Chapter 2

118 8 1
                                    

Hindi gaanong maingay noon sa guild si Eli kahit palagi naman siyang present sa mga ganap doon. At sa totoo lang, hindi ko naman talaga siya gusto dahil medyo crush ko noon ‘yong revenger of computer. Basta Arthur ang pangalan niya. Hindi rin naman kami nagkakausap noon ni Eli sa loob ng guild.

Dumating lang ‘yong time na nagkakagulo sa loob ng guild dahil sa pagkakatanda ko, may isang batang nasa Tesla pero nagkakalat ng private information sa ibang guild na dapat ay exclusive lang sa amin. Bawal kasi roon ang dalawa ang kinabibilangang guild. Dapat talaga, isa lang.

Noong mga oras na nagkakagulo sa guild, wala pa talagang may alam kung sino sa mga miyembro namin ang taksil. Pero nalaman ko kung sino. And take note: I had evidences. Hindi ko na matandaan kung paano ko nagawa iyon, basta siguradong-sigurado ako kung sino.

Isang gabi ay nag-message sa akin si Eli at sinabing kung iniisip ko raw na
siya ang traitor, I better back off because as he put it out, “I don’t want to jeopardize my position there.”

Ang defensive niya, samantalang hindi naman talaga siya ang salarin. Saka sumasakit ang ulo ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ba sa Tagalog ang “jeopardize.” Nang i-search ko na, mabuti at nalaman ko rin naman agad dahil magmumukha akong bobita sa kaniya kung hindi.

Matapos ‘yong gabi na iyon, naging madalas na ang pag-uusap namin.
Parang nakatatandang kapatid ko siya dahil grade 11 na siya noong mga panahon na ‘yon. Natutuwa ako dahil marami akong natututunang salita sa kaniya. Mga basic lang naman pero hindi ko pa alam ang mga iyon noon. Tulad ng salitang magnanimous, glitch, rant, hunch, perks, kung ano ang pagkakaiba ng compliment at complement. Mayroon din palang salitang Ingles na “catamaran.”
Natatandaan ko pa na nag-send siya sa akin noon ng picture ng bangka, na
catamaran nga raw ang tawag.

Tinanong niya ako dati noong pauwi ako galing sa school kung ilang taon
na ako. Sinabi ko sa kaniya na 15 taon ako noon, grade 9 student. Nagulat siya dahil akala raw niya ay magkasing edad lang kami. Sa paraan daw kasi ng pananalita ko, parang ang matured ko na.

Hindi lang niya nakikita ang totoong kulay ko siguro kaya niya nasabi ‘yon.
Adik ako dati sa mga joke at trivia. Natatandaan ko na nagbigay ako ng trivia sa English teacher ko. Ang sabi ko, “Sir, alam n’yo po ba na ang melon ay kinayod ng Tang para sa ‘yo?” Hindi siya natawa habang humahagalpak naman ako katatawa. Gano’n ako kababaw noon. Tipikal na 15 years old. Madali akong tumawa, madali rin akong umiyak.

Eli found that character of me as lovely, I could say. Siguro ay masusuka siya kung sakaling mabasa niya ang parteng ito ng libro ko. Pero hindi ako panatiko ng pagsisinungaling.

Alam ko lang na gano’n niya tiningnan ang ugali ko. Childish and soft. Pero kahit ang laki ng pinagkaiba namin, hindi naman niya ako itinrato na iba sa kaniya, o malayo sa kaniya. Interesado pa rin siya sa mga bagay tungkol sa akin.

Natatawa siya sa mga jokes ko, kahit nasa kabila pa ng korni ang kakornihan ng mga biro ko. Sayang lang dahil malayo siya. Gusto ko pa naman siya makita noon, walang halong malisya. Dahil gusto kong nakakikilala ng mga matatalinong tao.

Gusto kong nakikipag-usap sa mga taong magmumukha akong walang alam. Hindi para kawawain ang sarili ko sa harap nila, kung hindi para mas marami akong matutunan.

STEM student siya noong grade 11 sa Technological University of the
Philippines-Taguig Campus. Doon sa university na ‘yon siya nag-aral dahil gusto raw ng daddy niya. Engineering school ‘yon pero sabi niya, “I swore to myself that I will never be an engineer.”

Gusto niyang maging doktor para sa daddy niya. May kidney failure daw
kasi ‘yon, at kapag naging doktor siya, gusto niya makahanap ng paraan kung paano matutulungan ang daddy niya. Hinangaan ko siya. Naramdaman ko kasi noon kung gaano niya kagusto na makatulong na sa pamilya, bilang panganay sa
tatlong magkakapatid.

Naisip kong hindi siya gaanong mahihirapan. Matalino naman siya sa tingin ko. Mahilig siya magbasa ng mga nobela. Mga nobelang sinulat nina John Green at John Grisham. Marami pa siyang paboritong writer na hindi ko naman din siguro kilala.

Noong mga panahong hirap na hirap ako sa Algebra, sinabi niya sa akin na,
“Madali nga lang Algebra eh. Puro substitute lang halos ang ginagawa.”

Sinabi ko sa isip ko noon na ang galing naman niya. Madali lang daw.
Samantalang pagdating sa akin, kahit sampung beses nang ulitin ang isang
problem, malilito at malilito pa rin ako.

Mahilig din siya sa mga Avengers movie. Hindi naman ako nakakapanood ng mga gano’n dahil wala namang internet sa bahay namin. Kung mayroon man, siguradong mahina rin ang signal. Taga-Parañaque kasi siya kaya malakas ang internet connection doon. Taga-Bulacan ako. Sa kabundukan ng San Ildefonso, Bulacan.

Isa pa, magaling din siyang kumanta. Hindi siya proud sa pagkanta niya
pero para sa akin naman ay magaling siya. I searched his timeline and watched some of the videos there and I could say that he really has talents.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon