Kabanata 18

11.4K 319 30
                                    

Message



"Talaga po, Ate?!"

Labis ang sayang bumalatay sa mukha ni ko Coco ng sabihin kong hindi ako papasok sa trabaho kahit ngayong araw lang.

I already excuse to Clyde that I won't go to work today. He didn't reply but I hope he understand. Pagkatapos nang nangyari kagabi hindi pa ako handang harapin siya.

Hindi rin biro ang naging sagutan namin. Pero hindi ko inaasahan ang sinabi niya. He said before that he will never fall with me because I'm their enemy. We're enemies! Kaya hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig niya.

Malalim akong bumuntong hininga. Ilang araw na lang matatapos na ang lahat. Hindi ko naman hahabulin ang perang in-offer niya. Sapat na sa akin na nairaos ang isang buwan na gastusin.

"Ate, magbihis ka na po!"

Napailing-iling na lang ako dahil sa excited na si Coco. tumango-tango na lang ako at humakbang na patungo sa kwarto upang magbihis.

Nagsuot lang ako ng simpleng leggings with a simple navy blue tee shirt with a pair of black shoes, as I went out.

Napangiti ako dahil bihis na bihis na rin si mama at mukhang handa na. Patakbong lumapit sa akin si Coco at yumakap.

"Ate! Ate, gusto ko po manood tayo sine!" excited na aniya.

I tapped Coco's head as I nodded. "Ano pang gusto mo?"

"Hmm?" mabilis na dumako sa baba niya ang kanyang kamay na wari'y nag-iisip. "Manonood ng sine, maglalaro, kakain, ano pa ba?" bubulong-bulong na anito.

Mahina akong natawa at pinindot ang ilong niya. "Tara sa habang nag-iisip ka," sabi ko at lumingon kay mama.

Hindi rin nagpahuli sa pag-ayos si mama. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya, lalo na't hindi naman kami magkamukha. Siguro ang tanging nakuha ko lang sa kaniya ay ang makurbang labi. But the rest of my features came from my father. She's still pretty despite her getting older.

Binalik ko kay Coco ang tingin at hinawakan ang kamay niya. "Tara na," ulit ko at naglakad na palabas ng condo.

"Ate, pwedre po cartoons panoorin natin? Kaso baka hindi ninyo magustuhan ni mama..." lumungkot ang tinig niya kaya yumuko ako at hinawakan ang baba niya.

"Kahit anong gusto mo panoorin natin hah? Kaya huwag ka mag-alala, mag e-enjoy pa rin kami ni mama basta masaya ka, kuha mo?" nangiting sambit ko.

"Salamat, Ate. the best ka po talaga..."

Tumango ako at ngumiti bago tumingin sa pilahan ng ticket ng mga kids movie. Siguro pipila muna kami para sa ticket bago bumili ng pagkain. "Ako na ang pipila-"

"Francine, kami na. Baka may bibilhin ka?" sabat ni mama kaya lumingon ako sa kaniya.

Napalabi ako at tipid na tumango. "Sige po..."

"May sakit ka ba? Parang ang tamlay mo," puna ni Mama.

Mabilis kong iniling-iling ang ulo. "Okay lang ako, Ma."

I smiled widely just to ensure that I'm really fine. But deep inside of me, I felt weak and I don't know why. I am always energetic in anything but today I felt exhausted.

"Sigurado ka? Pwede naman natin ipagpaliban ang araw na 'to," si Mama.

"Naku, hindi na, Ma. Okay lang ako, bibili lang ako ng pagkain. Anong gusto ninyo?" tanong ko at palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon