at inaalagaan nya hindi si Jhema. Pero alam nyo di ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nilang dalawa.

Buti na nga lang at ayos pa rin ako sa pamilya. Pero di ko pa rin sigurado kung hanggang kailan kaya kong maging ok para sa anak ko. Kung tutuusin oo ok ako sa panglabas kong mukha. Nagpapaganda, inilalabas ang poker face ko and all. Pero sa totoo lang, sa loob ko, naiyak pa rin ako. Sa loob ko, andito pa rin ang lahat ng sakit na hindi kayang maalis kahit magpaganda pa ako.

Eto ang dahilan kung bakit gabi gabi late na akong matulog, para di ako umiyak habang natutulog ako dahil sa kanya. Kasi kung tutuusin mahal ko pa siya eh. Sobrang mahal. Pero asan ba siya ngaun? Andun sa babae nya. How I wish, sana maalis na lang tong lahat ng sakit na nasa loob ko para madali ko na siyang makalimutan. Para maka pag move on na ako

Jessie Dacuma

March 3,2015

"Jhema pahiram ako ng cp mo. Baka kasi merong mga nagtetext na sa akin o tumatawag galing sa mga bus companies na pinagapplayan ko mula noong isang linggo pa." sabi ko ke Jhema na nakaiin ng manggang hilaw

"Mahal, nasa kwarto ang cp ko. Dahan dahan ka lang at nagpapahinga si Liam. Kagagaling lang sa school ng batang yan ha?" sabi ni Jhema

Pagdating ko sa kwarto binuksan ko kaagad ang cp para malaman kung me nagtext na o kaya naman ay may tumawag habang wala ako sa bahay kanina. Tama ang basa nyo si Jhema na ang aking kinakasama ngaun, hindi na si Erika. Nagkaroon kami ng matinding away two weeks ago.

Wala pa rin palang naman palang nagtetext o kaya ay natawag. HOY. Teka number to ni Ika'y ah. sabi nya sa akin wag ko na daw babanggitin ang pangalan nyong mag-ina sa kanya.

wag ko na daw isipin ikaw kasi baka maging kamukha mo ang anak namin. buti na lang daw ay kamukha nya ang anak nyo.

Wala naman ako sinasabi sa kanya na ganito ah. Kaya siguro blinock ako ni Erika.Lumabas ako ng kwarto at nakita si Jhema nakain pa rin ng mangga.

"O mahal meron na bang nagtext sau sa mga inaplayan mo?" tanong nya sa akin.

"Wala pa. Pero ano ang ibig sabihin mo sa text mo na to ke Erika?" sabay pakita ko sa kanya ng mga text convo nilang dalawa ngaun lang.

"Ah wala yan. gusto nya lang sabihin ko sau....." di na natuloy ni Jhema ang sinasabi nya nasampal ko na sya.

"Bakit di mo sinasabi ang score ng anak ko? Karapatan ko pa ring malaman ang magagandang nangyayari sa anak ko Jhema. isa pa wala ako sinasabi sau na wag ko ng babanggitin ang pangalan nila ah. Isa pa, kamukha naming dalawa ang anak namin dahil produkto sya ng aming pagmamahalan."

"So parang pinalalabas mo ngaun na itong dinadala ko ngaun ay di planado ganun ba yun?" sabi nya sa akin.

"Oo totoo un. At for your information nung bago pa tayo umuwi ng Calamba noong bagong taon me nangyari sa amin ni Erika......." napatigil ako sa pagsasalita. Malaki ang posibilidad na buntis si Erika ngaun.....

March 18,2015 present time 12:04 pm

Di pa rin maalis sa isip ko ang pinakitang picture ni Jake sa akin kagabi. Ang ganda ganda ngaun ni Erika. Blooming siya. Nachalengge siguro noon dahil sa tinext sa kanya ni Jhema. Miss na miss ko na ang mag-ina ko. Tama si Jake kailangan ko ng makipag ayos kina mama ng palihim. tutal naman meron na akong trabaho. Magsisimula na ako sa Lunes ng pag coconductor ulet sa bus.Byaheng Batangas Cubao. (di ko na babanggitin ang bus company baka mali ang ruta ko eh-Erika)

Mag aapat na buwan na noong me nangyari sa amin ni Erika. Masusundan na ba si ineng ngaung taon o hindi?

Me mga part po ng storya ko na kathang isip ko lang. Gusto ko lang po malaman nyong lahat

Si Mr. Kulet at si Miss SungetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon