Tears
"Nakiusap siya na kung pwede ay itago ko muna at walang pagsabihan kahit na sino. Nahihiya siya! Nandidiri at nasusuklam sa sarili..."
Patuloy na umaagos ang luha ko at parang hindi ko na kakayanin pa.
"Lagi ko siyang kinakamusta at dinadalaw nang makaalis ang boyfriend ng Ate niya. Dahil ang sabi ni Malou sasabihin niya muna sa Ate niya ang lahat dahil ayaw niyang masira ang pamilya nila. Ayaw niyang kumalat ang nangyari sa kaniya. She was scared. Kung hindi ko siya pinilit na sabihin ang nangyari sa kaniya ay hindi na siya magsalita..."
"Sana po kayo ang tumulong..." tanging nasabi ko.
The old man nodded. "I did, hija. Kasama niya ko ng kausapin niya ang Ate mo dahil nasaksihan ko mismo. Pero alam mo ang nangyari?"
Tumalim ang boses ng matanda. Ang mga mata niyang nabuhay ang galit.
"Manda spread the news that your Tita and I have a secret affair. That she was my mistress!" he finally said.
Para akong tinakasan ng lakas dahil sa nalaman. Si Mama! 'Paano niya nagawang gawin iyon?!'
Muling bumuhos ang luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit! Anong klase siyang kapatid!
"Kinalat niya ang balitang iyon para pagtakpan ang ginawa ng kanyang boyfriend kay Malou. Mabilis na kumalat ang balita at kinuyog dito ang Tita mo. Kaya napilitan ang Lola mo na ipasama siya sa Manila sa Ate mo dahil sobra ang ginawa sa kanya noon na halos saktan pa siya pisikal."
"Papano nagawa ni Mama iyon? Kayo po anong nangyari sa inyo?"
Lumungkot ang mukha ng matanda at dahan-dahang niyuko ang ulo. Napansin ko na lamang ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"My parents were sick that time and when they heard the news they hated your family. My parents hated me. My wife hated me. My son... they hate me for being a cheater even if it's not true..."
"You should defend yourself—"
"Sinubukan ko. Pero ang daming kumalat na litrato na lagi kaming magkasama ng Tita mo. Kalat na kalat sa buong Alcatraz. And I was already married so they thought I was a cheater, but it wasn't true... I love my wife so much... kaya tinulungan ko si Malou sa gusto niyang mangyari dahil niligtas niya ang asawa ko. Utang na loob ko iyon sa kaniya kaya dinadamayan ko siya. Ang naging kasalanan ko lang ay pati sa asawa ko ay naglihim ako. Para akong mamamatay hija noong iniwan ako ng asawa ko kasama ang anak kong si Clyde..." dire-diretso wika ng matanda.
"Iniwan po nila kayo?"
Tumango ito pagkuwa'y nag-angat ng mukha sa akin. Namumula ang kaniyang mga mata at makikita roon ang labis na pangungulila.
"Susundan ko na sana sila sa Maynila pero saktong namatay ang magulang ko dahil sa sakit sa puso. At simula noon, lalong kumalat ang balita at kinamuhian ang pamilya n'yo ng angkan namin."
Napakagat ako ng labi at sobrang sikip ng dibdib ko. Para akong sasabog sa mga nalaman.
"After my parents' burial, I immediately fled to Maynila just to chase my wife. But then I don't know where she is. I was wasted at that time and I just found myself in the bar..."
Nakatitig ako sa ama ni Clyde. Paano niya nakayanan ang lahat ng iyon? Ni isa walang naniwala sa kaniya.
"And accidentally, I found your Tita working there. I offered a help her to go in somewhere. Sasagutin ko lahat ng gastos niya bilang utang na loob. And she agreed. Inayos ko lahat ng passport and her other Id's coz it's better to send her abroad. I was doing that while pursuing my wife to get back. And after a week. Nakabalik ang asawa ko sa akin. I was the happiest man that time..."
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.