Dreams
"Christine-"
"Thank you, Clyde, for being with me a while ago," the girl said as I blinked.
'So all this time he made me wait for him, he brought me here but he was just with someone. Ano ako display?!' anas ko sa isipan.
Clyde sighed heavily. "It was nothing."
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa mapansin ko ang malamig na mga mata ni Clyde. Lumingon ako sa babaeng kaharap niya na may malanding ngiti sa labi.
"I can't believe it after I've been gone for more than three years, we still met. I can't wait to catch up with you, Clyde..."
Napalabi ako at hindi nga ako nagkakamali. May something sa dalawang ito. Dahan-dahan lumingon sa gawi ko ang babae at unti-unting napawi ang maganda niyang ngiti niya labi. Napalunok ako.
"Who's she, Clyde?"
Dahan-dahan akong yumuko dahil sa tagal ng sagot ni Clyde. Hindi ko siya masisisi kung hindi niya kayang ipakilala ako bilang girlfriend niya. Hindi rin naman totoo ang namamagitan sa amin kaya walang kaso.
Malakas tumikhim si Clyde at mabilis na hinawakan ang kamay ko,. Sa gulat ko ay napaigtad pa ako.
"Clyde?"
"Tine, meet my girlfriend. Francine..."
Namilog ang mga mata ko sa gulat sa sinabi niya. Mabilis na lumipad ang tingin ko sa babae na bakas din ang gulat sa mukha. Nakabukas ng bahagya ang bibig niya na parang hindi makapaniwala.
"Y-Your girlfriend?' she asked again as if she didn't hear Clyde's words.
Huminga ako ng malalim at lumipat ang tingin kay Clyde na medyo maaliwalas na ang mukha. "Yes, Tine, my girlfriend," he then glanced at me. "Right baby?"
Nag-init ang mukha ko sa gulat at pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Pinisil ni Clyde ang palad ko kaya para akong natauhan. "Ah, yes, baby..."
I secretly bit my lower lip when I felt Clyde's arms slowly embracing into my waistline as he pulled me closer to him. At parang may pamilyar na init akong naramdaman sa kalamnan.
"If you don't mind, kindly excuse us. My baby is hungry," Clyde's words make my inner self shiver for something.
Napakuyom ako upang pigilan ang sariling magsalita at pakiramdam ko ay wala rin akong matinong sasabihin. Nilingon ko pa ang babae na nakatingin sa akin at panigurado na sinusuri ang pisikal ko.
Napakapit na lang ako sa braso ni Clyde at inignora ang babae at hinayaan si Clyde na hilain ako patungo sa buffet table.
"Clyde," tawag ko sa kaniya.
Huminto siya sa paglalakad at dahan-dahan na humarap sa akin. "Are you hungry?"
Tumango na lang ako dahil naging seryoso na naman ang kanyang ekspresyon. Binitawan niya ang kamay ko at kumuha ng pagkain. Napanguso ako at naupo sa malapit na upuan habang nakamasid sa kaniya.
Simple lang ang galaw niya at makikita roon ang buhay na kinalakihan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa naalala ko kung bakit niya nga na ako inalok magpanggap. Wala siyang sinabing dahilan, at ang tanga ko kung bakit ngayon ko lang naalala.
Lumingon siya sa gawi ko at nagulat pa ako dahil punong-puno ng pagkain ang plato niyang hawak. Kasasabi ko lang na galling sa mayamang pamilya ang galawan pero nagkamali yata ako.
"Ang dami naman niya," puna ko ng makabalik siya.
Tumingin lang siya sa akin at umupo. "Share tayo."
"Huh? Bakit? Maraming plato!" natataranta na sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.