Kabanata 22

11.1K 306 10
                                    

Luha


Isang linggo na ang makalipas ng inilibing na si Lola. Hindi na talaga nagpakita si Mama kasama si Coco. halos buong linggo akong umiiyak dahil sa sama ng loob. Iniwan na naman ako ni Mama at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Napahikbi ako at nagkulong lang sa kuwarto. Wala akong gustong kausapin miskin si Lolo na panay ang katok sa labas ng pintuan. Nag-aalala na rin sina Angge sa akin pero parang wala lang sa akin.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari kay Mama at bigla na lang umalis.

Panay ang titig ko sa cellphone nagbabaka sakaling magparamdam si Mama. Napahiga ako sa kama at walang humpay ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Muli kong hinawakan ang cellphone pero wala pa ring mensahe kaya binagsak ko ito sa kama. Hanggang sa dahan-dahang pumikit ang mga mata ko nakatulog na lang dahil sa pagod.



"Ang ganda, ganda talaga ng apo ko..." ani Lola habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

"Totoo po, Lola, maganda ako?" nakangusong tanong ko.

Mayuming tumawa si Lola. "Oo naman, apo ko. Magandang maganda..."

"Pero bakit po, hindi ko raw kamukha si Mama? Maganda po si Mama pero hindi ko nakuha ang kaniyang mukha," sumimangot ako.

Hinaplos ulit ni Lola ang ulo ko at pinisil-pisil ang ilong.

"Hindi mo kamukha ang mama mo dahil mas kamukha mo ang ama mo. Tsaka, anong hindi kamukha? Pareho kayo ng labi."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Pero bakit niya ako iniwan sa inyo? Hindi niya po ba ako love? Tsaka, bakit po si Papa. hindi ko pa nakikita? Si mama naman sa video call ko lang nakikita. Magka-college na ako hindi ko pa rin nayayakap si Mama..."

Hindi ko na mapigilan ang sariling tanungin si Lola ng sunod-sunod.

Hindi ko rin maiwasang malungkot dahil doon. Hindi ko pa nasilayan si Mama simula ng magkamuwang ako. Si lola na ang nagpalaki sa akin at nakagisnan kong kasama araw-araw. Pinuno ako ng pagmamahal ni Lola, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang pakiramdam ng kayakap ang ina at ama.

"Busy lang ang Mama mo sa trabaho, Apo ko. Pero hayaan mo sasabihin natin sa kaniya na umuwi naman siya para sa'yo..." sabi pa ni Lola.

"Sana nga po, La..."

"Buti na lang at dinala ka rito ng mama mo kaya may nakakasama kami..." nagagalak na anito.

Niyakap ko nang mahigpit si Lola dahil sa kabila ng katigasan ng ulo ko hindi nila pinaramdam na sagabal ako sa pamumuhay nila ni Lolo.



Napabalikwas ako ng bangon dahil sa mga alaala na namumbalik sa isipan ko. Muli akong napahikbi at niyakap ang sarili. Napalingon pa ako sa bintana ng makarinig nang kaluskus mula sa labas.

Tumayo ako upang tingnan iyong ngunit nakarinig ako nang katok mula sa labas ng kwarto. Napabuntong hininga ako at naglakad paatras patungo sa pintuan.

Bumungad sa akin si Angge na may dalang mangga na agad nagpangasim sa panlasa ko.

"Insan, na miss kong kumain ng mangga kasama ka. Samahan mo ako," aniya habang nakangiti.

Tumango lang ako tipid na ngumiti pabalik at sunod na lumabas ng kwarto.

Sinundan ko si Angge na naglatag ng lamesa sa bakuran. Malinis na rin ang harap ng bahay dahil nagtulong-tulong ang kabaryo namin upang matapos agad.

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon