Chapter 38

45 3 6
                                    

Makalipas ang dalawang linggo ay sinabi ko kay Mark na magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko dahil birthday ni Maica. Hindi na niya ako napagbilinan noon na mag-ingat katulad ng mga bagay na sinasabi niya sa tuwing may work ako o kaya ay pupunta sa church.

Busy raw kasi siya. He’s been busy for months already. Consistently. Tatawag lang siya kapag gabi na, para kantahan ako. Kapag ako ang tumatawag ay sasagutin lang niya saglit at saka ibababa iyon.

Pinilit ko na huwag mag-isip ng kung ano pa mang bagay tungkol sa busyness niya, pero may mga pagkakataon na ikinatatampo ko talaga ‘yon. Naiisip ko na busy rin naman siya dati, pero nagagawaan niya ng paraan na tumawag kahit saglit dahil sinasabi niya na gusto niya marinig ‘yong boses ko.

Sinundo ako ni Gelo sa bahay namin noong birthday ni Maica. Pagdating
namin kila Maica ay naroon na rin si Mariane, pero wala si Aly dahil bihira siyang payagan ng mommy niya sa mga ganoong okasyon o kahit saang gala dahil pasaway talaga si Aly. Kahit alam niyang bawal ay ginagawa pa rin niya, kaya nawawalan ng tiwala ang magulang niya sa kaniya.

Habang kumakain kaming apat sa kubo na nasa harapan ng bahay nila Maica ay may sinabi sa akin si Gelo: Pakiramdam daw niya, o nape-predict niya na hindi magiging kami ni Mark sa huli.

“Prediction ko lang naman ‘yon ha. Kayo na bahala kasi, sinabi ko lang naman,” ang sabi ni Gelo.

“Paano mangyayari? Explain mo nga,” sagot ko sa kaniya habang nakikinig lang sa amin si Mariane at Maica. Saglit munang nag-isip si Gelo bago magsalita.

“Ganito lang ‘yan eh. Either ikaw ang umalis, o ikaw ang hindi magseryoso. O kaya naman, siya na mismo ang bumitaw gano’n,” paliwanag niya.

Alam kong nasabi ‘yon ni Gelo dahil siguro, hindi naman ako ‘yong kilala
nila na tipo ng babae na magseseryoso sa gano’ng bagay. Alam din kasi nila na noong una ay hindi ko naman gaanong sineseryoso si Mark. Na palagi ko siyang pinaaalis.

Pero dati ‘yon, dahil alam ni Maica ang lahat. Na nagbago na ‘ko simula
nang ma-realize ko nang totoo na mahal ko si Mark.

Nang sabihin ‘yon ni Gelo ay napatahimik lang ako dahil bumabalik sa isip ko ang mga nagdaang araw na pakiramdam ko ay lumalayo na kami ni Mark sa isa’t isa.

“Oy ‘wag kang ganiyan. Mamaya mag-overthink niyan si Aira eh,” pagsingit ni Mariane sa mga sinasabi ni Gelo.

“Hindi ako naniniwalang ino-overthink ni Aira ‘yong mga ganiyang bagay,” sagot ni Gelo.

“Ay ‘di ka sure pren,” ang sabi naman ni Maica habang kumakain ng cake
na siya rin ang nag-bake.

Pilit akong tumawa nang sabihin niya ‘yon dahil sa kaniya ako nagdadrama at umiiyak sa tuwing may mga tampuhan kami ni Mark.

“Bakit?” interesadong tanong ni Gelo, kaya si Maica na ang nagkuwento
para sa akin.

“Kasi ‘di ba dati, parang wala lang sa kaniya si Mark. Kung nandiyan, eh di nandiyan. Kung wala, eh di wala. Ayos lang sa kaniya. Pero ngayon, hindi na gano’n. Parang kapag wala na si Mark, hinahanap na rin niya. Gano’n.”

“Pero feeling ko nga ano. Mas matimbang na siya ‘yong aalis, kaysa sa ako ‘yong aalis gano’n,” pagsingit ko sa kanila.

Nasabi ko ‘yon hindi dahil sa naisip kong maiinip si Mark dahil kailangan pa niya akong hintayin na maka-graduate bago maging opsiyal na kami. Nasabi ko ‘yon dahil nararamdaman ko na hindi na gano’n kahigpit ang hawak sa akin ni Mark katulad noong una.

Ewan ko ba kung praning lang ba ako, pero hanggang makauwi ako sa bahay ay iniisip ko pa rin ‘yon. Hindi mawala-wala sa isip ko ‘yong sinabi ni Gelo.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon