Chapter 51

44 3 1
                                    

Wala akong naging tulog nang buong magdamag na 'yon kaya 24 hours akong gising. At nasasaktan.

Pagbangon ko alas-otso ng umaga ay wala akong naisip gawin kung hindi kumuha ng laptop at doon isulat ang lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong may mapagkuwentuhan ng mga bagay na nangyayari sa akin pero ninais ko rin na maging mag-isa.

Hanggang sa mga sandaling ito ay isinusulat ko pa rin ang mga nangyari sa nakaraan ko. Gusto kong makita na lang lahat sa isang libro ang naganap sa buhay ko tulad ng mga madadramang piksyon na hilig kong basahin.

Sa isang banda, naisip kong sana ay hindi ko na lang naranasan ang naranasan ko. Sana ay hindi na lang ako nagkamali nang piliin ko si Mark na maging bahagi ng buhay ko.

Pero hindi ako tinuruan ng mga karanasan ko na maging mahina, kung hindi dinala ako ng mga lungkot at sakit sa bagong identidad ko. Ako na mas matapang. Ako na mas malakas. Ako na mas positibong kakayanin kung magkaroon pa ng mga pagsubok ang buhay sa akin.

Magdadalawang buwan pa lang ang nakalilipas magmula nang gabing nagmakaawa ako kay Mark na huwag siyang umalis.

Hindi iyon naging madali para sa akin na tanggapin at sa tuwing sinasabi ko sa sarili ko noon na hindi na ako maghahabol sa kaniya ay lalo ko lang hindi nagagawa.

I distracted myself through writing my story. Wala akong ginawa kung hindi magsulat nang magsulat dahil iyon lang ang naisip kong paraan para ilabas ang mabigat na dalahin ko.

Kapag umaga ay ayos naman ako at hindi gaanong nalulungkot. Pero sa tuwing lulubog na ang araw ay unti-unti na akong kinakain ng mga takot at pag-aalala sa lungkot na maaaring dalhin sa akin ng gabi.

Hindi ako natutulog hanggang hindi pa ako pagod na pagod. O puyat na puyat. Naghihintay ako palagi na masagad ang lakas ko sa pagnanais na paghiga ko ay makatulog na 'ko agad.

Pero hindi iyon ang nangyayari.

Kahit anong pagod ang gawin ko, wala akong kawala sa pag-iisip kay Mark. Kaya nakikita ko na lang ang sarili ko na tinatawagan siya. At sa bawat sandaling ginagawa ko 'yon ay pakiramdam ko, nawawala ang halaga ko.

Sa tuwing maririnig ko ang boses niya ay hindi ko napipigilang umiyak dahil dama ko ang lamig niyon. Dama ko ang kawalang kagustuhan niya na makausap ako pero binalewala ko 'yon. Basta marinig ko lang siya at maramdaman kahit na paano ang presensya niya.

"Sabi ko kasi sa 'yo i-block mo na 'ko eh. Tingnan mo tuloy ako ngayon.

Nagmamakaawa na naman na 'wag mo 'kong iwan," ang sabi ko kay Mark dalawang araw pa lang ang nakararaan simula nang matapos ang sa aming dalawa.

"Hindi ko 'yon gagawin sa 'yo. Hindi naman ako gano'n eh."

"Kahit na ba. At least kapag ginawa mo 'yon, hindi na kita magugulo."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya muling sumagot sa akin.

"Ayaw mo pa kasing tumigil sa pag-iyak eh. Ayusin mo na 'yong sarili mo dahil hindi na ako karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay mo sa 'kin. Masyado na kitang nasasaktan."

"P'wede mo naman kasi akong hindi saktan. Ayaw mo lang," ang sabi ko sa kaniya at pinilit kong matawa kahit na hindi ko naman naitago sa kaniya ang pag-iyak ko.

"Huli na 'to. Pagkababa ko ng tawag, tama na."

Nang marinig ko 'yon kay Mark ay hindi ko na napigilan ang lalo pang pag-iyak. Paulit-ulit kong sinabi sa kaniya na ayaw kong umalis siya. Ayaw kong maiwan mag-isa, pero tila hindi niya dinidinig 'yon.

He knew I wanted him to stay and he heard it. He just didn't listen.

"Please 'wag mo muna ibaba. May sasabihin pa 'ko sa 'yo," sinikap kong masabi 'yon sa kaniya sa gitna ng walang humpay na pagluha ko.

Noon ay alam kong nahihirapan din siya na nasa ganoong sitwasyon ako. Gusto niyang matulungan ako sa pamamagitan ng pag-alis dahil alam niyang hindi na niya 'ko mahal. At noo'y alam ko na rin 'yon. Hindi ko pa lang matanggap.

"Ano 'yon?" tanong niya sa boses na halatang may binibitbit ding bigat.

"Advance happy birthday. Sorry kasi hindi na kita mababati sa birthday mo."

Kapwa kami nahulog sa pag-iyak nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Madilim noon sa k'warto ko at kinakapa ko lang ang kumot para punasin ang luha kong ayaw nang tumigil sa pagbagsak.

We were both crying because we knew that we failed to work the relationship we had.

Kahit na siya ang bumibitaw, nasasaktan pa rin siya dahil alam kong dala niya ang bigat na kailangan niya 'kong iwan. Dahil hindi na kami tulad ng dati at hindi na magiging tulad pa ng dati.

Kapwa kami lumuluha sa mga plano at pangarap na alam naming hindi na namin makakamit nang sabay.

"Salamat Aira. Sobrang salamat. Kasi kahit ganito na 'yong ginagawa ko sa 'yo, naalala mo pa rin na batiin ako."

Nahirapan siyang sabihin ang mga salitang 'yon dahil humahagulgol na siya sa iyak. It made me want to hug him and comfort him. His hurts made me want to love him more. Even if that means that I'll get hurt a little different. Hurt a little more.

"Hindi ko 'yon makakalimutan. I've been preparing for your birthday on

October 10. Kasi 'di ba sabi mo dati, naiinggit ka kasi gumawa ako ng maraming effort noong birthday ni Eli. You know the hundred paper cranes I made for him. Tapos sabi mo pa, dapat maayos ang greetings ko this year sa birthday mo kasi last year, hindi kita nabati nang maayos kasi hindi tayo okay noon."

Saglit akong huminto para bigyang puwang ang paghikbi ko habang nagpapaliwanag kay Mark. He had to know the words I had to say.

"Kaya alam mo ba," pagpapatuloy ko. "Na iniipon ko 'yong mga tula ko para sa 'yo. Para ibigay ko lahat sa 'yo 'yon. Saka hindi naman talaga ako magaling mag-painting. Pero sinabi ko sa sarili ko na aaralin kong gawin 'yon para sa birthday mo, reregaluhan kita ng painting ko. Nag iisip na nga ako ng concept na gagawin ko. Tapos naisip kong i-paint 'yong gabi na pumunta ka sa bahay namin. Tapos noong madaling araw, niyakap mo 'ko sa may kalsada. Kaya sa tuwing bibili ako sa tindahan tapos makikita ko 'yong mismong lugar kung saan mo 'ko niyakap, palagi kong tinititigan 'yon. Inaaral ko kung paano ko maipipinta nang maayos 'yong mga puno saka lamp post. I want to make efforts for your birthday because I want you to feel special. Tapos ngayon, wala na lahat. Hindi ko na 'yon magagawa kasi wala ka na."

And I heard Mark cry even harder after explaining those things.

"Aira, sorry. Nasira ko lahat ng plano. Hindi na ako deserving sa mga 'yan.

I'm sorry."

"It's okay. Okay lang. Wala naman akong magagawa. Hindi ko na maibabalik 'yon."

Masakit ang gabing 'yon dahil sa tuwing mag-uusap kami ay nauuwi lang kami sa pamamaalam. Akala ko ay naramdaman ko na ang rurok ng sakit. Mali ako.

He bid multiple good bye's to me since the first night he said we're over. And I thought I'll be numb after feeling those aches. But I was wrong. Because each day felt sadder than yesterday. It felt lonelier than the hour before it. It was a torture because I had to experience a higher level of pain everytime I'd wake up.

There is no absolute, highest level of pain. There is always something more than that.

And I think Mark made me feel them all.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon