Chapter 45

36 3 0
                                    

Matapos naming pagdaanan ni Mark ang problemang iyon ay nakita ko naman na pinipilit niya na mas maging mabuti sa akin at ibalik kung paano niya ako itrato noong mga panahong buo pa lagi ang desisyon niyang mahal niya ako.Wala na ang mga mahahabang mensahe mula sa kaniya. Iyong mga tila nobela sa haba na chat na isa lang naman ang dulo: mahal niya ako. Pero ayos lang dahil sa tingin ko naman ay naging sapat na ang kakayahan ko na intindihin ang busyness niya.

“Oh paano kayo nagkaayos ni Mark?” tanong ni Mariane sa akin isang araw habang nasa bahay kami nila Aly.

Nakaupo si Gelo sa isang sulok at hawak ang cellphone niya habang si Mariane naman ay palakad-lakad matapos akong tulungan na maghiwa ng mga repolyo, carrots at beans. Si Aly ay abala noon sa pag-aasikaso ng mga gamit para sa lulutuin kong ginisang gulay.

“Nag-explain siya na medyo na-overwhelm daw siya ng mga bagay-bagay, mga ganap sa kaniya. Saka naisip niya nga rin na we have different faith kaya baka raw hindi rin mag-work sa dulo. Tapos sabi niya rin na baka sa New Zealand na raw siya mag-aral, though hindi pa sure.”

“Eh paano ‘yon kung doon nga siya mag-aral, Pren?” tanong pa ni Mariane. “Tapos makahanap siya ng iba?”

“Ay naku subukan niya lang talaga!” ang triggered na sagot ko sa kaibigan ko.

Nakikinig lang at natatawa-tawa si Gelo. Malamang ay puro kalokohan ang tumatakbo sa isip niya no’n habang nagce-cellphone at nilalaro
ang batang kapatid ni Aly na si Kina.

“Hala Pren marunong ka talaga magluto?” pagbubusisi ni Mariane habang nakaabang sa mga kamay niya ang bote ng mantika at tokwa. Noon ay iginigisa ko na ang bawang at sibuyas.

“Oo naman. Naisip ko kasi, nakakahiya pala kapag lumaki ako nang gan’to na wala man lang akong alam na lutuin. At least medyo natututo naman na ‘ko.”

Masasabi kong bukod sa pangaral sa akin ni Mama at ng mga kapatid ko
na matutong magluto ay nagsilbi ko ring motibasyon si Mark. I wanted to learn a lot of dishes para naman walang masabi sa akin ang Mama niya, kung sakali namaging kami nga balang araw. Ginusto ko naman talaga na ipagluto siya ng mga paborito niyang pagkain kaya paunti-unti ay inaral kong magluto.

“Ano masarap ba ‘yan? Uuwi na lang ako kung hindi!” pang-aasar ni Gelo bago tikman ang niluto ko.

“Eh di umuwi ka,” sagot ko sa kaniya.

“Joke lang!” nangingiti niyang sinabi sa akin.

Sabay-sabay kaming apat nila Mariane, Aly at Gelo na kumain sa hapag, kasama sina Kina at Kelene na mga kapatid ni Aly. Bukambibig namin noon si Maica dahil siya lang ang hindi namin kasama.

Ganoon naman kami palaging magkakaibigan. Kung sino ang wala, siya ang laman ng usapan. Pero syempre, iba pa rin talaga kapag kumpleto kaming lima. Iba ang saya, iba ang ingay at kulit. Mas maraming k’wentuhan at spilling of the tea.

Matapos kumain ay pumunta kami ni Mariane sa k’warto ni Aly. Sa tuwing
papasok yata kami sa room na ‘yon ng kaibigan namin ay wala kaming ginawa kung hindi sabihin sa isa’t isa kung gaano kaganda ang lugar na ‘yon. Gray ang kulay ng isang banda ng pader habang pastel peach naman ang kabila. May sarili at komportableng study table din siya. Hindi namin namalayan ni Mariane noon na pumasok na pala ro’n si Aly.

“Pren,” bungad sa akin ng kaibigan ko. “Paano kung umalis ulit si Mark?
Hahabulin mo ba siya ulit?”

Nang itanong ‘yon ni Aly ay walang pag-aalinlangan akong sumagot sa
kaniya.

“I know the place where I should stand and I know the lanes I shouldn’t cross.”

“Oh ano ka ngayon Aly? ‘Wag mo kasi siya itulad sa ‘yo!” pang-aasar ni Mariane at saka siya inirapan.

Natawa lang ako sa dalawang kaibigan ko, pero ang totoo ay napaisip din ako sa sinabi kong ‘yon kay Aly. Dahil maging ako ay kinukwestiyon na rin ang sarili ko kung alam ko nga ba kung hanggang saan lang ako dapat tumayo. O kung alam ko ba talaga ang mga bagay na hindi ko na dapat gawin para kay Mark.

Pag-uwi ko noon sa bahay bandang alas-singko ng hapon ay nag-chat ako kay Mark na kung p’wede ay tumawag siya, pero ang sabi niya ay busy pa raw siya kaya matatagalan muna bago siya tumawag. Marami pa raw kasing extra tasks na pinagagawa ang teacher niya.

Dahil hindi muna makatatawag si Mark ay sinamahan ko na lang si Mama na pumunta ng tindahan ni Ate Lita para bumili ng saging na saba na ilalagay sa nilagang baboy na lulutuin niya.

Habang naglalakad kami ni Mama sa kalsada ay ‘di ko napigilang tumungo sa eksaktong p’westo nang madaling araw na magyakap kami ni Mark. Nangingiti ako sa tuwing madaraanan ang lugar na ‘yon at kapag nakalagpas na ‘ko ay nililingon ko pa rin iyon. Noo’y walang pagkakataong hindi ko tinignan o nilingon man lang ang bahaging ‘yon ng kalsada.

Nang makarating kami sa tindahan ay may iilang mamimili roon kaya tumabi na lang ako sa isang gilid sa labas nila Ate Lita at hindi na nakipagsiksikan doon. Si Mama na lang ang pumasok sa tindahan.

“Iyan na ba ‘yong anak mo?” tanong ng isang ginang kay Mama. “Aba dalaga na pala ah!”

“Eh hindi naglalalabas ng bahay kaya bihirang makita ng tao ‘yan,” sagot
naman ni Mama.

“Anong grade na ba ‘yan?” muling tanong ng babae kay Mama.

“First year na. Tatlong taon pa sa college.”

Noon ay hindi na sumagot ang kausap ni Mama at saka ngumiti na lang sa
akin. Ilang saglit pa at si Ate Lita naman ang nagtanong.

“Hindi na ba bumalik ‘yong manliligaw ni Aira?”

Bigla akong kinabahan nang itanong niya ‘yon kay Mama. Kung bakit naman pati si Mark ay inuusisa pa ni Ate Lita. Nahiya tuloy ako bigla.

“Eh hindi na bumalik at nag-aaral din ‘yon. Busy rin eh.”

“Gano’n ba? Eh nakakuwentuhan ko nga iyon nang magpunta rito. Taga-
Calumpit daw siya. Mabuti at natunton ‘tong baranggay natin.”

Nagpalitan pa ng pag-uusap sina Ate Lita at Mama bago kami umuwi. Naisip ko na dahil siguro magaling makipag-usap sa mga tao si Mark kaya hindi naging mahirap kay Ate Lita na makipagpalagayan ng loob sa kaniya.

Isa iyon sa mga bagay na ikinaka-proud ko kay Mark. Magiliw siya sa ibang tao kaya hindi mahirap sa kaniya ang makisama. Kabaligtaran ko siya sa bagay na ‘yon dahil may pagkamahiyain ako at trying hard din para makipag-close sa iba.

Ikinuwento ko sa phonecall kay Mark ang nangyari sa tindahan dahil naisip ko na ikatutuwa niya iyon. Gustong-gusto niya kasi dating malaman kapag kinukumusta siya ni Mama o kaya ay itinatanong siya sa akin ng mga kapatid ko o mga kaibigan. Interesado siya sa gano’ng bagay.

Pero nang ikuwento ko iyon kay Mark ay wala na akong naramdamang saya mula sa kaniya. Ewan ko, pero hindi na katulad ng dati. Hindi ko ‘yon sinabi sa kaniya, sa halip ay sinarili ko na lang. Ayaw ko nang palakihin ang mga ganoong simpleng bagay.

May isang beses pa nga na umuwi si Sangko sa bahay at pinagsabihan ang labintatlong taong gulang na pamangkin kong si Roxane.

“Oh baka naman daigin mo pa ‘Oxane ang Tita mo ha. Ikaw eh may boyfriend na, ang Tita mo eh wala pa,” ang sabi ni Sangko sa kaniya.

“Eh sino ba magiging boyfriend ni Tita?” sabat naman ni Ayelle.

“Eh di si Mark,” birong sagot ni Sangko sa kaniya.

Naisip ko rin noon na ikatutuwa iyon ni Mark pero nang sabihin ko ‘yon sa kaniya ay balewala lang din naman.
Nakapaninibago lang talaga dahil hindi ako sanay na ganoon siya. He used to care about all those things before.

Pero talagang malaki na ang nagbago, ilang beses ko mang ipagsiksikan sa isip ko na walang nabago sa kaniya, alam kong hindi iyon ang totoo.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon