Chapter 26

43 2 0
                                    

Noong mga panahong na-realize kong deserve naman ni Mark ang atensyon
ko, naging mas maayos na ako sa kaniya. I tried to be sweeter and I tried to match the love he was giving me.

Araw-araw ay nagigising ako na mala-nobela sa haba ang binabasa kong
message mula sa kaniya. Madalas ay nagsskip na nga ako ng lines dahil tinatamad na akong basahin. Pero kahit kailan naman ay hindi siya napagod na gawin ‘yon para sa akin.

Bandang 5:30 o 6:00 am ay gising na siya at inaabangan ako na mag-online. Iyon nga lang, madalas ay alas-otso na akong nagigising at nakapagre-reply sa mga chats o text niya. Palagi rin na kung ano ang chat niya, iyon na rin ang text niya sa akin.

Madalas din naman siyang mainip kung anong oras ako magigising kaya
kapag hindi na siya makapaghintay ay iniistorbo na niya ang pagtulog ko at tumatawag na sa phone.

“Baby! Good morning!” ang palagi niyang sinasabi sa tuwing tatawag siya sa umaga. Hindi ako agad nakapagsasalita kaya hinahayaan ko lang siya na kung ano-ano ang sasabihin habang hindi pa kayang dumilat ng mga mata ko sa antok.

Kapag hindi ako nagsalita, kakausapin niya ako sa paraan kung paano kausapin ng mga matatanda ang mga bata.

“Inaantok pa ang Baby ko? Antok pa ang baby ko na ‘yan?” ang sabi ng
makulit niyang boses.

“Ang aga pa, mamaya ka na tumawag,” sagot ko sa garalgal na boses. Natural tuwing umaga.

May pagkakataon na hahayaan niya pa akong matulog lalo na at alam
niyang late na akong nakatulog dahil sa school works, pero may mga pagkakataon din na pipilitin niya akong idilat na ang mga mata ko dahil tanghali na raw.

“Oh oh ‘wag nang pumikit ang Mahal ko. Bangon bangon na ‘yan,” pangungulit niya pa.

“Five minutes,” hirit ko.

“Okay tatawag ako after five minutes. I love you!” and he would kiss me through the phone and drop the call.

Sa loob ng limang minuo, dalawang bagay lang ang posibleng mangyari:
mag-stretch na ako ng mga binti at braso ko o kaya ay mas lalo pang makatulog. Mas matimbang ang huli.

“Hello Baby! Tapos na five minutes mo Mahal ko. Gising ka na.”

Sa tuwing maririnig ko si Mark sa umaga, niyayayakap ko lang ang unan at iniisip na sana ay siya ‘yon at sana ay kasama ko siya. Pero may mga pagkakataon pa rin na kahit nagsasalita na lang siya at hindi kumakanta, pakiramdam ko ay inihehele pa rin ako niyon.

“Ten minutes,” muling sabi ko sa boses na antok na antok pa rin.

“Ay naku Babe ayoko na tama na,” sambit ni Mark habang nagpapaawa.
“Kanina pa kita hinihintay kaya. Tapos five minutes five minutes ka pa,” dagdag niya.

“Please. Last na,” I’d say.

“Okay po. I love you!”

Kapag natapos na ang mga minutong paghirit ko sa kaniya, siguradong
masigla na ako at hindi na inaantok. Sinasabi ko sa kaniya tuwing umaga ang mga panaginip ko.

“Babe alam mo ba,” panimula ko sa kaniya.

“Hindi ko alam. Ano ‘yon?” sagot niya sa akin. Interesado palaging pakinggan ang mga salitang lalabas sa bibig ko.

“Alam mo ba napanaginipan ko kagabi, naging sundalo raw ako. Tapos pumunta kami ni Maica sa Africa, kaso maraming puno saka malamig…” pinutol
ni Mark ang sasabihin ko at nagsalita.

“Wow kakaibang Africa ‘yan ah. Saan kaya ‘yon?” natatawa niyang tanong.

“Eh ‘wag ka muna kasi magsalita, pakinggan mo muna ‘ko.”

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon