Kabanata 1

22K 439 70
                                    

Rain


Napalayo ako sa kaniya at parang umurong ang luha ko sa pagbagsak. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Bibigyan kita ng panahon para makapag-isip. Hmm, one week. I think that would be enough..." tumango-tango pa ito na para bang tama ang naisip, bago naglakad pabalik sa office chair niya.

Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya. I could feel my body trembling because I was terrified of him. He wouldn't hesitate to do what he wants.

Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan niya akong tanggalin, hindi ko maintindihan ang pinupunto niya.

I sighed slightly as I cleared my throat. "M-May I know the reason why sir?" I asked while trembling.

I could see how his lips formed a smirk as he glanced at my direction and he slowly watched me from head to foot. "Let's say... because we're enemies?" patanong na sinabi niya.

Nangunot ang noo kong nakatitig sa kaniya. "Empleyado lang po ako rito Sir. Baguhan lang din po kaya paano ko po kayo magiging kaaway?"

Dahan-dahan naging seryoso ang mukha niya kaya napayuko ako. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bunganga ko kaya madalas akong mapahamak eh.

His brows furrowed. "You don't know about our family's conflict?"

Umangat ang ulo ko sa kaniya na magka-salubong ang kilay. Napalabi ako at mabilis na umiling. "Ilang buwan pa lang po ako rito sa Maynila kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa mga magulang ko. Lumaki po ako sa puder ng lola at lolo ko-"

Mabilis akong nagtakip ng bibig at napayuko. Gaga ka self! Ang daldal mo! Kastigo ko sa sarili.

Pinagdikit ko ang dalawang palad ng marinig ang tawa niya na parang musika sa pandinig ko. Bahagya pa akong natulala dahil sa tawa niya.

"How many months since you were hired in my company?" he suddenly asked, which made me glance at his direction.

Tumaas ang makapal niyang kilay sa akin kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa hindi ko makayanan na salubungin iyon. Muli akong yumuko.

"Mga two months pa lang ho..." mahinang sinabi ko.

He sighed. "How old are you?"

Ngumiti ako ng tipid at muling umangat ang ulo ko sa kaniya. Nakatitig pa rin siya sa akin ng taimtim.

"Mag 23 na po at malapit na po ako mag-birthday," sabi ko at napakagat pa ng labi.

His jaw abruptly shrank. "I'm not asking, Miss Jacinto. And can you please drop that "po" word? I'm not that old!" malamig na sinabi niya.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa akin, gumalaw-galaw ang adam's apple niya pati na ang panga kaya bahagya kong napansin ang halos perpektong hugis ng panga niya.

"Ilang taon na po ba kayo, Sir?" nakagat ko muli ang labi dahil sa kadaldalan.

Umigting ang panga niya at dahan-dahang lumingon ang mukha sa akin. Parang may kakaiba akong nararamdaman ng magtagpo ang aming mata.

"I'm just turning 30, okay. So drop the po!" mariin na sinabi niya.

Tumango-tango ako at mabilis na umupo sa upuan sa harap ng lamesa niya. "Ang tanda niyo na pala, Sir, 'no?" mahinang sabi ko na ikinatalim lalo ng mga mata niya sa akin.

"What did you say?!"

"Sabi ko po ang tanda niyo na-"

"Get out!"

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon