Kabanata 19

10.4K 293 2
                                    

Unexpected



PAGOD kami nang makapasok sa loob ng condo. Buong araw kaming naglibot sa mall. Naglaro, kumain at ilang beses rin nanonood ng sine hanggang sa matapos ang buong maghapon.

Dumiretso si Mama sa kuwarto upang ihiga si Coco na nakatulog dahil sa pagod. I couldn't help but to smile. I felt so much delight seeing their genuine smiles while we were bonding together.

Pabagsak akong humiga sa sofa kasabay nang pagpikit ng talukap ng mga mata ko ngunit agad ding napadilat dahil sa mga nangyari na biglang nanumbalik sa isipan ko.

Napakurap-kurap ako dahil sa mga mensahe ni Clyde na ayaw lubayan ang isipan ko.

Napbasabunot ako sa sariling buhok dahil sa sobrang inis na nararamdaman pero napatigil din dahil sa pagsulpot ng boses ni Mama.

"Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" anito.

I immediately looked at Mama;s place. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatitig sa akin ng taimtim kaya napaupo ako.

"Wala, Ma, hinihilot ko lang." Palusot ko ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. Pagkuwa'y tumango pa rin.

"Oh sige na, magpahinga ka na, ako na ang maglilinis kay Coco," imporma ni Mama bago tumalikod.

Muli akong napahiga sa kama habang iniisip na naman ang nangyari sa mall. "Ah!" nakakabaliw ka na Clyde!

***

Another day had come. Naguguluhan pa rin ako sa lahat. Patuloy ang pag se-send ng mensahe ni Clyde na gusto niya akong makausap. Pero dahil sobrang naiinis ako ay in-off ko ang phone ko at hindi pumasok sa trabaho ng ilang araw.

I sighed heavily while staring at myself in front of the mirror. This is the last day of my work. Kaya kahit hindi ko feel ang pumasok sa trabaho dahil sa kalamyaan pero pinilit ko pa ring mag-ayos.

Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa sala ng makitang nakayuko ang ulo ni Mama at mahinang umaalog ang balikat.

Napakurap-kurap ako at tahimik na humakbang papalapit sa kaniya.

"Ma?"

Nanatiling nakayuko si Mama at mas lalong umalog-alog ang kanyang balikat kasabay nang pagkawala ng mahinang hikbi.

"Ma, anong nangyari?" takang tanong ko.

Gumalaw ang kanyang kamay at pinahid ang mata gamit ang likod ng palad at nabasa iyon ng luha. Dahan-dahang siyang nag-angat ng ulo sa akin. Namumula ang kaniyang mata at bakas pa rin iyon ng mga butil ng luha.

"Ma?" nanginig na ang boses kong dinaluhan siya.

"F-Francine... wala na ang lola mo..." basag ang boses ni Mama pagkasabi no'n at muling napahikbi.

Natulala ako sa narinig, nanginig ang kalamnan ko at parang gumuho ang mundo ko.

"N-Nagbibiro lang kayo, M-Mama..."

Nangingilid na ang luha sa mga mata ko, at nangangatog ang buong katawan. Para akong tinakasan ng lakas.

"T-Tumawag ang pinsan mo sa Alcatraz... nasa hospital si Mama. Gustong-gusto ka makita kaya tumawag si Angela, v-video call. P-pero ng makita ako ni Mama, pinapatay niya ang tawag-"

"Bakit po ba galit sa inyo si Lola?" agap ko.

Alam kong galit si Lola sa kaniya at hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan no'n.

"H-Hindi ko alam, Francine..." muling napa hagulgol si Mama.

Sunod-sunod na bumagsak ang luha ko dahil sa nalaman, dumoble pa ngayong nakikita si Mama na umiiyak sa sakit.

Umangat ang kamay ko at hinagod-hagod ang kaniyang likod habang ang kabilang kamay ay dinudukot ang cellphone sa loob ng bag.

Nabalot kami ng katahimikan sa sala hanggang sa bumaling ako sa nag-vibrate kong phone. May mensahe ulit doon na mula kay Clyde kaya inignore ko at nagtungo dial pad. I dialed Angela's number while body trembled.

Tumayo si Mama at diretsong naglakad papasok ng kwarto.

After a few more rings my cousin answered his phone. "A-Angge?" my fresh tears fell again.

"Cine, Cine! Si Lola..." her voice broke too.

"Alam ko na. Uuwi kami sa makalawa. Magpapaalam lang ako sa trabaho..." pilit kong inaayos ang boses kahit nanghihina na ako.

"Hihintayin namin kayo..." anito.

Mahina akong napahikbi. "S-Sige, uuwi kami ng maaga..."

Tuluyan ng naputol ang linya. Hindi na rin bago sa amin iyon dahil may pagkakataon na mahirap sumagap ng signal sa baryo.

Nanghihina ako ng ibaba ang cellphone. Muli itong nag-vibrate ngunit hindi ko na pinansin pa. Tumayo ako at pinalis ang luha sa mga mata bago nagtungo sa kwarto.

"Mama, aalis na ako. Magpapaalam ako sa trabaho. Para makauwi na tayo bukas," wika ko.

Hindi siya sumagot. Hindi rin nagsalita kaya tumalikod na ako at pilit pinipigilan ang muling pagbagsak ng luha.

The unexpected news we'd received made us weak. Parang kahapon lang ang saya pa namin tapos ngayon nakakdurog na balita ang dumating.

Si Lola na nag-alaga sa akin. Si Lola na nagpalaki at nagturo sa'min ng tama at mali. Si Lola na nandiyan noong panahong iniwan ako sa kaniya ni Mama. Si Lola na pangarap kong mapatayuan ng malaking bahay. Wala na. Wala na siya...

Sa kabila ng balitang nakaabot sa amin. Pinilit ko pa rin makapasok sa trabaho, mugto ang mata ko pero hinayaan ko na lang. Siguro nga ito na ang tamang panahon para putulin kung ano man ang ugnayan sa mga Vandellor.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may hidwaan din sa pagitan ni Mama at Lola at hindi ko alam kung ano iyon. Pero ang alam ko ay tungkol iyon sa bunsong kapatid ni Mama na si Tita at napabalitang kabit ng isang matanda.

Napabuntong hininga ako at diretsong naglakad patungo sa office ni Clyde. Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko ng makitang halos kalahating oras na akong late.

Kinalma ko ang sarili ng matapat sa harap ng pinto ng office at mula sa kinaroroonan ko naririnig ko ang mga boses na nagtatalo.

Napaatras ako dahil mas lalong tumambol nang malakas ang dibdib ko. Patuloy ang pagtatalo ng mga halo-halong boses kaya tumalikod ako.

Wrong timing yata ako.

Akmang maglalakad na ako paalis nang marinig na biglang bumukas ang pinto kaya natulos ako sa kinatatayuan ko.

"Francine..."

Bigla akong kinapos ng hangin ng marinig ang boses niya. Hindi ko mapagtanto kung anong mayroon sa tono niya. Hindi galit, hindi naman malungkot... at hindi ko alam kung anong mayroon.

I sighed heavily as I slowly turned my back to him as I smiled plainly despite the pain I kept on enduring.

"Good morning, Sir." I greeted casually.

He didn't greet me back so I immediately stared directly into his eyes. Muli kong nasilayan ang halo-halong emosyon sa mga mata niya.

"Sir-"

My words got cut when his office door opened wide and Clyde's mother showed up.

Pulang-pula ang kaniyang mukha at halatang nagpupuyos sa galit. Nilihis ko ang tingin sa kaniya at tumingin ng diretso kay Clyde.

"Y-You can go-"

"No! I want to talk to you." His mother's cold voice with full authority made me tremble.

Napalunok ako at tipid na tumango. Nakita ko pa ang pag-iling ni Clyde sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin at dahan-dahang humakbang sa gilid niya papasok sa loob ng silid.

Tatapusin ko na talaga ngayon araw ang lahat, para bukas makakalis na ako.

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon