Pretend
"Are you kidding me, Miss Jacinto?"
"Hindi po, Sir. Seryoso ako..." sabi ko.
"Ibang klase ako maningil, Francine..." I could feel something in his voice but I couldn't name it.
"I'm willing to know your offer, Sir..." I said sincerely.
Narinig ko pa ang ang tawa niya sa kabilang linya bago muling nagsalita. "Okay, let's meet tonight, 8:00 pm sharp at the club house..."
I gulped. "C-Club? Hindi pwede sa ibang lugar Sir? I mean... fine. Sa club house."
"See you, Miss Jscinto..."
Bumuka ang bibig ko bago tuluyang naputol na ang linya. Napabuntong hininga ako at iniisip ang mga posibleng mangyari mamaya. Bahala na talaga 'to...
Bumalik ako sa loob ng kwarto at saktong nandoon na si mama. Napalabi ako at tumabi sa kaniya hanggang sa naisipan kong magtanong.
"Ma?"
Lumingon si Mama saglit sa akin ngunit umiwas din. "Pwede ko ba malaman kung bakit galit kayo sa mga Vandellor? At paano ninyo sila nakilala eh, taga probinsya po tayo..." sambit ko.
I really wonder why would it happened. Both of my families know each other.
Mama glanced at me as she took a deep breath. "Malaki ang salo-salo noon sa Villa Alcatraz sa ating probinsya, kung saan nagkakilala ang Tita Elma mo at si Clint Vandellor."
"Nagkaroon po sila ng relasyon?" tanong ko at tumitig kay Mama.
"Oo-"
Naputol ang sinasabi ni Mama ng biglang may nahulog sa sahig kaya sabay kaming napalingon doon at laruan lang pala ni Coco. Dinampot ko iyon at bumaling kay mama na namumula na ang mga mata.
"Mama..." mahinang usal ko.
"Basta huwag na huwag ka lalapit sa mga Vandellor. Marami pang kumpanya diyan na mapapasukan o kahit simpleng trabaho lang..."
Naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni mama dahil huli na. Lumapit na ako kay Sir Clyde.
"Mama bakit nga po-"
"Sila ang dahilan kung bakit namatay ang Tita at ang Papa mo, Francine. Kaya huwag na huwag kang magkakamali..."
Lumingon si mama sa akin na bakas ang senseridad sa mga sinabi. Tipid akong napangiti sa kaniya at tumango bago lumingon kay Coco.
I'm sorry, Mama. Nahihirapan na talaga ako kung saan lalapit.
Kinagabihan hindi ako maka alis-alis dahil inuubo ng inuubo si mama at doon ko lang napansin na wala na rin pala siyang gamot. Two times a day siyang umiinom at tatlong klase ng reseta Hindi rin biro ang presyo dahil pang maintenance niya sa sakit kaya hindi na rin nagtrabaho.
Nagmadali na akong sumakay ng taxi upang makarating ng mas mabilis sa club. Napatingin ako sa relo ko, 10 pm na kaya unti-unting nalukot ang mukha ko.
Pagpasok ko sa loob ng club bumungad sa akin ang maingay na paligid. Marami pang tao kaya nagbabakasakali akong nandito pa siya. Nag-text siya kanina na dumiretso nalang daw ako sa bar counter pero pagdating ko roon ay wala na.
Umupo ako sa bakanteng upuan at ininda and nakakabinging tugtugin at ang nakakahilong dami ng tao. I tried to call him but he's out of coverage.
Napakamot ako ng ulo dahil nasayang ang pamasahe ko. Nangalumbaba ako sa lamesa hanggang sa makakita ng taong naglalampungan sa sofa. Sofa!
BINABASA MO ANG
Attraction Series 5: Enemies Affection (Completed)
General FictionEnemies with benefits.