"Doctor Sandoval, turn your shoulders slightly to the side instead of facing me straight on." Maagap kong bilin sa boyfriend ko.
Migz immediately smirked. Inayos niya nang bahagya ang soot na puting lab coat.
Migz insisted that I'll be the photographer on his scheduled photo session here in C & M.
Mag-uumpisa na kasi siya sa residency training niya sa Sandoval Medical Center. Gusto niyang magpagawa ng portrait habang nakasuot siya ng doctor's coat.
Mag-iisang taon na itong pag-aari ko na photo studio. Two-storey studio-type establishment ito na matatagpuan sa kabisera ng Pulilan. Malapit ito sa simbahan at palengke.
Isa si Migz sa walang tigil sa pangungumbinsi sa akin na ituloy ang pagpapatayo nito. Bata pa lang kami alam na niya kung gaano ko kamahal ang photography. Nag-invest din siya ng malaking halaga para dito.
I visit this studio during weekends. Pag weekdays kasi ay abala ako sa pamamahala sa farm ng grandparents ko.
Isang oras din ang tinagal ng photoshoot. May nag-assist sa aking dalawang staff para sa tamang ayos ng mga ilaw at reflectors.
Abala na ako ngayon sa pagre-review ng mga larawan ni Migz sa office laptop. Para na naman akong kolehiyalang kinikilig dahil sa paghanga sa pigura ni Migz na nasa screen.
I heaved a heavy sigh. Lahat ng anggulo walang tapon!
Kaagad akong nilapitan ni Migz pagkatapos niyang magpalit ng damit. His boy next door aura was prominent while wearing a dark blue polo shirt, black jeans and white rubber shoes.
He bestowed a swift kiss on my temple. He smirked afterwards, his dimples on both cheeks were exposed.
"So how was it?" Kuryoso niyang tanong. I shifted my gaze to him.
"Babe, kung ako ang mamimili baka lahat ng 'yan ipa-frame ko lahat!" nakangisi kong sabi. He chuckled.
"Pili ka na lang dito pagkatapos ilagay mo sa isang folder para mai-sent ko na sa production." Tumayo ako mula sa office chair upang makaupo si Migz.
Habang abala siya sa pamimili ay nakatanggap ako ng text message mula sa Fleur De Lyss flower shop tungkol sa aking reservations. I immediately hit reply.
Yes, Ma'am. Dadaanan namin around 2:00 pm.
***
I wore a lacey white dress. Kaagad na akong pumasok sa loob ng Land Cruiser ni Migz pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto.
"Are you sure about this, pwede naman na huwag na tayong tumuloy. We can go to Tagaytay instead?" He asked in a concern tone.
Migz's question made me feel a multiple of things all at once.
"I'm sure about this." I said without hesitation.
Dumaan muna kami sa Fleur De Lyss flower shop bago dumiretso sa aming destinasyon.
Pagkababa ng sasakyan ay si Migz 'yong nagbitbit ng basket na naglalaman ng bouquet ng puti, dark pink at violet na Chrysanthemum. I released a sharp sigh. I knew, she will love these colors.
Mangilan-ngilan lamang ang tao ngayon dito sa Mt. Carmel Memorial Park. Pagkarating namin sa eksaktong puntod ay napaupo ako sa harapan nito.
In Loving Memory of Marianella Marquez
"Just text me when you are ready to go. I'll leave you right here." Kaagad kong nilingon si Migz pagkaraan ay tinanguan.
Hinawi ko ang ilang tuyong dahon sa ibabaw ng lapida.
Mary passed away a month ago. Si Migz ang nagsabi sa akin ng malungkot na balitang iyon. God knows how I wanted to visit and comfort Mary on her dying days but she didn't allow me.
Hanggang sa huling hininga niya ay kinamumuhian niya ako.
My eyes heated with that memory, afterwards I couldn't hold my tears any longer.
"Mary, I don't know if you can hear me right now." I cannot keep the disdain out of my voice.
"Hindi mo man ako napagbigyan na makausap ka hanggang sa mga huling sandali, I wanted to take this chance..."
Nagpatuloy sa pagbabagsakan ang masaganang mga luha ko.
"Mary, I hope you find peace in God's embracing arms. I also wanted you to know that I forgave you on everything that you have done!" The hollow in my chest expanding.
"Kahit na sobra mo akong nasaktan, I also wanted to say sorry for hurting your feelings. Nagkasakitan tayong dalawa dahil kay Migz."
"I will always pray that eternal rest may be granted to you by our Lord Jesus Christ and let perpetual light guide you."
Pagkasambit ko noon ay sinindihan ko na 'yong dalawang glass candle at marahan iyong inayos sa ibabaw ng lapida.
No matter how happy I am on the status of my relationship with Migz. No matter how successful I am with my businesses. Deep in my heart I knew I wouldn't find peace and true happiness if I didn't choose to forgive.
Forgiveness is a deliberate choice driven by love and grace. All my past scars will not completely heal if I fail to forgive.
I pray that Mary finds that same elusive peace, even if it awaits her beyond the borders of this world.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
