Chapter 11

54 7 2
                                    

Matapos ang isang linggo na hindi ako kinausap ni Eli, nag-message siya sa
akin para mas makapag-usap na kami tungkol sa bagay na sinabi ko sa kaniya tungkol kay Mark. Pinatapos muna raw kasi niya ang exams nila para kung ano man ang kalabasan ng pag-uusapan namin ay hindi na makaabala sa result niyon.

Tinanong niya ako kung ano raw ba ang nangyayari sa akin at kung nag-
aalangaan o nagdadalawang-isip na raw ba ako sa kaniya.

“Kung ako lang talaga, hindi ka malilito. Baka naman kasi nadadala ka lang. Baka naman ‘di talaga natin kailangan mag-usap nang gan’to,” ang sabi niya sa akin.

Naisip ko na rin iyon na baka nga nadadala lang ako sa mga pangyayari kaya pakiramdam ko ay gusto ko na agad si Mark. Sa tuwing tinatanong ako noon ni Eli, wala naman akong maayos na maisagot. Sinabi niya sa akin na ikuwento ko sa kaniya nang buo kung ano ang nararamdaman ko.

“Kasi. Okay naman. Alam ko naman na ikaw lang. Mula grade 9 ako, wala akong pakialam sa iba. Kahit noong time na ‘di tayo nag-uusap, ikaw pa rin. Tapos kay Mark, ewan ko kung ano ang nangyari.”

“So ano ang gusto mong mangyari?” tanong niya sa akin.

“Tinatanong ko rin sarili ko eh. Hindi ko alam lagi ang sagot. Ikaw? What
do you want?”

“Ano na bang nararamdaman mo sa kaniya?”

“Hindi ko alam. Alam ko lang masaya ‘ko.”

“Masaya na?”

“Kapag kausap siya. Eli ano na… Hindi ko na alam nangyayari.”

“Kasalanan ko ‘to. Dapat ‘di ko na hinayaan eh.”

Nasabi niya siguro ‘yon dahil noong unang beses na sinabi kong attracted na ako kay Mark, wala naman siyang ginawa. Parang hindi kasi iyon naging seryoso para sa kaniya.

“Eh kapag ako kausap mo? Masaya ka pa ba?” muling tanong niya.

“Palagi kong gustong kausapin ka. Honestly. Sabi ko ayaw ko sa iba…”
“But?”

“Hindi ko na alam. I’m stupid. I let it happen.”

“May mga babae din naman akong nakakausap na nagpapasaya sa akin
pero malinaw sa akin na kaibigan lang sila. Na merong ikaw.”

That statement of Eli shut me up. Sobrang nalungkot ako dahil totoo
naman na kahit may mga nakakasama siyang babae sa kung saan-saan, at kahit pa may sinabi siya noon na “girl version” niya, alam ko naman na palaging ako lang.

Kahit busy siya, kapag nagkaroon na siya ulit ng time, ako pa rin naman. It made me sad that I wasn’t able to do the same for him. With a sad emoticon, tinanong niya ako.

“Bakit naman kung kailan nagkita na tayo?”

“What difference would it make kung ‘di pa tayo nagkita?”

“So hanapan ng loophole?”

Hindi ko na gustong mag-react noon dahil ayaw kong mag-away kami at
lumala pa. Sinabi niya na rin na hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

“I don’t know what to say. Hindi ko na talaga alam. Ikaw lang makakasagot
ng mga tanong mo. May gusto rin ba siya sa ‘yo?”

“Yeah…” And he reacted a sad omoji on that reply.

“And he knows that you like him?”

“Yeah. Last night lang.”

I do not remember anymore what else we talked about that night. I just knew that there were tears coming inside our chests. Deep within. Gusto niya rin na magdesisyon ako para sa sarili ko at para sa aming dalawa.

“Para hindi tulad ng dati na tanong ako nang tanong kung saan ako
nagkamali, kung ako ba nagkamali, kung mutual decision ba.”

Nag-ingat ako ng mga sandaling iyon sa mga bagay na sasabihin ko. Ayaw
kong mas lalo lang na gumulo. Alam kong sa pagkakataong iyon ay nahihirapan na siya at natatakot na
mangyari ang dati nang naganap sa amin, kung saan hindi kami nag-usap na dalawa sa loob ng kalahating taon dahil may isang bagay na hindi kami pinagkaintindihan. Pero pagkatapos niyon ay bumalik naman kaming muli sa dati. I think we
just needed time to figure things out separately.

“Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito,” sagot ko sa kaniya.

Akala ko ay tutulungan niya ako na ayusin ang mga gulo sa isip ko, pero nagulat ako sa mga sumunod na sinabi niya.

“Fine. Edi para hindi na tayo mahirapan ako na magsasabi. Let’s take a break. Mag-isip-isip ka na muna.”

I knew for a fact that there was no label to break that night. But that was not the thing that hurt. It was the feeling that stayed between us for almost four years. It was the connection we built given the distance that separated us. Indeed, most of our time “together” was spent through internet alone. Yet we felt it. The happiness, the butterflies, the feeling of not being able to sleep
because we encountered a reality that was finally better than our dreams. We just wanted to feel every morning where invisible strings remind us that we were not far from each other.

It was not the label that was actually broken that night. It was the assurance that we would still look at the moon together, watch its phases. When it is perfect or less of a full.

Sa mga oras na iyon, bumalik lahat ng mga pagkakataon na naramdaman
kong minahal niya ako. Ayaw kong bumitaw, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Basta puro luha lang.

Kahit kailan, hindi ko inisip na iwan siya. O ako ang tumapos sa aming
dalawa. Grade 9 pa lang ako nang makilala ko siya. Maraming opportunity ang dumating para magkagusto ako sa iba dahil marami namang mas malapit kaysa sa kaniya. Marami namang mas higit sa mga katangian na mayroon siya. Pero kahit kailan ay hindi iyon naging sapat para makalimutan ko na mayroon akong Eli. Na mahal ko siya at siguradong mas mahal niya ako.
Nagkataon lang siguro talaga na iba ang naramdaman ko kay Mark. Kahit sarili ko nang mga panahong iyon ay hindi ko maintindihan.

Kinakausap ako ni Mark sa mga chat pero wala akong lakas na tugunin ang mga ‘yon. Sinasabi niya na ‘wag akong umiyak dahil nahihirapan daw siyang malaman na nahihirapan ako.

Kahit gusto ko siya noon ay ayaw ko siyang pakinggan. Ginusto ko na lang na manahimik at magising na buong-buo pa rin ang pagmamahal ko para kay Eli. God knows how I wanted to keep us, but He knows as well that I was too confused that night.

Lumipas ang mga araw na si Mark ang kausap ko dahil natigil na ang
komunikasyon namin ni Eli. Hindi na niya ako kinausap at gano’n din ako dahil hindi ko naman na alam ang sasabihin ko sa kaniya. Pero kapag gabi na, pinupuno pa rin ni Eli ang isip ko sa mga tanong kung kumusta na kaya siya at ano na ang nangyayari sa kaniya.

Nang gabing kausap ko si Mark sa chat at sinasabi niya na matulog na ako at huwag nang mag-isip ng kung ano-ano pa, nag-notify sa messenger ko na nag-react si Eli sa chat ko sa kaniya noon na “May sasabihin ako sa ‘yo.”

Napagtanto niya siguro na iyon na ang senyales para humantong kami sa magulong sitwasyon. Alam kong nasasaktan siya habang binabalikan ang mga pag-uusap naming dalawa, kaya nag-chat ako sa kaniya.

“Matulog ka na…”

Mabigat sa pakiramdam ko na malamang nahihirapan siya dahil sa akin. Gusto kong magpahinga na lang siya at huwag na akong isipin.

“I love you Aira… Please don’t leave me.”

Nang sabihin niya ‘yon ay may masakit na kumurot sa puso ko. Hindi niya madalas sabihin sa akin na mahal niya ako, bihira lang na mangyari ‘yon. Sa ibang bagay niya ipinararamdam na mahal niya ako.

Nang gabing iyon ay gusto kong sabihin sa kaniya na mahal ko rin siya, pero hindi ko alam kung kaya kong manatili. Gulong-gulo rin ako. I had all the time and chances to choose him over a guy I just met.

But I never did.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon