Kabanata 13

11K 311 4
                                    

Visitor

PINALIS ko ang butil-butil na pawis ang pumapatak mula sa aking noo. Kung noong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang bagsak ng ulan ngayon naman ay tirik na tirik ang araw.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at ininda ang init ng araw na tumatama sa balat ko. Hirap na hirap akong makahanap ng trabaho dahil sa qualification. Hindi ako pumapasa sa standard ng ibang kumpanya. 

Napabuntong hininga ako at dinidial ang numero ni mama. Ilang linggo na ang lumipas hindi ako nagkaroon ng oras makadalaw sa kanila at tanging tawag lang ang nag-uugnay sa amin.

Pumasok ako sa coffee shop malapit sa building ng Vandellor. Umupo ako sa pinakadulo sa bakanteng upuan. 

Nilabas ko ang wallet ko upang mag-order ngunit napahinto ako ng mapansin ang kakapasok lang na customer. 

Napalabi ako at bahagyang nilihis ang ulo upang hindi makita ng babae. Ang ex-girlfriend ni Clyde at may kasama itong ginang. 

Nakangiti sila sa bawat isa at mukhang close na close silang nag-uusap. 

I shook my head as I continued dialing mama's number, but a few rings had done no one answered it. 

Lumipad ulit ang tingin ko sa pwesto ng kinaroroonan ni Christine yata, ngunit agad ding tumalikod dahil lumingon siya sa pwesto ko. 

"Sana'y hindi niya ako mapansin..." bulong ko sa sarili.

Pinalipas ko ang ilang minuto bago sinilip ang babae at mabilis na tumayo palabas ng restaurant ngunit hindi pa man nakakalayo ay narinig ko pa ang usapan nila. 

"I'm sure within this month, Tita, Clyde will be back on me. He won't stay any longer with his girlfriend 'cause I know he still loves me," ani Christine na ikinaismid ko. 

Tumawa ang ginang ngunit hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at dire-diretso na akong naglakad palabas. 

"Edi sa'yo na! Isaksak mo sa baga mong maitim! Plastikada!" asik ko sa sarili ng medyo makalayo na.

Ang kapal ng mukha niyang balikan si Clyde ng gano'n lang. Samantalang pinakilala naman akong present girlfriend, wala man lang respeto. 

"Maganda sana kaso inggrata, sayang ganda!" pagmamaktol kong bulong.

Umiling-iling na lang ako at dumiretso nang lakad patungo sa sakayan ng mga jeep dahil malapit lang ang JRS building dito kung nasaan sila mama. 

Habang naglalakad naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko iyong sinilip. 

Napakurap-kurap pa ako kung namamalikmata ba sa nakikita, ngunit hindi.

Si Clyde nga ang tumatawag!

Pero bakit? Day off ko ngayon at ilang araw kaming hindi nagkita dahil siya pumapasok ng office at hindi rin siya umuuwi sa bahay niya. 

Nag-iwan lanh siya ng mga gagawin ko kaya kahit paano ay naging busy rin ako nitong mga nakaraang araw. 

Huminto ang panginginig ng cellphone ko ngunit muli itong nag vibrate. Napabuntong hininga ako bago ito naisipang sagutin na lang. 

Napalunok ako. "Hello?"

"Francine..."

May kung ano sa kalooban ko ang nagagalak na marinig ang boses niya. 

"Clyde..."

"Hmm, where are you?"

Ngumuso ako upang pigulan ang nakaambang ngiti sa labi. Hindi ko alam pero napapangiti ako. 

Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon