Vandellor
MAHINA akong napadaing ng maramdaman ang magaspang na palad ang marahang humahaplos sa mukha ko. Ramdam ko rin ang pagpintig ng ulo ko sa sakit.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata kasabay nang pagkawala ng kamay na nakahawak sa mukha ko at bumungad sa akin ang puting kisame na medyo malabo.
Kinusot-kusot ko ang mga mata bago unti-unting bumangon. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko at ang pag-ikot ng paningin kaya napasapo ako sa ulo.
“Nasaan ako?” mahinang sambit ko habang hinihilot ang sentido.
“You’re finally awake now,”
Napamulagat ako lalo at mabilis na nag-angat ng ulo ng sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Napalunok ako ng makita siya sa harapan ko na seryoso ang mukha at naka pang-krus ang dalawang braso.
Nagbaba ako ng tingin at dahan-dahan bumangon ngunit napapikit ako ng umikot ang paningin. Ramdam ko rin na tagaktak ang pawis na nagmumula sa noo ko kaya dahan-dahan ko itong pinunasan.
I felt so weak but I shouldn't be there. Hindi ko alam ang nangyari pagkatapos ko mawalan ng malay pero hindi pa rin tama na nandito ako.
Napasinghap ako dahil sobrang init ko pagkapa sa noo. Pinilit kong gumalaw at bumangon ng makarinig ng malakas na malakas na pagtikhim.
"Stay there," aniya sa kalmadong boses.
Umangat ang mukha ko sa kaniya at umiling. "U—Uuwi na ho ako…"
His jaw abruptly moved. "I said, stay there."
Napaigtad ako sa malamig niyang tinig ngunit. Bumaba ang tingin ko sa kamay at sinubukang itukod upang tumayo kahit masakit ang katawan. "Kailangan ko nang umuwi—"
"Damn it, Miss Jacinto! Ang tigas ng ulo mo!"
Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa kaniya. "Uuwi na ako, Sir…" sabi ko.
Umiling lang siya at inirapan ako ng kanyang mga it n mata bago tumalikod at dire-diretsong lumabas ng kuwarto.
Napakamot ako ng ulo at luminga-linga ng mapansing nasa malambot na kama ako sa loob ng hindi pamilyar na silid. Sinubukan ko muling tumayo at bumaba ng kama ngunit malakas na bumukas ang pinto kaya sa sobrang gulat ko ay, nahulog ako sa sahig at napaupo. "Aray…" daing ko at napapikit.
"What the hell!"
Nakagat ko ang labi dahil sa lakas ng sigaw ni Sir Clyde. Narinig ko ang yabag niyang papalapit sa akin kaya nagmulat ako ng mata at agad niya akong inalalayan makatayo.
Bumuka ang bibig ko at parang may kakaibang sensasyon gumapang sa sistema ko ng hawakan niya ako sa baywang at mabilis ngunit maingat na pinaupo sa kama.
I heard him sighed heavily like I made him pissed. I pursed my lips together and I bowed my head. I played with my fingers 'cause I felt embarrassed right now.
"Why so hard headed, Miss Jacinto? Kung hindi nakabalik kaagad baka nakahandusay kana sa sahig," seryosong aniya pero… may bakas ng pag-aalala sa tinig.
Iniling-iling ko ang ulo dahil naiisip. No, hindi siya 'yong tipo ng tao na may pakialam sa kapwa niya, dahil kung mayroon, hindi niya sana ako sinesante sa mababaw na dahilan.
Bumuntong hininga ako at lumingon sa kaniya. "Uuwi na ako, Sir. May pupuntahan pa ako..." kailangan ko makahanap ng trabaho.
His jaw tightened while breathing heavily as he slowly glanced at me, and I could feel something strange inside of me when our eyes met.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
Ficción GeneralEnemies with benefits.