Kabanata 24

11.8K 333 2
                                    

Miss


Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa pawisang katawan ni Clyde habang nagluluto sa kusina.

I then sighed heavily as I walked towards him. Narinig niya siguro ang yabag ko kaya lumingon siya kinaroroonan ko.

Ngumiti siya sa akin bago nagpunas ng pawis sa noo gamit ang kanyang likod ng palad. Halata rin sa mukha niya ang sobrang pagod.

"Nandiyan ka pala," anito at pinatay ang kalan.

Napalabi ako at tipid na ngumiti. It's been almost two months since he decide to stay here. Oo! Simula nang dumating siya rito tinotoo niya ang sinabi niyang paghihirapan niya ako.

Dito na siya halos tumira sa bahay. Hindi siya umuuwi sa kanila kahit na maraming tawag siyang natatanggap mula sa ina. Miskin ang kaibigan niya ay walang magawa sa gusto niyang mangyari.

Buong dalawang buwan pinagsilbihan niya ako. Siya ang halos gumagawa sa lahat ng gawain sa bahay at nagluluto. Ayaw niya akong pagalawin kahit na kaya ko naman. Tiniis niya rin ang matulog sa papag. At sa loob ng ilang buwan ni respeto niya ako. He'd not tried to have a sex with me.

Lalapit lang siya sa akin upang hawakan ang tiyan ko pagkatapos ay lalayo na rin. He always smiled at me even he looks so tired. Kagaya ngayon kahit bakas ang pagod sa mukha niya nagagawa niya pang ngumiti sa harap ko.

"Nagugutom ka na ba o may gusto kang kainin?" anito.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kakaibang init sa puso ko. Sa ilang buwan na kasama ko siya masasabi kong napaka responsable niyang tao pero natatakot ako. Natatakot akong pasukin ang buhay niya.

I almost lost my unborn baby in the hands of her mother and his ex-girlfriend when they found out that I am Jacinto. How much more if I'll be his girl? Siguradong mas lalong mapapahamak ang anak ko.

Unti-unting napawi ang ngiti niya sa labi at naglakad palapit sa akin. He tried to touch me but he stopped himself. And a sudden fear of emotion glimpsed in his eyes.

"May problema ba?" his gentle voice makes me feel so warm inside.

Napalunok ako at tipid na ngumiti. He don't deserve this life. He doesn't deserve me. Hindi niya kailangan magtiis para sa akin.

I sighed. "Clyde, umuwi ka na sa inyo..."

Mabilis niyang inalis ang tingin sa akin at bumaba iyon sa tiyan ko na medyo umbok na pero hindi naman ganoon kalaki.

"I don't want to," he said as he turned his back on me.

Saglit akong napapikit at napadilat. Halos araw-araw ko siyang pinipilit na umuwi sa kanila pero ayaw niya.

"Pwede ka pa rin naman dumalaw. Hindi ko ipagdadamot ang bata kaya sana umuwi ka naman sa magulang mo. Paniguradong hinahanap ka na nila..." sabi ko ngunit hindi na siya sumagot.

"What do you want to eat? I'll cook it."

Napabuntong hininga na lang ako dahil kapag ayaw niya, ayaw niya talaga.

"Ang gusto ko Clyde umuwi ka sa inyo—"

Napabuntong hininga ako dahil pinutol niya na naman ang sinasabi ko.

"Uh, gusto mo bilhan kita ng mangga? O akyatan kita sa puno?"

"Hindi ka marunong umakyat sa puno, Clyde..." sabat ko.

"Marunong na. Nagpaturo ako kay Angge," he chuckled as faced me.

"Gusto mo makita akong umakyat?"

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon