Chapter 8

53 5 0
                                    

Sinabi ko kay Eli ang nangyari sa contest. Nanalo ako as first place sa first round ng debate at second place naman sa second round. Hindi magma-matter sa deliberation ang first round, kaya second placer ako.

Eli congratulated me and told me he was busy in school. Nang magkita kami sa personal ay binati niya rin naman ako sa mga winnings ko at ng school paper namin kung saan isa ako sa mga writer.

Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ako ng friend request sa facebook galing sa pangalang Mark, habang nakatambay sa terrace namin.

I checked his profile and there was no mutual friend, not even one. Madalang ako mag-accept kapag gano’n pero parang may kung ano na nagtulak sa akin na i-accept iyon. Siguro ay dahil disente naman ang profile niya at hindi naman siya chef sa “Krusty Crab” at empleyado sa “EDi Sa Pus0 m0e” o “eDi sa Pus0 nG tA0ng M4haL ko.” Maayos ang bio niya at walang maraming puso na may padlock.

“Environmentalist.”
“I walk slowly, but I never walk backward.”
-Abraham Lincon

Naka-private ang facebook account niya kaya wala akong makitang
pictures niya bukod sa profile picture niyang madilim at hindi ko masyadong maaninag. Doon ay nakatayo siya sa harap ng isang building sa Taguig malapit sa isang museum doon. Alam ko ‘yong lugar dahil nakapunta na ako ro’n isang beses dahil sa field trip namin noong grade 11 ako.

Hindi ko maisip kung ano ang mayroon sa akin at hindi pa ako nakuntento sa pag-accept sa kaniya kahit hindi ko naman siya kilala, kaya ako pa ang nag-message sa kaniya nang mga panahon na ‘yon.

“Wala tayong mutual friends. Sino ka? HAHAHA.”

“Nakilala lang kita no’ng division sa debate. Napahanga mo ako kaya
hinanap kita HAHAHA.”

“Sino ka ro’n? Ang liit ng dp mo, hindi kita makita hahahaha.”

“Number 8 ako noong debate, nakasuot ako ng blue na long sleeve hahaha!”

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas pagkatapos ng debate at hindi ko na agad siya maalala. Natagalan ako bago maisip kung sino siya sa mga lalaking nakalaban ko, hanggang sa maalala ko ‘yong lalaking nagbigay sa akin ng upuan.

“ALAM KO NA HAHAHA. Ikaw ‘yong nasa likod ko noong tapos na ‘ko mag-perform.”

“Naalala niya rin po ako! Yes, ako ‘yong nasa likod mo pagkaraan mo mag-present. Sabi ko sa ‘yo ang galing mo eh hahaha!”

Matapos ko siyang maalala ay pinag-usapan namin ang mga bagay-bagay
tungkol sa contest namin. Tulad ng kung gaano kanakakatakot ‘yong mukha ng mga judge at kung bakit puro tungkol sa economics ang naging tanong ng mga judge sa bandang huli ng contest. Bukod pa rito, napaisip ako kung paano niya
ako nahanap gayong wala naman akong ibang sinabing impormasyon sa kaniya
bukod sa school ko.

“Paano mo nahanap ang account ko? Pangalan ko? Ang galing mo hahaha.”

“Paano nga ba hahaha! Una, paniguradong hindi madali. Pangalawa, ‘di ko alam name mo noon hahaha!” Tama siya. Dahil sa dinami-rami ng napag-usapan
namin sa contest ay hindi man lang niya naitanong ang pangalan ko.

“Hindi ka makalalabas ng hukumang ito hangga’t hindi ko nalalaman ‘yan,” birong sabi ko sa kaniya.

“Hahahaha hindi ko alam kung paano ko ilalahad ang aking mga salaysay,
kagalang-galang na hukom.”

Natuwa ako na nakikisakay siya sa mga trip kong sabihin. Maayos naman siyang kausap at dahil kahit papaano’y kilala ko na siya, hinayaan ko lang ang sarili ko na mag-reply at kausapin siya.

“Tatanggapin po ba ng hukuman na ito ang mga technical evidences?”
tanong niya.

“Yes dear. Go ahead.”

“Hahahaha ‘Yes dear.’ Napakalambing naman ng judge na ito hahaha.”

“’Wag mo ‘kong echosin marami pang hearing mamaya. Dalian mo.”

Hanggang sa nakumbinsi ko na rin siyang sabihin kung paano niya nga ako nahanap.

Nag-search daw muna siya noon ng facebook page ng school na
pinapasukan ko sa mga panahong ‘yon pero wala siyang mahanap na “ebidensya” na magtuturo kung nasaan daw ako. Naghanap din daw siya ng mga post tungkol sa mga nanalo ng EDDIS Level ng debate pero wala rin siyang nakita. Sa huli, naghanap naman siya ng post sa mga nanalo ng Division Level at nakita na nga raw niya ‘yong isang teacher sa school ko na nag-post sa facebook tungkol sa mga estudyanteng nanalo sa AP Olympics kung saan kabilang ang category kong debate.

“That’s not enough,” ang sabi ko sa kaniya.

“I invoke my right against self-incrimination, your honor HAHAHA.”

Turn-on para sa akin na ganoon ang mga sagot niya at nagkakaintindihan kami sa mga terminologies tungkol sa law. Pangarap ko rin kasi na maging
abogado.

Pero kahit na natutuwa akong kausap ang lalaking ‘yon ay malinaw pa rin
sa akin na si Eli lang ang gusto ko.
Ipinakita niya sa akin ang screen shot ng mismong post na sinasabi niya
sa akin at nakita ko nga ang pangalan ko.

“People of the Philippines Vs. Mark. Ang hukumang ito ay opisyal na
ipinahahayag na inosente ang nasasakdal,” ang sabi ko matapos kong makita ang
picture.

“HAHAHAHA pinasaya mo po ako rito, para talaga tayong naharap sa
korte,” sagot niya.

Bukod sa napag-usapan namin kung paano niya ako nahanap ay nabanggit niya rin kinabukasan na nanonood daw siya ng Kdrama para malibang. Para sa akin ay ayos lang na kausapin siya dahil wala namang malisya. Busy siguro si Eli noon kaya hindi siya ang kausap ko, pero parang wala namang masama sa palagay ko.

“Oh nanonood ka niyon? Sabi ko na nga ba at bakla ka rin eh hahahaha.”

“Grabe naman hahahaha! Straight po ako, hindi ba p’wede manood ng
gano’n para pampatanggal ng stress?”

“Hahaha I’ve trust issues. Mga mukha lang lalaki pero mga ano hahaha.”

“HAHAHA napagbintangan pa ako, ano ba ang maikakaso ko sa ‘yo? That’s false accusations!”

At nagbalik na naman kami sa mga huntahan tungkol sa mga bagay na
‘yon.

“Nakakainis, kay aga-aga, may kaso ako hahahaha,” reply ko sa kaniya.

“Ganiyan talaga hahaha you came to court early and prepared.”

Natawa ako sa sinabi niyang ‘yon dahil energetic pa rin siya tulad noong unang beses na nagka-chat kami.

Nag-search pa siya ng ibabato sa akin at nag-send ng ganito:
“Under Article 353 of the Philippine Revised Penal Code, libel is defined as a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status or circumstance tending to cause dishonor, discredit or contempt of a natural, or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”

“The law is very clear!” dagdag pa ni Mark.

“Fine. The law is very clear, and it means you’re wrong. It’s stated that libel is ‘a PUBLIC malicious imputation.’ Public ba ‘to ha? Hampasin kita e hahaha.”

“It’s considered as a written defamation. To be direct, a social media defamation. Hahahaha and another threat coming from the accused!”

“Did I post it? Or do you want me to post it?”

“HAHAHAHA ako naman ang hahampas sa ‘yo. And no. I rest my case, your honor!”

Noong mga oras na ‘yon ay alam kong naa-attract na ako sa kaniya kaya
sinabi ko sa sarili ko na bawal ko siyang magustuhan. Ayaw ko ring masayang kung ano man ang mayroon kami ni Eli. At sa bagay na ‘yon, seryoso ako.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon