Chapter 14

47 4 0
                                    

Nang dumating ang araw ng entrance exam ko sa Bulacan State University
noong January 12, 2020, kabado ako dahil iyon na ang huling university na p’wede kong kuhanan ng test dahil halos tapos na ang mga exam sa iba pang college o university.

Kung hindi ako makapapasa, mas liliit ang chance na may mapasukan ako
sa college. Nakapag-exam na ‘ko sa PUP, University of the Philippines at Bulacan Agricultural State College pero hindi ako confident na makapapasa ako sa mga ‘yon, maliban sa BASC dahil ang sabi nila ay wala namang bumabagsak doon.

Kasama kong nag-take ng exam ang dati kong kaklase na si Trisha. Madilim pa nang umalis kami ng San Ildefonso para makarating ng Malolos, kung nasaan ang BSU.

Wala kaming alam pareho sa mga lugar doon kaya umasa na lang kami sa mga kapwa naming examinees kaya kapag sumakay sila ng jeep, sasakay na rin kami. Kapag bumaba sila, bumababa na rin kami at buti na lang ay hindi sila naligaw dahil paniguradong maliligaw din kami.

Pagbaba namin ng BSU ay sinimulan na naming hanapin kung saang
building kami naka-assign. Sinamahan ko muna si Trisha na hanapin ang sa kaniya, at sinamahan niya rin akong hanapin ang Natividad Hall.

Hindi ko alam kung iyon nga ‘yon, basta five-storey building ‘yon for
engineering students. Sa pagkakatanda ko ay 6:00 am ang simula ng exam kaya nagpalipas pa kami ng ilang minuto para pumunta na sa mga testing room namin.

Bitbit ko ang dark gray na attache case ko na naglalaman ng mga
importanteng documents na kailangan daw ipasa sa BulSU, tulad ng application forms, Form 138, Certificate of Good Moral at mga two-by-two picture.

Pagpasok ko sa testing room ko na nasa fifth floor ay pum’westo ako sa
upuan sa pinakaunang linya para marinig nang mas maayos ang mga instruction ng proctor at ibinaba ko na rin ang bag ko sa upuan habang sa ilalim naman niyon ang attache case ko.

Paglipas ng ilan pang sandali ay nagsimula nang dumating ang mga kasama kong examinees. By program ang magkakasama sa mga testing room.

First choice ko sa BSU ang AB Legal Management kaya ganoon din ang first choice ng mga kasama ko. Plano ko talagang mag-law school balang araw kaya lahat ng kinuha kong kurso sa mga university ay mga karaniwang pre-law maliban sa BASC dahil agriculture ang forte ng school na ‘yon.

Sa UP, first choice ko ang AB Political Science at AB English Language
Studies naman sa PUP. Sabi ko Kay Lord, Siya na ang bahala sa akin pero kung ako ang tatanungin, sabi ko ay gusto kong makapasa sa lahat ng exam para pipili na lang ako.

Nang ilapag na ng proctor ang test papers at answer sheets sa kani-kaniya naming arm rest, nagsimula na naman akong kabahan. Pero sa tuwing nararamdaman ko ‘yon ay idinadaan ko sa dasal.

Nagiging kalmado ako kapag ginagawa ‘yon dahil alam kong pumasa man ako o hindi ay kasama ko Siya. I also had my friends that time para ipag-pray ako kahit hindi ko sila kasama dahil iba ang date ng schedule nila.

Nakita ko rin noon na maagang gumising si Mark para pakalmahin ako at sabihing naniniwala siya sa akin na kayang-kaya ko ‘yon ipasa, basta mag-pray lang ako at ganoon din siya.

Sa pagkakatanda ko ay Science ang unang parte ng test paper at pagbuklat ko niyon ay nagulantang na lang ako sa hirap ng mga tanong.

Nag-review naman ako para sa UPCAT pero pagdating sa PUPCET, BASCAT,
at BulsuAT ay wala na akong inaral ni isang lesson. Habang nagsasagot tuloy ako ay panay ang sisi ko sa sarili ko kung bakit hindi ako nag-review.

Gusto kong sagutan na ‘yong ibang part tulad Language Proficiency dahil may kumpiyansa naman ako na mataas ang makukuha kong score sa mga ‘yon, pero ang sabi ng proctor ay bawal daw kaming mag-proceed sa ibang part hangga’t hindi pa kami tapos sa una.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon