Chapter 40

29 5 3
                                    

Nagising ako kinabukasan nang masakit pa rin ang loob ko. Pero bukod sa sakit na ‘yon ay nakaramdam ako ng pagkamangha. The pain of the past night was unbearable, but thanks be to God’s presence that lulled me to sleep.

Gumayak na ako noong umaga na ‘yon para pumunta na kila Gaile. Malayo ang bahay nila sa amin kaya maaga akong gumagayak para hindi ako ma-late. Nakahihiya kasi sa mommy niya.

I was enjoying my last days with Gaile dahil ilang linggo na lang noon ay
bakasyon na niya. Grade 5 na siya sa susunod na pasukan at hindi na ako ang tutor niya sa panahon na ‘yon dahil sa Pasig na nga ako pansamantalang titira.

Sigurado akong mami-miss ko siya. Kahit kasi madalas na sabog at kung
ano-ano ang mga isinasagot niya sa akin ay mabait pa rin siya. Siguro nga, hindi siya kasing daling maka-pick up ng lessons katulad ng ibang mga bata, pero mabait siya. Talented. Magaling sumayaw at hindi lang basta marunong. Mahilig din siya sa arts katulad ng pagpipinta kaya nagkakasundo kami sa gano’n.

Naikuwento ko na rin si Mark kay Gaile at may mga pagkakataon pa nga na kinukulit niya ako para k’wentuhan ko siya, tulad noong araw na ‘yon dahil nasabi ko sa kaniya na may problema kami ni Mark.

“Ate sige na, bakit nga kasi kayo nag-away? Please, k’wento mo na sa ‘kin,” pangungulit niya sa akin.

“Ay naku ayoko. Tapusin mo muna ‘yang module na ‘yan.”

“Kapag natapos ko na, ikuk’wento mo na po?”

“We’ll see.”

“’Yan ka na naman sa ‘we’ll see’ mo. Lagi na lang,” reklamo pa ni Gaile.

“Eh di sige hindi ko na lang ikuk’wento.”

“Joke lang po, ito na nga magsasagot na ‘ko ‘di ba?”

I will definitely miss my Gaile. Pati ang three years old na kapatid niyang si Calvin. Palagi akong inihahatid ni Calvin sa gate nila at kahit sobrang init o umaambon ay lalabas pa rin siya para ihatid ako. He would always shout “BYE ATE AIRA!” Kahit malayo na ako at sobrang liit na niya sa paningin ko ay nakikita ko pa rin na kumakaway siya sa ‘kin.

Nang matapos na si Gaile sa sinasagutan niyang module ay ikinuwento ko sa kaniya ‘yong mga nangyari. Alam kong bata pa siya para sa mga ganoong usapan, pero komportable ako sa kaniya. I know she keeps my secrets as I do with hers.

“Oh ano ngang mai-aadvice mo sa ‘kin?” tanong ko sa kaniya matapos kong sabihin lahat.

“Na?”

“Kung ayaw na niya,” sagot ko.

“’Yon nga, mag-move on ka na,” agad niyang sabi sa akin.

“Bakit?”

“Bakit, ayaw mo?”

“Oo ayaw ko.”

Nang isagot ko ‘yon ay pinagtawanan niya ako at saka muling nagtanong.

“Gusto mo siyang maging asawa?”

Parehas kaming natawa nang sabihin niya ‘yon habang paulit-ulit niya akong tinatanong kung gusto ko raw ba ‘yon. Malamang ay gusto kong sabihin na “Oo,” pero hindi ko naman iyon sinabi sa kaniya.

“So ano na nga? Ang gagawin ko.”

“Mag-move on ka nga. Kulit-kulit mo.”

“Bakit? Bakit magmmove-on?” tanong ko pa sa kaniya. Gusto kong malaman kung bakit gano’n ang sagot ng siyam na taong gulang na bata. Pero hindi siya agad nakasagot.

“Paano kung ayaw ko?” ang huling beses na tanong ko kay Gaile.

Nakayuko siya noon na kinukutingting ang stapler ng mommy niya, at saka tumingin sa akin at sumagot.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon