Drunk
NAPADAING ako at dahan-dahang nagmulat ng mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa binta at tumatama sa mukha ko. Pupunga-pungas ako ng mata at bumungad sa akin ang puting kisame.
Maliit na humulma ng ngiti ang labi ko ng maalala ang nangyari. I shouldn't be feeling this but when I felt his lips on me there's deep inside of me awakened.
Napabalikwas ako ng bangoN ng dahil sa pakiramdam ko ay nag-iinit ako dahil sa make out na nangyayari kagabi.
I never did those naughty things with my ex-boyfriend. Hindi kami lumalagpas sa kiss kahit na ang tagal na namin magkarelasyon, pero kay Clyde, mayroon sa kalooban-looban ko na ayaw kumalma lalo na kapag nagkakatitigan ang aming mata.
May pinukaw siya sa pagkatao ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari at parang may magneto siyang tinatago na kapag napapatingin ako ay ayaw ko ng siyang lubayan.
I sighed deeply again as I slowly stood up until my phone vibrated, nonstop. Lumihis ang ulo ko at napansin ko roon ang phone sa gilid ko. Mabilis kong hinablot iyon at sinagot ang tawag dahil pangalan ni ang lumitaw sa screen.
"Hello?" napahikab ako.
"Francine?"
"Mama, bakit po?"
"Nasaan ka ba? Hindi ka ba makakauwi?" tanong niya sa kabilang linya.
Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi kong one month akong mawawala dahil sa out of town na trabaho bilang sekretarya.
Tumayo ako at humkbang papasok ng banyo. "Hindi pa ako makauwi, Ma. Bakit po may problema?"
"Wala naman, Francine. Kaso si Coco kasi hinahanap ka. Ang laki nga raw ng nilipatan pero wala ka naman. Kailan ba ang balik n'yo ng amo mo?"
Nanikip ang dibdib ko dahil sa kasinungalingan. "Hindi ko pa po alam. Pero mag te-text po ako mamaya..."
Kumunot ang noo ko at umikot ang mata sa loob ng silid ng mapansin na wala si Clyde.
"Sige na po, may aasikasuhin lang ako. Pakisabi po kay Coco uuwi rin ako. Mag-ingat kayo, Mama..."
Bumuntong hininga si mama sa kabilang linya. "Ikaw rin, Francine..."
Napangiti na lang ako dahil kahit hindi pinapakita ni mama, sa loob ko ay alam kong concern siya sa akin sa kabila ng pagiging—
Nahinto ako sa pag-iisip ng muling nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong sinilip iyon.
It was a text message from Clyde.
Clyde:
Good morning.
Clyde:
I went out.
Lumabi ako at malakas na tumambol ang dibdib. It was a simple message yet I feel something inside of me unknown.
I sighed deeply while thinking if I should reply or not. Hindi ko rin alam kung kasama iyon sa pagpapanggap kahit walang nakatingin.
Pinilig ko ang ulo at in-off ang cellphone at ipinatong sa gilid ng lababo sa loob ng CR at naisipang huwag na lang replyan.
Napatitig ako sa salamin dahil sa natural na mukha. Kumunot ang noo ko dahil ni katiting na kolorete sa mukha ay wala ako.
"Sino nagtanggal?" tanong ko sa sarili at dahan-dahang umangat ang kamay upang haplusin ang sariling mukha.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.