Chapter 4

78 6 1
                                    

Naoperahan si Tatay at gumaling din siya kahit paano noong 2017. Akala
ko, pagkatapos no’n ay magiging maayos na ulit ang lahat dahil wala naman nang problema sa relasyon nina Mama at Tatay. Mali ako.

Matapos lang ang isang taon, nagkasakit naman ang kuya ko. Lima kaming magkakapatid, ako ang bunso at lahat ng nakatatanda kong kapatid ay lalaki.

Ang panganay sa amin ang nagkasakit. Biglaan din ‘yon dahil walang sign man lang na may sakit siya. Basta isang araw ay nakaramdam lang siya ng panlalata at kawalang gana sa pagkain. Nang ipatingin ni mama sa doktor, malala na. He was diagnosed of chronic kidney disorder. Agad-agad na rin niyang kinailangan i-dialysis noon dahil natunaw na raw ang parehas niyang kidney. Wala nang ibang paraan.

Matapos lang ang ilang linggo o buwan, bumagsak na ang pangangatawan ni Kuya. Nasa walong taon siyang nagtrabaho sa Maynila sa isang barber shop na malapit daw sa Adamson University. Madalas ay puro pagkain sa mga canteen ang kinakain niya ro’n kaya hindi na naaayos ang timpla kung sobra man sa alat ang mga pagkain. Ang sabi ni mama, baka rin daw palagi siya noong nagpipigil
ng ihi niya sa tuwing marami ang customer na nagpapagupit.

Nang mangyari ‘yon, I again, had Eli. Ang gaan sa pakiramdam na naiintindihan niya ‘ko dahil magkatulad ng sakit ang kuya ko at daddy niya. Alam kong kasama ko siya noon na manalangin sa lahat ng pagsubok na nangyayari sa pamilya ko at pamilya nila. Hindi ko nakalilimutan ‘yong sinabi ko sa kaniya na sana, kung maaari, ay ‘wag niya akong magustuhan. Alam kong siya ang nangako, pero parang ako pa ang hindi makatutupad.

Hindi ko na maalala lahat ng detalye tungkol sa amin ni Eli. Pero hindi ko
makalilimutan ‘yong araw na nag-sorry siya dahil hindi na raw niya kayang tuparin ang ipinangako niya sa akin. Madalas ko siyang nakakausap noon sa text.

May bilang kasi sa phone ko kung nakakailang text message na ako at ng kung sinuman ang kausap ko. There came a time na umabot na kami sa siyam na libong text messages. Ganoon na pala karami. Ang bilis lang. Ni hindi ko namalayan na gano’n na pala katagal na kausap ko siya.

Sabay kami noon sa paggawa ng kung ano-anong bagay tulad ng panonood
ng telenovela noon na Meant to Be sa GMA. Hindi ko rin alam kung bakit naadik kaming dalawa sa palabas na iyon noon dahil gabi-gabi naming inaabangan ‘yon. Magkausap kami sa text kapag commercial at ceasefire na kapag palabas na ulit.

Sabay din kami noon na mag-urong o maghugas ng mga pinagkainan tuwing gabi. Madalas ay nagpapaunahan pa nga kami para mabilis makatapos at makagawa
na ng iba pa naming gawain.

Umabot na ‘yon nang higit isang taon. Ang sabi niya sa akin, gusto raw
niyang siya ang makapag-send ng 10,000th message. Sabihan ko raw siya kapag malapit na kaming umabot doon. Then it came. Nasa classroom ako noon, grade 10 ako. I saw the 10,000th message in our thread. Nag-sorry siya dahil hindi na raw niya matutupad ‘yong promise niya sa akin dahil nagugustuhan niya na ako.
Hindi rin naman daw niya talaga inakala na mangyayari ‘yon, but he guessed that he cannot do anything about it. Sa halip na magalit ako noon dahil hindi siyatumupad sa pangako, mas gumaan ang pakiramdam ko. It is because I felt the same way for him.

Sinabi ko rin sa kaniya kung ano ang totoong nararamdaman ko. Pagkatapos no’n, naging masaya lang kami. As I have said, I cannot remember everything about us anymore. Yet the feelings will never be forgotten. I knew I loved him. Iba iyon sa feelings na naranasan ko mula sa childhood crush ko.

Kay Eli, mas panatag ako. Mas sigurado. Maayos siya mag-isip at hindi rin niya tinatanong ang mga bagay na alam niyang hindi ko pa kayang ibigay. Tulad ng official label. Dahil alam niyang kahit nariyan siya ay hindi iyon ang priority ko.

I really think that being in a relationship is a matter of priority and commitment. Oo nga at sinasabi ng puso kong mahal ko siya, pero hindi iyon sapat para maging kami na nga. But one thing is certain. That he loved me back.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon