Confused
NAGMAMADALI akong bumaba ng taxi dahil late na ako sa opisina. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako ginising ni Clyde kanina kahit na alam niyang maaga ang schedule niya ngayon.
Halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil baka masermonan ako hanggang sa makapasok ako sa ng lobby ng building at dali-daling nagtungo pasakay sa elevator at akmang sasakay na ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Francine!"
Napahinto ako at mabilis na bumaling sa pinanggalingan ng pamilyar na boses at ganoon na lamang ang gulat ko ng makita si Ashira na kakapasok lang ng lobby, bitbit ang kanyang office bag.
Naglakad ako palapit sa kaniya at parang nakalimutan ang pagmamadali. Niyakap ko si Ashi at mabilis din na kumalas.
"Gaga ka, akala ko talaga nasesante ka na..." aniya.
Ngumiti lang ako at sa kaniya at pinakita ang dalang mga papel na kinailangang permahan ni Clyde kagabi sa bahay.
"Naging sekretarya ako ni Sir Clyde..." mahinag sabi ko.
"OO nga, kalat na sa opisina. Pero kamusta naman?" parang may lungkot sa tinig niya.
Ngumiti ako. "Okay lang naman, Ash-"
"Hindi ka ba napapagalitan o nasisigawan? Hindi ba laging galit?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Huh?"
She sighed deeply. "Narinig ko kasi noon sa sekretarya niya na malupit daw si Sir, eh. Konting pagkakamali lang sinisigawan na. Nakakatakot daw kasi kahit tapos na ang trabaho ay magkasalubong pa rin ang kilay na para bang galit sa mundo."
Kumunot ang noo ko dahil kabaligtaran naman ang nangyayari. Clyde never shouted at me during work, he stay calm and silent for the whole day, kaya hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko dahil na experience ko naman na pero-"
"Nga pala, totoo ba?"
Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi ni Ash. "Na ano?"
"Ikaw ang girlfriend na ipinpakilala ni Sir sa mga party?"
Hilaw akong napangisi kay Ash habang nag-iisip ng sasabihin ngunit mabilis na tumunog ang phone ko. I secretly smiled 'cause the sudden call saved me.
"Mauna na ako, Ash. Sana next time makapag-usap tayo ng mahaba-haba," sabi ko sabay tingin sa caller bago ibinalik ang tingin kay Ash.
Ngumuso si Ash sa akin at tumango-tango. "Oo nga, ilang araw na rin tayong hindi nagkita.."
Tuluyan na kaming nagpaalam sa isa't-isa kaya mabilis kong bibalikan ng tingin ang tumatawag na si Clyde.
Tumikhim ako at sinagot ang tawag. "Sir?"
"Where are you now?" he calmly asked.
"Nasa elevator, pasakay na."
"Okay."
Napalabi ako. "May kai-"
Naputol sa ere ang sinasabi ko nang maputol ang linya. "Bastos!" anas ko at diretsong humakbang papasok sa elevator.
"We'll see each other tomorrow."
Napadiretso ako ng tayo ng marinig ang boses niya mula sa labas ng pinto at ng matahimik sa loob ay tsaka lang ako kumatok.
"Sir?"
"Come in," kaswal na aniya.
Pinihit ko pabukas ang pinto at diretsong tumingin sa kaniya na nakatutok na sa screen ng laptop at nakasuot ng reading glasses niya. He looks like a bookworm yet cool.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.