Chapter 1

253 13 18
                                    

Bago ko simulan ang lahat, gusto kong sabihin na buong tapang kong pinagdesisyunan na isulat ang mga pangyayari sa buhay ko– totoong pangyayari. Walang halong knock-knock joke, walang puncline sa dulo, walang sugarcoating, wala lahat ng pagkukunwari.

Marami akong kaibigan at ginagarantiya kong mayroon akong mga tunay na kaibigan. Isang bagay na maipagmamalaki ko. Pero gano’n pa man, hindi ko naman nasasabi sa kanila ang lahat ng bagay tungkol sa akin, kabilang na ang mga kaliit-liitang impormasyon sa bawat araw ko at detalye ng mga bumabagag sa akin tuwing gabi. Kung gaano sila kanakakasira, kung gaano naaapektuhan ng mga iyon ang ordinaryo lang dapat na buhay ko.

Ako ‘yong klase ng tao na madaling ma-aattach sa iba, madali akong
maniwala. Uto-uto talaga ako and that is the best term. Pero kahit gano’n ako, hindi naman ako madaling magmahal. Oo nga at attached ako sa tao, pero hindi ibig sabihin no’n ay mahal ko na.

Malapit na ako maging edad 20 taon pero sa buong buhay ko, tatlong beses
pa lang ako nagkagusto sa lalaki. Una, ‘yong childhood crush ko na nagustuhan ko mula grade 1 hanggang grade 9. Isa pa, uulitin ko. Mula grade 1 hanggang grade 9. Gano’n ako magka-crush! Matagal ang life span kumbaga.

Naaalala ko pa rin ‘yong mga nakakatuwang bagay sa amin noong mga bata pa kami. Kaklase ko siya simula noong daycare ako hanggang 6th grade. Katabi ko siya madalas sa classroom at wala siyang ginawa kung hindi daldalin ako.

Noong grade 1 kami, madalas niya akong pahiramin ng kulay berdeng
pambura, parang kendi ang amoy. Siguro’y kung tatanungin siya ay hindi na niya maaalala pa ang mga eksena na ‘yon. Madalas niyang ipagmalaki sa akin ang drawing na ginagawa nila ng lolo niya. Nakalagay ang mga ‘yon sa bond paper at isang brown na envelope.

Natatandaan ko rin ang hitsura niyang nang-aasar noong grade 4 kami, matapos sabihin ng teacher namin na top 8 ako at top 7 naman siya sa buong klase.

“Ah Aira, mas mataas ako sa ‘yo ng isang top!”

Noong grade 6 kami, hindi na kami magkatabi sa upuan dahil naroon na
siya sa likod ko. Palagi kaming nag-aaway dahil ipinapatong niya ang paa niya sa likod ng upuan ko kaya madalas ko siyang tingnan nang masama noon at mariing irapan.

Pagdating ng high school ay nagkahiwalay na kami dahil sa magkaibang eskuwelahan na kami nag-aral. Kahit palagi kaming mag-away noong magkaklase kami ay crush ko pa rin naman siya. Nakatutuwa nang dumating ang pagkakataon na nagkausap kami sa pamamagitan ng pagpapalitan ng text messages.

Grade 9 kami noon parehas nang tanungin niya ako kung p’wede ba siyang manligaw. Hindi “oo” ang sagot ko, dahil mas matimbang ang sinabi ng mama ko na kapag daw nag-boyfriend ako nang maaga ay iuuntog niya ang ulo ko sa lahat ng sulok ng bahay namin. Maliit lang naman ang bahay namin pero binilang ko lahat ng sulok at umabot iyon sa 28. Hindi ko gustong magkabukol ng higit 20 kaya mas mabuti nang humindi ako.

Siyam na taon ko siyang crush, dahil hindi ko masabing pagmamahal na
iyon. Siguro, umabot nang gano’n katagal dahil siya ‘yong standard man na dapat kong magustuhan na naka-set na sa utak ko. Tipong sinusulat ko pa sa notebook lahat ng conversation namin sa text. Gano’n ako kabaliw noon at grabe, nakadidiri yata. Pero kung may importante mang ganap sa buhay ko noong mga panahong grade 9 pa lang ako, masasabi kong iyon ay noong nakilala ko si Eli.

Uso kasi noong time na ‘yon ang magpuyat. Bago ako mag-grade 9, alas-otso pa lang ng gabi, tulog na ‘ko. Pero natuto akong matulog nang alas-onse ang pinakamaaga. Kaka-Deep Web ko ‘yon.

Siguro ay pamilyar pa rin ang marami sa ngayon kung ano ang Deep Web.
Hindi ko rin alam kung paano ko ipaliliwanag nang maayos. Basta isa ‘yong site kung saan p’wedeng “mag-dive” ang mga taong pipindot ng sari-saring link. Maraming matutuklasang bagay doon. Mga kakaiba. Imbakan ‘yon ng gores videos, kung saan binabalatan nang buhay ang isang tao. Pinuputol ang kamay gamit ang mapurol na kutsilyo. May mga tinatawag din doon na “daisy destruction” kung saan ipinakikita ang mga bata o sanggol na ginagahasa.

Pero bago mo pa isipin na gano’n pala akong klase ng estudyante noon, isa lang ang masisiguro ko. Na kahit kailan, kahit isang beses, hindi ako nag-dive doon.

Ganito ang sistema. May dalawang uri ng Deep Web noon: Deep Web
Readers ar Deep Web Enigma. May iba’t ibang group chat na kinabibilangan ang mga sumisisid sa Deep Web na iyon. Hindi group chat ang tawag, kung hindi guild. Iba-iba ang pangalan at ginagawa sa loob ng guild.

Halimbawa, sa Cosmocode Guild. Kapag miyembro ka ro’n, araw-araw ay may mga guild leaders na magtuturo ng kung ano-anong kaalaman patungkol sa codes at computers. Iyon ang specialty nila. Mayroon ding White Hat Guild kung saan karamihan ng miyembro ay may alam tungkol sa pangha-hack ng kung ano- anong accounts. May Lolita Guild din, pero hindi ko alam kung ano ang mayroon doon. Mayroon ding Tesla Guild kung saan pinag-aaralan ang general science. Para itong digital classroom. May mga activities, games, learnings at debates tungkol sa mga bagay-bagay. At doon ako kabilang.

Araw-araw noon, o gabi-gabi ay tutok ako sa mga kaganapan sa guild. Bukod kasi sa natututo ako, marami rin akong nakikilalang internet friends.

Sa Tesla Guild, mayroon ding parang classroom officers. May guild master
na gumaganap sa role ng president. May senechaux din na pagpapatahimik ang role kung masyado mang maingay o may ano pa mang kaguluhan doon. Senechaux ako, ang lakas maka P.I.O.

May mga tinatawag din na revengers. Sila ‘yong lumalaban ng debate sa iba
pang revengers ng mga guild. May revenger of history na panlaban kung tungkol dito ang topic sa debate. May revenger of technology, revenger of science, revenger of computer, may revenger of biology rin yata. And we had the revenger of theology.

Si Eli.

Give Me More SunsetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon