Chapter 10

62 4 9
                                    

“May sasabihin ako sa ‘yo,” seryosong sabi ko kay Eli nang makahanap ako
ng tiyempo nang buwan ding iyon.

“What is it?” tanong niya.

“Alam mo may iba na akong crush bukod sa ‘yo,” matapang at diretso kong sabi sa kaniya. Tinanong niya ako kung sino iyon.

“’Yong kalaban ko noong debate,” sagot ko.

“Sino? ‘yong bakla?”

May naikuwento ako sa kaniyang nakalaban ko rin sa debate noong EDDIS Level at narinig kong bakla raw, pero mukhang hindi naman totoo. Kinausap din kasi ako ng kalaban ko na ‘yon at sinabing crush niya rin ako.

“Hindi ah! Hindi iyon. Iba ‘to.”

“So sino?” Nang itanong niya ‘yon ay sinabi ko sa kaniya ang lahat at
totoong mga pangyayaring may kaugnayan kay Mark. Ayaw kong magtago sa kaniya at gusto ko ring malaman ang dapat kong gawin dahil hindi ko talaga alam.

“Eh kung physical appreciation lang, okay lang naman ‘yon. Unless iba na
‘yan.”

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya sa mga oras na ‘yon kaya sinabi kong hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

Eli didn’t seem to be bothered that night maybe because he was also
confident of the kind of relationship that we built.

Hinihintay ko na magsabi siya sa akin ng dapat kong gawin, pero wala naman akong narinig sa kaniya. I was left with the confusion I had about Mark.

Dahil wala akong maisip na paraan kung ano ang gagawin ko, naisip kong ‘wag na lang munang kausapin si Eli. Baka kasi bumalik ulit ‘yong tulad ng dati na wala akong ibang nakikita kung hindi siya, kapag na-miss ko na.

Busy siya sa loob ng mahigit isang linggo kaya halos hindi rin niya ako
nagawang kausapin. Naisip kong baka nagagalit siya, o pinag-iisipan niya pa ang gagawin niya. Gano’ng klase siya ng lalaki. Kapag gumagawa siya ng desisyon tungkol sa amin, final na ‘yon at hindi na mababago.

Iyon din ang dahilan kung bakit tahimik lang na relasyon kung ano ang mayroon kami ni Eli. Sa tuwing may mga maliliit na tampuhan at kasalanan niya, agad naman siyang humihingi ng tawad pero hindi niya ako minamadali. Binibigyan niya ako ng oras para makapag-isip-isip dahil kilala naman niya ako. Huhupa rin ‘yon. Gano’n din naman ako sa kaniya. Kapag kasalanan ko, hindi ako nag-iinarte na may “toyo” ako o ano pa man. Ako ang lalapit sa kaniya para mag-sorry.

Sa loob ng tatlong taon, hindi kami umabot sa mga malalalang away. Hindi big deal sa kaniya na may ibang nagkakagusto sa akin sa school o kahit sa Tesla Guild na kinabibilangan namin noon pareho. Basta buong-buo ang tiwala niya sa akin at sa sarili niya na ginagawa naman niya ang dapat para sa aming dalawa.

Sa katunayan, ako pa nga ang nagseselos kapag nagkukwento siya sa akin ng mga bagay tungkol sa mga crush niya sa school nila. Sinasabi niya sa akin ‘yon dahil komportable naman siyang sabihin, at kahit ano ang mangyari ay ako pa rin naman. Hindi ko sinasabi sa kaniya na nakararamdaman ako ng selos sa mga girl crush niya dahil feeling ko ay magiging immature lang ako sa part na ‘yon dahil kahit kailan ay hindi naman siya nagloko.

Natatandaan ko noong isang beses na ikinuwento niya sa akin ang babaeng nakasakay niya sa jeep at nakakuwentuhan niya. Malapit lang daw ang babae na ‘yon sa bahay nila kaya paglipas ng mga ilang araw ay naging magkaibigan sila. Ang sabi sa akin ni Eli ay magaan daw ang loob niya roon, dahil halos magkakatulad
sila ng gusto. Parang nahanap na nga raw niya ang female version niya dahil mahilig din iyon sa mga bagay na mahilig siya katulad na lamang ng Avengers.

Buo rin naman ang tiwala ko sa kaniya pero hindi ko maikaiila sa sarili ko ang bagay na naramdaman ko noon. Nasabi niya sa akin pagkalipas ng ilan pang mga buwan na umamin daw sa kaniya ng nararamdaman ang sinasabi niyang
kaibigan.

Isang araw ay nagkita sila ng babaeng iyon at sinabi naman ni Eli sa kaniya na may nauna na sa babaeng ‘yon at ako ang tinutukoy niya. Sabay silang
naglakad pauwi sa mga bahay nila dahil nasa iisang daanan lang naman ang mga ‘yon.

Habang pauwi ay hinayaan lang daw ni Eli ang babae na bitbitin ang sariling laptop niya kahit mabigat ‘yon. He was trying not to become a “gentleman” to her for her to avoid implying any other meaning to it—like my man likes her too.

Nang malapit na sila sa kanilang mga bahay ay huminto na sila upang
magpaalam sa isa’t isa. Ngunit bago sila maghiwalay ay hinalikan ng babae si Eli sa bandang malapit sa labi niya.

Lahat ng mga ‘yon ay ikinuwento sa akin ni Eli sa phonecall at hindi ko
naitago noon ang emosyon ko. Binaba ko ang tawag at tahimik lang na napaiyak sa kwarto kasabay ang noo’y bumubuhos ding ulan sa labas ng bahay. Tumawag pa siya ng isa o dalawang beses pero hindi ko ‘yon kinayang sagutin kaya nag-iwan na lang siya ng mga text message sa akin.

Humingi siya ng tawad sa nangyari pero malinaw naman na wala siyang kasalanan at hindi niya ‘yon ginusto. It was not even his intention to hurt me by telling me what happened, instead he was just trying to be faithful like who he really is.

Kahit nangyari ang ganoong bagay sa amin, makalipas lang ang ilang araw
ay naging maayos na ulit kami.

Kaya ako naguluhan kung bakit may nararamdaman ako sa mga panahon na ‘yon kay Mark, gayong kahit ano naman ang nangyayari sa amin ni Eli ay nalalampasan din namin.

Ikinuwento ko kay Mama ang nangyari sa debate, kung sino si Mark at kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala kasi akong itinatago sa kaniya, kahit pakiramdam ko ay magagalit siya, sinasabi ko pa rin.

The bond that I have with my mother is really precious. Ayos lang sa akin
kung ayaw ako ng mga tao, kung hindi sila naniniwala sa ‘kin o kung hindi maganda ang tingin nila sa akin. Basta importante kung paano ako tingnan ng Mama ko.

She’s always honest with me, and I am with her. Hindi kami ganoon ka-
close ni Tatay at hindi ko masabi sa kaniya ang mga ganoong bagay, pero ayos lang dahil nandiyan naman si Mama.

“Eh ano’ng gagawin ko Ma? Gusto ko si Eli pero parang gusto ko rin si
Mark.”

“Gusto mo na agad ‘yong Mark eh kailan mo lang nakilala ‘yon!”

“Eh Mama hindi naman sa gustong-gusto pero basta, parang crush gano’n.”

“Eh crush lang pala eh. Ano inaarte-arte mo?”

“Syempre nandiyan nga si Eli eh. Tapos nagkakagusto ako sa iba?”

“Bakit, kayo na ba?” tinamaan ako sa sagot na ‘yon ni Mama dahil oo nga
at hindi naman kami. Pero parang gano’n na rin naman kaya ayaw kong magloko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko noon. Ayaw kong basta-basta na lang magdesisyon. Ayaw ko ring i-pressure ang sarili ko.

“Huwag mo muna isipin ‘yang ganiyan at bata ka pa. Pabago-bago ng isip. Minsan gusto mo si ganito, minsan si ganiyan naman. Basta mag-aral ka at kapag nakatapos ka, kahit limang boyfriend ang pagsabay-sabayin mo sige! Bahala ka.
Basta ngayon mag-aral ka muna.”

Hindi rin nasagot ni Mama kung ano ang dapat kong gawin. Kaya ginabi-
gabi kong isama sa prayers ko na kung hindi naman kami ang destined ni Eli, gumawa na Siya ng paraan para hindi kami mag-work.

Naniniwala kasi ako sa gano’n. Na may nakalaan talagang tao para sa ‘yo. May nakalaang plano Si Lord. Iyong the best at higit pa sa kayang isipin ng sinuman. Kaya ipinanatag ko ang sarili ko na Siya na ang bahala sa amin ni Eli.

I was able to sleep soundly at those nights as I put my trust in God. Kung
kami ni Eli, it will work. Pero kung hindi, wala naman akong choice kung hindi tanggapin iyon.

Hindi ko na muna kinausap si Eli at hindi rin naman siya nagpaparamdaman. Hindi ko alam kung bakit, pero naisip ko na baka nag-iisip-isip pa siya.

Habang gano’n kami ni Eli ay patuloy pa rin naman sa pagcha-chat si Mark sa akin. Araw-araw ay puno ang energy niya sa pakikipag-usap. Pinaninindigan niya talaga ang sinabi niyang mahal niya ‘ko. Akala ko kasi, titigil na siya noong sinabi ko kung ano ang mayroon kami ni Eli. Pero dahil hindi naman kami official, ipinaglaban pa rin niya.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon