Chapter 52

43 4 1
                                    

Habang nagtitipa ako ng istorya sa laptop isang buwan na ang nakalipas ay naalala kong hindi ko pa rin alam ang lyrics ng paborito kong kanta na palaging kinakanta sa akin ni Mark para makatulog ako.

Aubrey. Isang kanta ng Bread.

Tanda ko pa kung paano niya ipinapalit ang pangalan ko sa mismong title ng kantang ‘yon at isang kasinungalingang sabihin na hindi ko iyon ikinatutuwa. Sariwa pa rin kung paano niya binibigyang pag ibig ang bawat salita niyon.

“And Aira was her name
A not so very ordinary girl or name
But who’s to blame…”

Nang i-search ko ang lyrics ay sa wakas, nalaman ko na ang kasunod niyon.

“But who’s to blame?
For a love that wouldn’t bloom
For the hearts that never played in tune
Like a lovely melody that everyone can sing
Take away the words that rhyme
It doesn’t mean a thing.”

Tila isa-isang pumilas ng piraso ang mga salitang ‘yon sa puso ko. Ilang beses niyang kinanta ‘yon sa akin simula pa noong una, at sa pagkakataong ‘yon ay napagtanto kong malungkot na pala ang mga kasunod na liriko ng paborito kong kanta mula sa kaniya.

Sana, una pa lang ay nakinig na ako. Baka sakaling natunugan ko nang hindi rin magiging masaya ang dulo naming dalawa.

Kung sanang naramdaman ko na ang mga huling beses sa amin ay baka hindi ko na kailangang masaktan nang gano’n. At kung naramdaman ko nga ang mga huling pagkakataon, ano kaya ang gagawin ko?

Hindi rin ako sigurado. Pero maaaring hindi ko na binalewala ang mga message niya sa akin noon. Maaaring nag-reply ako sa mga malanobela niyang mensahe, at baka ni isang linya ng mga iyon ay hindi ako nag-atubiling basahin.

Kung alam ko lang na parating na kami noon sa dulo, malamang ay mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya sa ikalawang beses naming pagkikita.

Naisip kong sana ay hindi na lang ako agad na bumitaw sa kamay niya nang sandaling naglalakad kami sa madilim na kalsada nang magkahawak ang kamay. Sana ay mas binagalan ko pa ang lakad bago kami umuwi ng bahay. Sana’y hindi ako nagmadali sa mga panahong kasama ko pa siya.

Naisip ko rin na ako na lang sana sa halip na si Mama ang naghatid sa kaniya noong umaga bago siya umalis ng bahay namin. Kung alam ko lang na ‘yon na ang huling tingin niya sa ‘kin, huling beses na makikita ko siyang kasama ang mga kapatid ko at huling beses na masasabi kong bahagi siya ng pamilya namin, sana ay hindi ko na lang minadali. Sana’y mas tinitigan ko pa siya at hindi na lang ako umiwas sa mga mata niya.

Pero kahit anong sana ang sabihin ko ay wala naman na. I never thought that the pain would be that strong that I felt it storming all the parts of me. I felt hallow inside. Like I wasn’t where I was.

And I realized that you would not know love only through butterflies in your stomach, but also through the pain when it rudely burns your heart.

The pain that broke me into pieces was not easy to deal with. Naging dahilan iyon para matakot ako sa ideya ng muling pag-ibig.

Ayaw kong tinitingnan ako nang malalim ng mga tao sa paligid ko dahil pakiramdam ko ay nakikita nila ang sariwang sugat sa puso ko.

Alam ko rin noon na darating ang puntong magtatanong si Mama kung ano na ang nangyari sa aming dalawa. Maraming beses kong pinaghandaan iyon at sinabi sa sarili kong hindi ako iiyak kapag nagtanong siya.

Isang hapon habang nagtutupi ako ng mga damit namin, walang ano-ano’y tinanong ako ni Mama.

“Kumusta na kayo ni Mark? Nag-uusap pa ba kayo?”

Umiwas ako ng tingin kay Mama at saka inasikasong mabuti ang mga nakasalansan kong damit. Ginusto kong sabihin sa kaniya ang buong pangyayari, o kaya naman ay simpleng sumagot na lang ng “Hindi na,” pero maging ang bagay na ‘yon ay hindi ko nagawa. Sa halip ay umiling na lang ako habang nakatalikod sa kaniya. Takot na makita niyang nagbabadya ang luha ko.

“Baka naman hinabol mo pa ‘yon ah,” ang sabi ni Mama sa dismayadong boses niya.

“Hindi naman,” mahinang tugon ko kay Mama habang noon ay hindi pa rin humaharap sa kaniya.

“’Wag na ‘wag mong gagawin ‘yon. Kung ayaw na niya, ‘wag mong hahabulin. Hindi rin siya ang dahilan para masira ‘yang pag-aaral mo.”

Wala na akong isinagot kay Mama sa pagkakataong ‘yon dahil nagsinungaling na ako nang sabihin ko sa kaniyang hindi ako naghabol kay Mark. Kung malalaman niya ang totoong ginawa ko, malamang ay magagalit siya sa ‘kin.

Huli na rin nang sabihin niya na hindi dapat makasira si Mark sa pag-aaral ko dahil nakaapekto siya nang malaki ro’n.

Dumating ang final exams ko sa Great Books nang hindi ako nakapag-aral. Maraming readings noon at movie na kailangang panoorin bilang materials sa oral exam pero hindi ko ‘yon nagawa.

Nag-search na lamang ako sa internet ng ilang mga linya sa librong The
Little Prince sa mismong araw ng exam para kahit paano ay makasagot ako.

Napatigil ako nang matagal nang mabasa ako ang isang linya sa librong ‘yon.

“You know – one loves the sunset... when one is so sad.”

Sa pagkakataong iyon ay napatanong ako sa sarili ko kung gaano na ba ‘ko kalungkot, dahil sa bawat pagkakataong nakikita ko ang paglubog ng araw ay napahihinto ako para titigan iyon. Kahit na may hatid ‘yon na kakaibang pakiramdam: Lungkot. Sakit. Espiritu ng pamamaalam. Tulad ng ginawa sa akin ni Mark.

He was the man I wished would fly me to the moon. Just like how he used to sing that song to me. It was full of promises and hopes. That we will see the rest of our tomorrow’s together.

Siya ang iniukit kong makasama sa habang buhay. Kaming dalawa… kami ang pangako ng bukas na hindi natupad. At sa tingin ko’y hindi na matutupad pa.

Sa tuwing naaalala ko nga ang mga sinabi niya sa akin noon ay waring
nararamdaman ko pa rin na totoo silang lahat. Naisip kong minsan, totoo naman talaga ang pangakong binibitawan ng mga mahal natin. Pero hindi ibig sabihin ay buo ang kakayahan nilang tuparin iyon.

Minsan, kahit hindi nila gustuhing magbago ay nagbabago sila. Iyon ang katotohanan.

Tulad ni Mark. Ramdam kong totoo sa kaniya nang sabihin niyang mahal niya ‘ko, pero hindi pa rin ‘yon sapat para magawa niyang manatili. Marahil hindi rin niya napigilang magbago ang nararamdaman niya para sa akin.

At bilang naiwan, wala akong ibang responsibilidad kung hindi ang sarili ko.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon