Smitten
Basang-basa ako ng ulan ng makauwi sa apartment na inuupahan. Mabilis akong naligo at nagbihis upang hindi magkasakit. Muling umamba ang butil ng luha sa mga mata ko habang nakatitig sa bintana at patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan.
Binilisan ko ang pagtuyo sa buhok ko bago inayos ang mga gamit na dadalhin sa hospital. Inayos ko na rin ang gamot ni mama dahil kailangan niyang mag maintenance para sa sakit.
Lumabas ako ng kwarto at diretsong nagtungo sa kusina. Napangiti ako at sumubo muna ng kanin kahit konti.
Halos hindi ko malulon ang kinakain dahil naalala muli ang nangyari. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko na agad kong pinalis. Mabilis kong tinapos ang pagkain at naghanda na para sa makaalis.
Dumaan ako at bumili ng lutong pagkain sa karinderya na malapit lang sa hospital. Hindi na kasya ang tirang pagkain sa apartment kanina kaya hindi ako nakapag-dala.
Pagkatapos, diretso akong nagtungo sa kwarto na tinext ni mama. Lumibot ang paningin ko habang naglalakad. Napalabi ako dahil ngayon ko lang napansin na private hospital pala 'to, at hindi ko alam kung magkano ang bill na aabutin namin.
Bumuntong hininga ako hanggang sa tumapat sa harap ng kwartong kinaroroonan nina mama. Kumatok muna ako bago ito pinihit pabukas.
Bumungad sa akin ang payapang natutulog na kapatid. Nakaupo si mama at nakapatong ang ulo sa kama habang nakahawak sa kamay ni Franco.
Napangiti ako ng makita sila ngunit biglang gumalaw si mama at nag-angat ng ulo. "Nandiyan ka na pala..."
Tumango ako maingat na sinara ang pinto. "Maghapunan na kayo, Ma. Kailangan n'yo pa uminom ng gamot."
Nilapag ko sa ibabaw ng maliit na lamesa ang nabiling pagkain. Ngumiti si mama at tumango bago tumayo. "Salamat, Anak..."
Napakamot ako ng ulo ng mapansing wala ako tubig na dala. "Wait lang, Ma. May bibilin lang ako sa labas."
"Abay, gabi na France. Ano bang nakalimutan mo?" usisa ni Mama habang binubuksan ang supot ng pagkain.
Ngumiti ako sa kaniya. "Nakalimutan ko bumili ng tubig."
"Ganoon ba, sige basta bumalik ka agad dahil gabi na. Dito na tayo magpalipas ng oras hanggang bukas."
Tumango ako kay mama at naglakad na palabas ng pinto.
Dumiretso ako sa labas ng hospital. Mahal kasi sa loob ang bilihin kaya mas mabuting sa labas na ako bumili para makatipid.
Napabuntong hininga ako dahil tatawagan ko pa si Ashira kung may alam siyang affordable na condo, mas mabuti na sigurong doon tumuloy hanggang sa gumaling si bunso.
Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa pabalik na ako. Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil parang nakaramdam ako ng hilo. Umupo ako sa bakanteng upuan sa gilid kasabay ng pagbahing ko.
Napatakip ako ng bibig at sunod-sunod na umubo. Huminga ako ng malalim bago inumpisahan ang maglakad ngunit napahinto ako ng makarinig ng mga boses na nag-uusap.
"He will get better day by day, Clyde. But he still needs to continue the treatment."
Mabilis akong bumalik sa pagkakaupo at yumuko. Lihim kong tinatakpan ang mukha ko dahil sa mga naglalakihang boses na dumadagundong sa paligid.
"Thanks, Doc. I owe this to you..."
Palapit nang palapit ang boses nila sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba. "No, problem. If you need anything you can call us anytime," I heard old man said.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.