Chapter 36

45 3 3
                                    

“Hello, Babe! Nakauwi ka na?” excited na tanong ni Mark bandang alas-syete ng gabi dahil sinabi ko sa kaniya noon na pumunta ako ng prayer meeting
sa church. Sinusundo ako ni Pastor sa bahay at inihahatid din niya ‘ko sa tuwing may mga ganoong church activities.

“Hindi pa nga eh. Hindi ko alam kung nasaan sila Pastor. Buti na lang tumawag ka, ang dilim dito,” natataranta kong sagot sa kaniya.

“Ha? Nasaan ka ba?!” gulat niyang tanong sa akin.

“Hindi ko nga alam Mahal. Basta kanina, bumaba kami kasi may inaayos sa sasakyan. Medyo maliwanag pa no’n, eh ewan ko naglakad-lakad lang naman ako tapos hindi ko na alam. Pagdating ko sa hinintuan namin, wala na ro’n ‘yong sasakyan.”

“Eh nasaan ka nga ngayon? Madilim na, baka kung mapa’no ka pa riyan ano ba? Wala bang malapit na bahayan diyan?”

“Wala talaga. Buti nga tumawag ka, wala kasi akong load. Gusto ko nang umuwi, baka hinahanap na ‘ko ni Mama.”

“Eh kasi bakit ka humiwalay sa kanila? Baby naman,” nag-aalala pa rin niyang sabi sa akin. Alam kong natataranta na rin siya no’n kaya nakonsensya na lang ako at napahagalpak sa katatawa.

“Joke lang Babe nakauwi na 'ko!” ang sabi ko sa kaniya sa gitna ng hindi mapigil na pagtawa. Napabuntong hininga siya at saka ako tinanong ulit.

“Ano ba nakauwi ka na ba?”

“Oo kauuwi ko lang, nasa k’warto na nga ako eh,” sagot ko.

Nagulat ako nang pagkatapos kong sumagot nang gano’n ay ibinaba niya ang call. Kahit nakababa na ‘yon ay natatawa pa rin talaga ‘ko. Ilang minuto pa ang nakalipas at ako na ang tumawag sa kaniya.

“Hi Baby!” masigla kong bati sa kaniya. Hindi siya nagsalita.

“Mahal andito na ‘ko!” muling sabi ko. Pero mukhang wala sa loob niyaang kausapin ako.

“Kumain ka na,” malamig na sagot ni Mark sa akin. Alam kong kapag ganoon ang sinasabi niya ay naiinis o nagtatampo siya.

“Galit ka ba? Izzapraaaank!” natatawa kong sagot.

“Uminom kang tubig.”

“Hala naiinis ka ba? Galit?” pagpapaawa ko sa kaniya.

“Eh sino ba matutuwa sa ‘yo? Prank prank ka pang nalalaman, akala mo walang nag-aalala,” inis niyang sagot. I swear I love that voice.

“Eh di sorry, joke lang naman ‘yon eh. Sineryoso mo na agad.”

“Malay ko ba kung totoong naiwan ka nga ro’n, eh anong oras na? Akala mo gano’n lang kadaling puntahan ‘yang inyo.”

“Oh ba’t nagagalit ang Baby ko?” natatawang tanong ko sa kaniya.

“Ewan ko sa ‘yo. Sa susunod ‘wag mo nang gagawin ‘yon. Naisip ko pa lang ‘yong mga daan sa inyo na napakadilim at kaytataas ng mga damo eh. Naku umayos ka lang Mahal. Hindi nakakatuwa,” sagot niya.

“Sinabi ko bang nakakatuwa?”

“Oh kita mo sasagot ka pa talaga. Kung alam mo lang ang pag-aalala ko. Paano kita mapupuntahan diyan agad-agad? P’wede ko bang liparin ‘yan ha? Akala mo naman isang hakbang lang ang San Ildefonso mula rito sa Calumpit.”

“I love you,” ang sabi ko kay Mark para tumigil na siya. Alam ko namang ‘di niya matitiis ‘yon at sasagot pa rin siya kahit anong inis niya.

“I love you too Babe!” sagot niyang halata pa rin ang inis.

“Ayieee ‘di na galiiiit!”

“Hindi dapat ginagawang biro ‘yon Mahal tandaan mo.”

“I love you!”

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon