Chapter 27

42 2 0
                                    

"Ipinagpapasalamat ko talaga sa Diyos na natagpuan kita. Hindi man ako ang nauna, sigurado naman akong habambuhay kang mananatili sa puso ko," sambit ni Mark nang umandar na naman ang pagkamakata niya. Ang corny ng mga linyahan niya pero hindi ko na lang pinuna pa.

"Yeah. Of all people. Ang galing lang din talaga. Kasi tingnan mo. Earth has been living for more than four billion years. God can make me live back in the year of dinosours, He can make you live back one thousand years ago. You could be born in a different country in this world, in a different continent where we can't be able to meet. Yet we were both born in Bulacan, we met at that same school for that specific contest, at the exact same place. At the exact same time. And I just think, that's destiny," paliwanag ko kay Mark nang gabing mapag-usapan namin at muling balikan kung paano kami nagkakilala.

Noon ay namamangha pa rin ako kung paano kaming pinagtagpo ng tadhana.

"Naks naman ang Baby ko!" sagot niya sa akin nang may pagkamangha. Alam kong natutuwa siya dahil nagagawa ko nang sabihin ang mga gano'ng bagay, at hindi katulad noong una na maya't maya ko siyang pinaaalis. Pinahahanap ng iba.

"Ang ganda ng buwan Mahal. Palagi ko naman sa 'yo sinasabi 'yon 'di ba?"

"Yeah."

"Siguro hindi mo alam meaning ng pagsasabi ko ng gano'n sa 'yo."

"Bakit? May ibang meaning ba 'yon? Eh totoo naman na ang ganda ng moon," ang sabi ko sa kaniya.

"Kapag sinasabi ko sa 'yo na maganda ang buwan, sinasabi ko na rin sa 'yo
na mahal kita. 'The moon is beautiful' means 'I love you.'"

"Gano'n ba 'yon? Palagi mo namang sinasabi sa akin 'yon 'di ba?" natatawa kong sagot sa kaniya, "Tapos ang lagi ko lang sagot sa 'yo, 'Yeah ang ganda nga!' o kaya 'Oo maganda, nakita ko kanina kasi lumabas ako.' Sorry, may meaning
pala 'yon! Ngayon alam ko na. So, okay... the moon is beautiful."

It was dark in my room that night, all the lights in our house were already
out. But I was there lying on my bed, loving the voice of the man I was talking with. That night, he confessed so many things to me.

"Sabi ko na nga ba, unang kita mo pa lang sa 'kin, crush mo na 'ko agad,"
pang-aasar ko sa kaniya.

"Paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo na hindi kita naging crush. Mahal na kita noong una pa lang kahit ang sungit mo no'ng debate," reklamo niya.

"Hoy anong masungit? Kailan? Bait-bait ko nga noong kinakausap mo 'ko!"

"Hoy ka rin, excuse me. Inirapan mo pa nga ako no'n eh."

Inisip kong mabuti kung saang pagkakataon ko siya inirapan. Wala naman akong matandaan.

"Kailan? Ako? Hindi kita inirapan noon!"

"Noong nasa labas ka, nasa hallway. Noong second round, dumaan ako sa harap mo tapos sabi ko sa 'yo, 'Good luck!' tapos hindi mo 'ko pinansin!"

Limang contestant na lang ang nasa hallway noon at naghihintay habang nagpe-prepare for the second round. Lahat ng mga hindi nakapasok for that round ay p'wede na raw umuwi kaya nasa labas na rin si Mark. Hindi kasi siya nanalo, pero sure naman akong magaling din siya.

"Oh hindi lang kita pinansin noon pero hindi kita inirapan," tugon ko.

"Hu ewan ko sa 'yo ni hindi ka man lang nag-thank you," angal ni Mark.

"Eh kasi naisip ko, dapat ang sinabi mo, 'God bless,' instead na 'Good luck.' Saka gutom na ako noon, tanghali na. Hindi pa ako kumakain ng umagahan tapos lunch time na rin."

"Alam mo bang ipinagtanong ko pa 'yong pangalan mo ro'n sa teacher na may hawak ng listahan ng pangalan ng mga contestants?" tanong ni Mark sa akin.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon