Chapter 35

41 3 0
                                    

Pag-uwi namin sa bahay ay kumain lang ako sandali ng kanin at saka
dumiretso na rin sa kwarto kasama si Mama para makapagpahinga.

Nakita ko na may message sa akin si Mark at sinabing magpahinga na raw ako dahil siya raw ay nakapagpahinga na nang makauwi siya. Hanggang sa mga oras na 'yon, nandoon pa rin si Mark para sa akin.

Nakapaninibago na matulog noon dahil alam kong mabigat pa ang
atmosphere sa bahay, pero hindi ako nalulungkot para sa sarili ko kung hindi para kay Mama. Alam ko kasing kaya kong dalhin 'yong sakit dahil alam ko nang mangyayari 'yon. Araw-araw akong nahihirapan noon na makita si Tatay na may sakit kaya araw-araw ko na rin iyongipinagdasal at tinanggap.

Noong gabi naman ay sama-sama kaming kumain nila Mama kasama ng mga kapatid ko. Kinakabahan ako no'n dahil baka tanungin nila ako ng mga bagay tungkol sa pagpunta ni Mark. At iyon nga ang nangyari.

"Sino ba 'yong lalaking pumunta rito?" tanong ni Sangko sa aming lahat.

Alam kong may naaamoy na 'yon kaya siya nagtanong. Madalas kasi siyang nasa Maynila kaya nahuhuli lagi sa balita.

"Aira anak," panimula ni Mama na parang may kasalanan ako. "Hindi mo man lang inasikaso si Mark! Aba eh anhin ko na lang na 'wag malayo ang tingin ko sa kaniya at baka mamaya, umuwi na at lahat, hindi mo man lang nalalaman."

Wala akong maisagot dahil hindi ko naman alam na asikasuhin pala dapat, dahil priority kong huwag magka-issue.

"Oo nga. Iniwan pa ro'n at natulog siya," dagdag pa ni Sangko.

Nangingiti lamang noon ang iba kong kapatid habang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Kung ayaw mo siyang maging boyfriend, pakitunguhan mo man lang bilang maayos na kaibigan. Hindi 'yong aalis ka at iiwan mo lang doon. Kawawa naman," sabi pa ni Mama.

"Dumating din mga kaibigan ko eh. Hindi ko naman sila iniwan doon sa
labas," muling sabi ni Sangko.

"Eh sabi niya ayos lang naman daw siya eh!" dipensa ko sa kanila.

"Syempre sasabihin niya na ayos lang siya at nahihiya iyon. Hindi mo man
lang pinakiharapan," ang sabi ni Mama.

"Eh di sorry na," sagot kong nahihiya, natatawa at nakokonsensya.

"Chinat ko nga at sabi ko eh pasensya na," sabi ni Sangko sa amin.

"Chinat mo?!" gulat na tanong ko.

"Oo, bakit?"

Wala na lang din akong nagawa noong kumakain kami kung hindi
manahimik at tanggapin na dapat pala ay mas inasikaso ko pa si Mark. Akala ko kasi ay pagagalitan nila ako kung ginawa ko 'yon.

"Ni hindi mo man lang inihatid sa kalsada kaninang umaga. Ako pa ang naghanap ng tricycle na masasakyan niya," ang sabi ni Mama.

Mas lalo akong nakonsensya. Pagkatapos tuloy naming kumain ng hapunan ay nag-chat ako kay Mark at sinabi sa kaniyang tawagan niya 'ko.

Nang kausap ko na siya ay nag-sorry talaga ako dahil hindi ko siya gaanong naasikaso noong nasa bahay pa siya. Wala lang naman daw sa kaniya at ayos lang 'yon. Natutuwa rin siya nang ikuwento ko ang mga sinabi sa akin nila Mama noong kumakain kami.

Hanggang sa pagtulog ko nang gabing 'yon ay kausap ko pa rin siya. Tulad
ng dating gawi, kinantahan niya pa rin ako para makatulog nang maayos.

It was a different night for me and my family because it was actually the
first time when we'd get to sleep without Tatay. Oo malungkot, pero alam ko sa puso ko na may kapayapaan ako. Kailangan ko na lang maging matatag lalo na para kay Mama and I was very glad that I had Mark along that dark moment of my life.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon