Chapter 24

44 4 0
                                    

Bumigat ang paghinga ko noong gabing iyon dahil hindi ko alam kung paanong sasagutin ang tanong ni Eli na parang ayos lang kami. Parang normal lang. Matapos ang isang taon naming hindi pag-uusap ay hindi ko na alam kung paano makikitungo sa kaniya.

Hindi ko ipinaliwanag kay Eli na isa siya sa mga dahilan ng pagsulat ko. Na kaya ko naisulat ang gayong mga tula ay dahil pakiramdam ko, hanggang sa mga sandaling iyon ay nasasaktan ko siya.

Sinabi ko kay Mark na nag-chat sa akin si Eli. I know that’s the last thing
he wanted to happen, but it just happened then. Nagulat din siya. Nag-alala.

Tinanong niya ako kung bakit at kung ano ang mga reply ko kay Eli. Sinabi
ko lang na wala siyang dapat ipag-alala dahil wala namang kakaiba sa pinag-uusapan namin ni Eli.

Napansin siguro ni Mark na bumagal ang pagre-reply ko sa kaniya. Kapag
mga ganoong sitwasyon, alam kong hindi na naman siya mapakali. Threatened kasi siya palagi sa tuwing may makikita siya sa facebook na kung anumang comments sa mga post ko ng ibang mga lalaking may gusto sa akin.

Sinasabi ko naman sa kaniya na dapat ay confident siya sa sarili niya. At
ang sabi ko pa, dapat ay buo ang tiwala niya sa akin na hindi ko gagawin ang ipinangangamba niya.
Pero alam kong sa lahat ng lalaking pinagseselosan ni Mark, iba si Eli. Alam niya kung gaano katimbang ang lalaking ‘yon sa akin.

Dahil sa pangungulit ni Mark kung ano ang pinag-uusapan namin ni Eli,
nag-send ako sa kaniya ng screenshot ng conversation namin kung saan nag-send ako ng picture kay Eli ng isang activity ko sa P.E. dahil ang sabi ko ay hindi ko alam kung ano ang gagawin doon.

Mark, I could say was hurt that night. Sinabi niya na bakit kay Eli pa ako
nagtanong, na p’wede namang sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko
dedepensahan iyon. Naroon na naman kami ni Mark. Sa puntong nasasaktan ko siya.

Nang gabing iyon ay tumawag si Mark kahit na hindi pa naman ako
matutulog. It was probably because he wanted to save me from conversing with Eli.

Tinanong niya ako kung ano pa ang napag-usapan namin ni Eli. I refused
to tell him more because I knew that whatever I say, he would still get hurt. The fact that I replied to Eli was already painful for him to bear. I dropped the phonecall and went back to chatting with my past.

Tinanong ako ni Eli kung nagkakausap pa kami ni Mark and to which I said the truth. I knew that Eli was hopeful that time that we could get things back to the way they were before. I knew that if Eli fought for me a little harder before, maybe we’re still “together.”

Alam kong ako na ang pinakagaga siguro sa lahat ng babae nang gabing iyon na hindi ako makapagdesisyon kung ano ang gagawin ko, kung sino
ang pipiliin ko.

It must be Mark. I said I love Mark. It should be him and not Eli who was
too weak to fight for me. Pero sa pagkakataong ‘yon ay umasa ako na baka kaya na niyang ipaglaban ako so he can finally keep me. So he can take me from Mark kahit na hindi naman kami.

Yet I was still indecisive, so instead of talking to the both of them, I made a group chat with Eli and Mark. The craziest thing I have ever done in my whole life. Neither of them talked on that stupid gc.

Muling tumawag sa akin si Mark. Begging me to help myself keep my sanity. I refused. I keep on refusing that night. I refused talking to him even that would mean I’ll have trouble sleeping.

What I did was pray. I prayed. Sabi ko Kay Lord, hindi ko kayang pumili.
Ayaw kong saktan si Eli at ayaw ko na ring saktan si Mark. Since I met Mark, I think I haven’t done anything aside from hurting his ego, his pride and his
feelings. Kaya ang sabi ko, pasukuin Niya na lang ang isa sa kanilang dalawa. Let those men make decisions themselves because I can’t do that for myself.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon