Chapter 41

30 3 0
                                    

Lalo lamang nagpumiglas na makalabas ang mga luha ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon, kasabay din ang pag-iyak sa akin ng kaibigan ko.

Bahagya naming tiningnan ang mata ng isa’t isa at pagkatapos niyon ay umiwas dahil mas titindi lamang ang kani-kaniya naming pagluha.

“’Wag ka na umiyak. Syempre nasasaktan din ako na ganiyan ka. Kaibigan mo ‘ko eh. Masakit din sa ‘kin ‘yon,” ang sabi sa akin ni Maica sa gitna ng pagpahid niya sa sarili niyang mga luha.

Wala akong ibang masabi noon sa kaniya. Pagod na ako, pero alam kong naiintindihan naman ni Maica ‘yon at hindi ko na kailangang magsalita para sa sarili ko sa gayong mga pagkakataon.

That’s one of the perks of having a soul sister; she gets to understand your thoughts without having a hard time to explain her everything.

“Sige na, aalis na kayo. Galingan mo sa pagsayaw, Pren. Ibuhos mo lahat ng sakit doon,” ang sabi sa akin ni Maica at bahagya kaming natawa sa sinabi niyang 'yon.

Hindi na siya sumama pauwi dahil kapit-bahay lang siya ng tito niya. Niyakap niya ako at hinawakan ang kamay ko. Gano’n din naman ako sa kaniya.

“Bye na. Thank you,” sagot ko kay Maica habang akma nang naglakad papunta ng sasakyan.

“Basta pray lang tayo. Magiging okay din ‘yan lahat.”

Isang tipid na ngiti lamang ang naisagot ko sa kaniya nang sabihin niya ‘yon at nang makasakay na ako sa loob ng pickup truck ay sinilip ko pa si Maica sa bintana.

I thank God silently at that point for giving me such a gem in my life. Not
just Maica actually, but all of my friends.

Nang makarating ako sa church ay naroon sina Jasha at Jenica na mga
kaklase ko noong high school at church mates ko rin. Si Jasha na ang nag-video noon sa akin para sa sayaw ko.

Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong isantabi muna ‘yong sakit, at mag-perform na parang maayos lang ang lahat.

Pagkatapos kong magsayaw at magpahinga ay dumiretso na rin ako sa bahay ng mga pinsan ko. Hindi na kami kumain dahil nanggaling na sa handaan, at kung kakain man ay wala rin naman akong gana.

Tiningnan ko ang phone ko para i-check kung may mga message ba. Nakapaninibago dahil mayroon ngang mga mensahe, pero wala ni isa ang mula kay Mark.

Naalala kong hindi pa ako nagre-reply sa sinabi niya sa akin bago ang gabi na ‘yon. Nagpabalik-balik sa “oo” at “hindi” ang pagdedesisyon ko kung magre-reply ba ako sa kaniya. Pero alam ko naman na alinman sa dalawang ‘yon ang piliin ko ay isa lang din ang mangyayari sa dulo. Masasaktan at masasaktan pa rin ako.

Naaalala ko nang gabing iyon kung gaano na kalaki ang pinagbago niya
mula sa dating siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko magawa.

When he told me that he wasn’t sure about his decision anymore, I had so
many things I wanted to say. But I stayed silent. I had so many questions I wanted to ask but chose to refrain from doing so.

Pero sa gitna ng pakikipagsagupaan ng pagsuko at paglaban ay pinili kong ilaban siya. Dahil kung susuko ako, walang saysay ang sabihing pagmamahal iyon.

Nag-message ako sa kaniya na parang normal lang sa akin ang lahat. Ikin'wento ko ang mga bagay na nangyari sa akin noong araw na ‘yon.

Sinabi ko na sumakit ang puson ko habang nakila Ma’am Mischelle ako. Sinabi ko rin ang nangyari sa Alfamart, pati na rin ang paghahatid sa akin nila Gaile sa bahay namin. Ikinuwento ko na nagkausap kami ni Maica, na nagsayaw ako, na nagpinta ulit ako kahit na hindi iyon maganda at ikinuwento ko rin sa kaniya ang
nangyaring pag-iyak ko kay Mama.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon