Chapter 39

42 3 4
                                    

Kahit na nagmumukmok ako sa k'warto noong araw na 'yon, may kumpiyansa pa rin ako na hindi pa iyon ang huli. Baka kailangan ko nga lang siyang bigyan ng oras hanggang sa maisip niya na importante pa rin ako. Baka kailangan ko munang lumayo dahil maya-maya ay lalapit na siya ulit sa akin katulad ng walang sawa niyang ginagawa noon.

Pagdating ng bandang alas-siyete ng gabi ay nakita ko na may message sa
akin si Maica. Nakapag-online ako dahil bumili na ako ng bagong sim card dahil mobile data ang gamit ko.

"So totoo nga ang prediction ni Gelo?" ang tanong niya sa akin.

Napatanong ako sa sarili ko kung bakit kaya niya nalaman na may problema kami ni Mark. Wala naman kasi akong sinasabi sa kaniya. Pero nang mabasa ko ang chat ni Maica ay agad kong tiningnan kung may message ba sa akin si Mark.

Pagbukas ko ng thread namin ay bumungad sa akin ang mahabang
mensahe mula sa kaniya. Huminga muna ako nang malalim at sinabi sa sarili ko na kakayanin ko, anuman ang nilalaman niyon. Pero unang salita pa lang niyon ay nasaktan na ako.

"Aira," ang sabi niya sa akin. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ako noon sa pangalan ko. Ang gusto niya ay 'yong mga endearment naming dalawa. Kahit ano sa mga 'yon, 'wag lang sa pangalan ko. Ayaw niya rin kasi na tinatawag ko siya na "Mark" lang.
Pero nang gabing iyon, siya na mismo ang gumawa ng bagay na ayaw niyang gawin noong una.

"Aira, alam mong naging totoo ako sa 'yo from the very start. Gusto ko lang ulit maging totoo sa 'yo na sa tingin ko talaga ay hindi na ako tulad noon, sorry kung nagbago ako.

Alam ko, na-disappoint kita, pero may mga bagay din siguro talagang hindi
tugma para sa ating dalawa. Noong mga nakaraan at ngayon, talagang busy ako. Walang halong panloloko 'yon. Pero sa mga time rin na 'yon, iniisip ko kung magtutuloy pa ba tayo kasi hindi na rin ako buo sa desisyon ko talaga.

Makailang beses kong inisip kung paano ka hindi masasaktan pero alam ko na sa mga nangyayari, mas masakit sa 'yo 'yon. Saka nasasaktan din ako dahil hindi ka naman dapat naghahabol sa 'kin kasi mas deserve mo 'yong higit. Sana hindi maging dahilan 'to para mawalan ka ng tiwala sa iba kasi alam mo, ikaw pa rin ang inaalala ko hanggang sa mga puntong ito. Kasi hindi ko naman gustong saktan ka, ni minsan hindi ko inisip 'yon.

Ngunit ipagpatawad mo kung ganito ang mga pangyayari, alam ko kung gaano mo ako minahal ngayon. Ipinagpapasalamat ko na minsan, may dumating para magmahal sa isang gaya ko. Pero sa tingin ko, hindi ako 'yong para sa 'yo, kaya mas masakit talaga na nagkakaganito.

Masakit din sa 'kin 'to pero ikaw ang mas inaalala ko, na kapag tinuloy pa
natin, ayokong masaktan ka sa totoo lang. Wala rin naman akong ibang tiningnan sa mga nagdaan na panahon pero sadyang lumilinaw sa 'kin na hindi talaga ako ang nakalaan para sa 'yo. Patawad sa mga kamalian na nagawa ko sa 'yo, buong pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa sakit na ibinigay ko sa 'yo.

Ito na ang huli, patawad talaga kung ganito ang mga nangyayari sa atin, pero sana maging malakas ka at mas magtiwala sa Poong Maykapal dahil alam kong mag-iiwan ng sugat sa puso mo ito, pero manalangin ka kasi ang hindi kaya ng tao, nasa mga kamay na ng Panginoon. Patawad talaga sa mga kasalanan ko sa 'yo, hindi ko ginusto na masaktan ka, pero para sa atin din ito.

Sana maintindihan mo ang paghihiwalay natin ng landas. Ang Panginoon nawa ang makapitan mo sa mga panahon na ito, magpatuloy ka sa paglago sa Kaniya.

Worth it ka sa lahat ng aspeto, pero sa akin ang problema. Kaya sana, mag-
move forward ka nang maayos dahil alam ko, mas maganda ang future na nakalaan para sa 'yo. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal at memories.

Lahat 'yon, masaya akong naging parte ako, at buong paghingi ng patawad at pag-unawa sa mga pangyayari, sa lahat ng idinulot kong hindi maganda. Maraming-maraming salamat sa lahat ng panahon at sa mga nagdaan na alaala."

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon