Box
Halos lagpas bente kwatrong oras ang byahe namin bago makarating sa Alcatraz Villa. Tumingala ako sa kalangitan at napangiti nang tumama ang init ng araw sa mukha ko. Nandito na talaga kami. Nakabalik na talaga kami.
Napaayos ako ng tayo at lumingon sa kinaroroonan ni Mama na nagbabayad ng tricycle habang hawak ang isang kamay ni Coco.
Kinuha ko ang ibang gamit na naiwan sa loob ng tricycle pagkatapos ay may narinig kaming tumatawag sa akin.
"Francine!"
I smiled when I heard that angelic voice. Umalis na ang tricycle at saktong nasa harapan na namin si Angge. Mas lalo siyang gumaganda. Kumurba rin lalo ang katawan niya.
Nagmano siya kay Mama habang pinipisil ang matambok na pisngi ni Coco. pagkatapos ay lumapit naman siya sa akin at dinambahan ako ng yakap.
"Na miss kita, France..." anito.
I hugged her back and after a few seconds we parted. Tumingin siya sa mga dala namin at tinulungan kaming buhatin ito. Malapit lang ang bahay namin at ilang metro na lang ang lalakarin, hindi na kasi kayang pasukin ng tricycle.
Nag-umpisa na kaming maglakad at patuloy ang pagdaldal ni Angge, ngunit wala akong maintindihan dahil na kay Lola lumilipad ang isipan ko.
Hindi ko maiwasang malungkot dahil hindi ko man lang siya nayakap kahit sa huling hininga niya. Huminto kami sa paglalakad ng mapansin ang bakuran.
Maraming tao ang nandoon, mga kamag-anak namin na nag-aayos ng tent at uupuan sa lamay.
Nagpatuloy kami sa paglapit sa kanila at sabay kaming nagmano ni Coco sa ibang kamag-anak namin. Huli kong nillapitan si Lolo. Niyakap ko siya nang mahigpit at hindi nakawala ang pagluha niya.
He silently cries and it makes me tear up more. He can utter words but he can't voice it out. May kapansanan siya sa pagsasalita kaya minsan walang nakakaintindi sa kaniya. Pero hindi naman siya pinapabayaan.
Hinaplos-haplos niya ang ulo namin ni Coco na parang tuwang-tuwa siyang makita kami. Sayang lang dahil wala na si Lola.
Makalipas ang ilang minuto nang magsalita si Mama. "Mag-aayos muna kami. Bumalik na lang kayo mamaya o bukas," seryosong sinabi ni Mama.
Napabitaw ako kay Lolo dahil mayroon sa parte ko na hindi nagustuhan ang tinuran ni Mama. kung tutuusin ay dapat nagpasalamat siya o nangamusta man lang.
Bumuntong hininga ako at isa-isang nginitian ang mga tao na siguradong nag-asikaso kay Lola at nagbantay kay Lolo.
Isa-isa na silang nagsi-alisan. Nilingon ko si Angge na alanganin na rin ang ngiti.
"Mauna na ako..." she muttered.
Nilingon ko si Mama ng tuluyang mawala ang mga kamag-anak namin. Hinawakan niya si Coco sa kamay at niyaya itong pumasok sa loob ng bahay nang walang lingon-lingon sa akin.
Parang iba ngayon si Mama. parang... ang layo niya.
Napatingala ako at hinilot-hilot ang ulo dahil sa pangangalay sa bus. Nilingon ko si Lolo dahil sumesensyas ito.
Kumunot ang noo ko at nilapitan siya, tinabihan sa upuan. Tinuturo niya si Mama sa loob kaya nagtaka ako.
Nakakaintindi naman si Lolo at nakakarinig. Hindi lang talaga makapagsalita ng maayos. Ngumiti ako sa kaniya at kumuha ng papel at ballpen. Inabot ko iyon kay Lolo ngunit agad niyang nabitawan nang sumulpot si Mama.
"Francine, mag-ayos ka muna sa loob. Pupuntahan ko ang Tita mo kung kailan dating ni Mama. hindi ko kasi alam kung saan nila dinala."
Tumango lang ako kay ngunit pansin ko ang pagkabalisa niya. Mabilis siyang lumabas ng bahay ngunit napakunot ang noo ko nang mapansin na dala-dala niya pa ang isang bagahe namin.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.