Kabanata 25

11.2K 320 1
                                    

Truth

Naalimpungatan ako dahil sa pagkalam ng tiyan. I slowly opened my eyes until I felt something heavy on top of me. Kusang ngumiti ang labi ko ng malanghap at agad nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy ni Clyde.

Nanatili siyang nakayakap sa akin. Kung natulog kami na ako ang nakasubsob sa dibdib niya, ngayon naman ang ulo niya ay nakasubsob sa leeg ko at mahimbing pa rin ang tulog.

Umangat ang kamay ko at humplos sa ulo niya. Gusto ko sana siyang gisingin kaya nakokonsensya na ako.

Sinubukan kong maingat na alisin ang kamay niya sa baywang ko. Sunod ang kaniyang ulo sa leeg ko, ngunit bigla siyang dumaing at muling yumakap sa akin.

Napakamot ako ng ulo kung paano bumangon. Ayoko talaga maudlot ang mahimbing niyang tulog.

I tried to remove his arms but he awoke.

"Hmm..." he hummed.

Sinubukan ko ulit ngunit dahan-dahang siyang nagmulat ng mata. "Why? Do you need anything?" his husky voice made me gasp.

"Lalabas ako..." usal ko.

He hummed again.

"Kailangan ko mag CR, Clyde..."

"Should I—"

"Hindi na. Kaya ko na magpahinga ka na lang muna. Babalik din ako..." sabi ko dahil mukhang may balak pa siyang samahan ko.

He chuckled. "Nah, I'll come with you..."

Napanguso ako at mahina siyang nahampas sa braso. "Dito ka na lang. Sa banyo lang naman ako. Magpahinga ka muna—"

"Nakapagpahinga na ako, Francine..." aniya.

I sighed heavily as I stood up. "Basta, magpahinga ka muna. Ilang oras pa lang ang tulong mo," pigil ko sa kaniya.

"Kahit anong pagod ang maramdaman ko, isang sulyap ko lang sa'yo, nawawala..." seryoso niyang sinabi kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hindi na ako natutuwa sa'yo Clyde! Dito ka muna at huwag susunod!" mariin kong sinabi at tuluyang umalis sa kama.

I heard him breathed out heavily. "After ten minutes, kapag wala ka pa, susundan na kita."

"Ang OA..." bulong ko sa sarili.

"I heard you," he intruded. "I just want to make sure of your safety, Francine. I won't let someone hurt you again..."

Lumingon ako sa kanya at umiling-iling. "Walang mangyayaring masama sa akin, Clyde. Nandito ako sa bahay namin..." sabi ko.

"You're not sure, France," he sighed. "Go now, the time is running out. Only 10 minutes dapat nakabalik ka na. 15 pinakamatagal..." pahabol niyang sinabi.

Napailing na lang ako. "Baliw na nga!"

Mabilis akong naglalakad patungo sa kusina dahil kumakalam talaga ang tiyan ko dahil sa gutom. Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor. Akmang magsasandok na ako ng pagkain ko nang may bigla kumatok mula sa labas ng bahay.

Wala si Lolo dahil nandoon kila Tita. Simula ng malaman nilang buntis ako ay sila ang nag-alaga kay Lolo para maalagaan nila ng maayos.

Inayos ko muna ang nagulo kong buhok at inayos ang magulong damit. Humakbang na ako patungo sa pintuan ngunit nagdadalawang isip ako kung sino ang maaaring bisita dahil wala naman dumadalaw sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at nilakasan ang loob upang pagbuksan ang kumakatok.

Pigil ang paghinga ko nang makarating sa pintuan. Bahagya pa akong lumingon sa loob ng bahay, at talagang malinis ito. Binalik ko ang tingin sa pintuan at dahan-dahan itong binuksan.

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon