Chapter 22

39 2 0
                                    

Ilang araw pa ang nagdaaan ngunit wala pa ring kuryente sa amin. Sa totoo lang ay nanggigil na ako dahil gusto ko nang maging maayos ang lahat. Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil mainit at isa pa, gusto ko nang marinig ulit ang kanta ni Mark bago ako matulog.

Isang hapon bago mag-alas sais, wala si Mama sa bahay at inutusan ako ni
Tatay na sindihan ang isang lampara dahil madilim na. Isa iyong bote ng Cheez Whiz na may puting tela sa loob. May butas ang takip niyon kung saan nakalusot ang mismong sindihan para umilaw at saka pinuno ng gas sa loob.

Hinanap ko ang lighter sa kusina para sindihan ‘yon ngunit kahit saan ako
tumingin ay hindi ko talaga mahanap, kaya binuksan ko na lang ang gas stove para ro’n magsindi.

Unti-unti kong itinaob ang hawak kong gasera sa stove dahil naka-low heat ‘yon subalit hindi pa rin nagdikit ang apoy at ang dulo ng gasera. Dahil doon ay itinaob ko ang gasera sa kalan ngunit laking gulat ko nang matanggal ang takip niyon at sumiklab ang apoy sa kusina.

Ginusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero naisip kong baka magalit si Tatay sa akin. Nasa terrace siya noon at nakahiga sa duyan. Walang kamalay-malay na may fire exhibition na sa kusina. Agad kong isinara ang tangke ng gasul at tarantang-taranta ako.

Kung ano-anong bagay ang pumasok sa isip ko tulad ng mga lesson na
itinuro sa amin ng teacher ko noong grade 11 tungkol sa kung paano patayin ang apoy.

My brain was like “Fire’s composed of oxygen. Water is composed of hydrogen and oxygen. Do not put water on the fire, it will only get worse.” But the stupid goddess inside my head HELD A PAIL OF WATER AND SPLASHED IT ON THE FIRE!

Dahil sa ginawa kong ‘yon ay lalo lang lumakas ang apoy at nadidilaan na
niyon ang bubong ng bahay namin. Nakita kong pati ang sahig ay nag-aapoy na rin. Kumuha ako ng mga maruruming damit at ipinunanas iyon sa sahig pero maging ang mga damit ay nagliyab na rin.

If there’s one thing I learned during that time when everything in our
kitchen seems to get burned, it is to admit to myself that there are really times when I am so stupid that I have to call the people around me for help. Hindi ko alam ang lahat ng bagay na akala ko ay alam ko na.

Tinawag ko ang asawa ni Kuya na si Ate Jenny para tulungan ako at nang
makita niya akong tarantang-taranta sa harap ng naglalagablab na apoy ay napasigaw na siya.

“AIRA! JUSMIYO MARIMAR KA ANONG GINAWA MO?!”

Dahil sa lakas ng sigaw niya ay agad na tumakbo sa kusina namin ang isa
kong pinsan na lalaki at pati si Tatay ay napatakbo na rin papuntang kusina. Wala pang sampung segundo ay napatay na nilang tatlo ang apoy.

And I know what I had to face next: My father’s wrath.

Pagkatapos na mapatay ang sunog ay hingal na hingal si Tatay na bumalik
sa duyan habang naiiyak na ako sa pagsipa ng konsensya ko. Maya-maya lang ay dumating na rin si Mama.

Akala ko’y pagagalitan niya rin ako pero mabuti na lang at hindi.

Pagdating ni Mama sa kusina ay tinanong ako kung ano ang nangyari at ipinaliwanag ko naman ‘yon sa kaniya.

“Sorry Ma, hindi ko talaga sinasadya. Ang tanga-tanga ko kasi eh,” ang sabi ko sa kaniya.

“Eh ano pa ba magagawa ko?” simpleng tugon niya at saka ako tinulungang linisin ang kusina.

Pagsapit ng gabi ay humiga na ako sa k'warto at noon din ay tinawagan ako ni Mark. Naikuwento ko na sa chat ang nangyari pero kinausap pa rin niya ako tungkol doon.

“Mabuti na nga lang at ‘yon lang ang nangyari. Ang inaalala ko kanina eh
baka nasaktan ka,” ang sabi ni Mark.

“Hindi naman. Wala namang nangyari sa ‘kin,” tugon ko.

“Oh iyon nga. Dapat pa rin natin ipagpasalamat sa Diyos kasi walang
nangyari sa ‘yo saka kina Tatay.”

“Yeah. Pero kasi. Shunga-shunga ko.”

“Eh huwag mo nang pakaisipin at nangyari na nga.”

“Paano pala kapag nandoon na tayo sa bahay natin someday? Tapos
nangyari ‘yong gano’n, nakasunog ako. Magagalit ka?”

“Eh Mahal syempre…”

“Syempre naman magagalit ka,” pagputol ko sa sasabihin niya.

“Ay nako. Syempre mag-aalala ako sa ‘yo. Hindi kita pagagalitan kung
mangyari man ‘yon. Tatanungin ko kung nasaktan ka ba, kung nasugatan ka. Mas mahalaga ka kaysa sa kahit anong bagay sa bahay na ‘yon.”

Kung ibang tao ang nagsabi ng ganoong salita ay hindi ako maniniwala. But he’s Mark. He means what he says.

“Okay, basta ‘wag kang sisigaw kapag nagalit ka sa ‘kin,” sagot ko.

“Kakulit naman po pala ng Baby ko. Sabing hindi nga magagalit eh. Anong sisigaw ka pa riyan na sinasabi? Mahal kita Baby.”

“Me too. Always.”

“Weh? Talaga?” tanong niya habang kinikilig pa.

“Oo nga. Ay kaso hindi ko pala alam kung always. Alam mo naman minsan ‘yong isip ko.”

“Alam ko. Ikaw pa ba? Ang Baby ko pa ba? Pero ayos lang Mahal kahit
gano’n kasi nandito naman ako para sa ‘yo. Sa mga panahon na hindi ka na sigurado, nandito pa rin ako para sa ‘yo. Kasi alam mo, simula nang dumating ka, wala na ‘kong iba pang tiningnan na babae sa buhay ko…”

“Hindi ako naniniwala. Kapag nga lumabas ka titingin ka pa rin sa iba eh,” pagputol ko sa pagsasalita niya.

“Hu ‘yan ka na naman. Ginagawa mo na namang literal.”

“Ikaw kasi. Ang corny mo palagi,” natatawang sagot ko.

“Eh hayaan mo na. Corny na kung gano’n man ang dating sa ‘yo. Basta
mahal kita at mamahalin kita hanggang sa dapit-hapon ng buhay ko.”

“Sana all po,” tugon ko kasabay ng pagtawa. Taga-Bulacan din naman ako pero hindi ako gano’n kalalim magsalita.

“Anong sana all ka riyan eh ikaw nga ‘yon. Ikaw ang mahal ko.”

“Palagi?”

“Palagi.”

“Marami?”

“Maraming-marami.”

“Maraming-maraming-marami?”

“Maraming-maraming-maraming-mara…” at sinabayan ko siya sa
pagsasabi ng gayon.

Noon ay sabay na naming sinasabi nang paulit ang “Maraming-maraming-maraming-maraming-marami.”

Huminto kami noong kapwa kinakapos na kami ng hininga. Ilang oras pa kaming nagkuwentuhan at nang marinig na niya ang paghikab ko ay sinabi na rin niya na matulog na ako dahil kakantahan na niya ako.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses niyang hinahanap na ng katawan ko tuwing gabi. Parang naka-program na, na kailangan ko munang
marinig siya bago ako makatulog.

“Why do birds suddenly appear
Everytime you are near
Just like me they long to be
Close to you.”

Tinapos niya ang kantang ‘yon pero hindi pa rin ako nakatulog.

“Babe, isa pang kanta,” ang sabi ko.

“Opo isa pa sige. Ano ba gusto mong kantahin ko?”

Bahagya akong nag-isip noon bago isagot ang pinakapaborito ko sa lahat
ng kinakanta niya.

“Gusto ko ‘yong Aubrey.”

Saglit siyang tumigil at saka kinanta nga iyon.

“And Aira was her name
A not so very ordinary girl or name
But who’s to blame…”

Ipinagpatuloy niya ang pagkanta pero palagi ko namang hindi naiintindihan ang lyrics n’on. Inantok na rin ako.

“Good night na sa Mahal ko, magkumot ka. Palagi kitang mahal. May mga oras man na hindi ka sigurado, pangako kong hindi kita bibitawan ano man ang mangyari. I love you Baby, God bless.”

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon