Impress
Pilit kong minulat ang mata at tiningnan ang kaniyang dibdib. "Clyde ang baho mo," reklamo ko.
Narinig ko ang mahina niya mura kaya bahagya akong lumayo ngunit hinawakan niya ang balakang ko dahil para akong matutumba na ewan.
"Ang dami mong pwedeng susukahan sa damit ko pa," aniya sa malamig na tinig.
Kumurap-kurap ako at humaba ang nguso. "Clyde, nahihilo ako..."
He sighed frustratedly as he carried me.
"Uminom-inom pa kasi hindi na naman pala kaya. Kagagaling mo lang sa sakit..." mahinang sinabi niya ngunit malinaw kong narinig.
"First time ko mag-inom, Sir..."
Nagmulat ulit ako ng mata kahit halos hindi ko na siya makita. Dahan-dahan niya akong ipinasok sa loob ng kotse niya kaya napahalakhak ako.
"Ang ganda ng kotse mo, Sir. Gusto mo binyagan ko?"
"Don't you fucking do that, Francine huwag na huwag kang magkakamali," banta niya.
"Bakit ayaw mo Clyde? Ano bang gusto mong dilig?"
"What? Will you please shut up, Francine! You're drunk!" he hissed.
Bumagsak ang ulo ko dahil sa halo-halong pakiramdam. Hanggang sa marinig ko na ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan.
Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng kotse at unti-unting ng kinakain ng dilim ang kamuwangan ko. Ngunit nakaramdam na naman ako ng kakaiba at hindi pamilyar sa kalooban.
Nagmulat ako at bahagyang yumuko.
"Clyde and init... Parang may bulate ang tiyan ko. Parang kinikiliti ako at parang lalabas yata sila sa b-bibig ko... Clyde!"
"What? Wait, wait. Don't vomit— Oh shit, Francine!"
"Hehe, lumabas na sila. Pero ang baho..." sabi ko at muling bumalik sa pagkakaupo.
"Damn! Hind ko na alam ang gagawin ko sa'yo!"
Hindi ko na siya pinakinggan at muling pumikit ang mata. Medyo wala ng bulate sa tiyan ko pero ang init pa rin.
"We can't go home tonight. We'll just rent a condo since I forgot my key." I heard him uttering.
"Clyde..."
"Shut up, Francine! Naiinis na ako sa'yo!"
I chuckled. "Sorry na Clyde... gwapo ka naman eh. Ang cute ng cute ng pisngi mo..." sabi ko.
Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa bigla siyang huminto.
Namalayanan ko na lang na inilabas niya na ako mula sa loob ng sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Shut up!"
Hindi na ako sumagot. I just felt his arms wrapped on my waist as we walked slowly.
"Sir... nahihilo ako," sabi ko at bumagsak ang ulo.
"I've never done this before. But now, shit lang..."
Naramdaman ko na lamang na binuhat niya ako patungo kung saan.
___
"We'll just stay in here for tonight..." aniya bago ako dahan-dahang hiniga sa malambot na kama.
"Nasaan tayo?"
Sinubukan kong magmulat ngunit mas lalong bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
Fiksi UmumEnemies with benefits.