Kabanata 17

11.1K 341 8
                                    

Enemies

"Aray!" napadaing ako nang bigla niyang hablutin ang kamay kong hawak ni Lando. .

"Pare, dahan-dahan-"

"Shut up, idiot!" Clyde's cold voice made me shiver.

"C-Clyde..."

Napakagat ako ng labi dahil sa higpit nang hawak niya sa palapulsuhan ko. Hinila niya ako palabas ng coffee shop at hindi magawang magpumiglas.

Nilingon ko si Lando na akmang lalapitan ako ngunit sinensyasan kong okay lang. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway bago pa man tuluyan makalabas ng coffee shop.

Napatingin ako kay Clyde na patuloy lang sa paglalakad hanggang sa tumigil siya harap ng kaniyang kotse. Nagpupuyos siya sa galit nang lumingon sa akin kaya napalunok ako.

"Clyde-"

"Shut up, Francine!" malamig na anito.

Napaiwas ako nang tingin sa kaniya dahil hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya makapagreak. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at pinasok ako sa loob.

"Sakay!"

"O-Oo na..." natatarantang sagot ko.

Mabilis siyang umikot sa driver seat at sumakay padarag niyang sinarado ang pinto kaya napaigtad ako sa gulat.

Napaayos ako ng upo at lumingon sa laba smg bintana ng kotse ng mapansin madilim na pala. Hapon na ng makipagkita ako kay Lando at hindi namin namalayanan na inabot na kami ng gabi.

Narinig ko siyang tumikhim bago binuhay ang makina at pinaandar ang kotse nang mabilis.

"Clyde!" halos mapakapit ako sa upuan ko dahil sa mabilis niyang pagmamaneho kahit na may mga sasakyan kaming nakakasabayan.

"Clyde, stop. Maaksidente tayo!" anas ko.

Ngunit para siyang bingi na walang naririnig. Namilog sa gulat ang mata ko ng makita ang malaking truck na pilit niyang inunahan.

"Clyde!"

Gusto ko na lang maiyak sa kagaguhan niya ngunit hindi ko magawa dahil napupuno ng kaba ang dibdib ko.

Nauna pa rin ang takbo ng truck at iilan na lang ang nakasabay namin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na balingan siya.

"Clyde, ano bang problema mo?! Kung magpapakamatay ka huwag mo akong idamay!" singhal ko sa kaniya.

Bumilis ulit ang takbo ng sasakyan niya kaya napahawak na ako sa braso niya.

"Please, lower the speed..."

Lumingon ako sa kaniya at tumitig. Madilim ang mukha niya habang umiigting ang panga na wari'y galit na galit.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman ang dahilan niya. Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa paligid, matulin ang takbo niya at nakikita ko na naman ang pakikipag-unahan niya sa mga sasakyan.

I sighed as I looked back at him. Nanatili ang madilim niyang ekspresyon.

Umusog ako palapit sa kaniya at marahang hinaplos ang braso niya.

"Calm down, Clyde, please..." pagsusumamo ko ngunit nanatili siyang walang imik.

Umunat ang kamay ko at tinapik-tapik ang balikat niya humaplos na rin ang isa kong kamay sa braso niya.

"Please, lower the speed. Natatakot na ako..." mahinang bulong ko.

Unti-unti akong nakahinga ng maayos dahil bumagal ang takbo ng sasakyan at kalaunan ay hininto niya ito sa gilid ng kalsada.

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon