Chapter 4: It's You

1.6K 39 0
                                    


Alora

"P-Pano mo nalaman ang pangalan ko?" Gulat nyang sabi. Ako naman ay tinapunan sya ng pokerface na tingin. Nabatukan ko nga.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?!" Asar nyang sabi habang hinihimas yung batok nya. Asar! Hindi nya ako matandaan samantalang sya tandang-tanda ko kahit isang araw lang kaming nagkita.

"Kasi nakakainis ka!" Sigaw ko at padabog na tumalikod. Ang dami na sigurong chix nito kaya hindi ako matandaan. Bwisit, yun nga yun.

Ako? Si Alora Ruby Arcania? Hindi nya matandaan? That's ridiculous!

Nagsimula na akong maglakad paalis ng hinawakan nya ang balikat ko. Tinabig ko naman yun. Bwisit sya. Argh! Hindi ko maisip yung sarili ko na naghihintay at naghahanap sa lalaking 'to, tapos para sakanya balewala lang pala yun. Gosh! I looked so pathetic!

"Wag mo nga akong hawakan. Di tayo close, di mo nga ako kilala." Mataray kong sabi sakanya ng hindi manlang lumilingon. At pinagpatuloy lang ang paglalakad ko.

"Wait, mukhang naaalala ko na." Napatigil naman ako. Pero na-realize ko, ngayon nya lang ako maaalala kung kelan nagkita kami? Oh c'mon! I was always thinking of him this past 9 years! Siguro masyado lang akong natuwa sakanya nun kaya nagkakaganito ako ngayon. Pisting buhay -.-

"I don't care." Cold kong sabi sakanya habang tuloy-tuloy padin sa paglalakad. Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa magkabilang braso ko at iniharap ako. At doon nagtama ang mga mata namin. Oh, please don't. Bakit ganito? Di manlang ako makapalag. I feel like I'm so weak enough to push him away.

Anyway, I've been waiting for him for so long kaya I thinkㅡI think I should go with the flow nalang. K Fine! Di na nga ako mag-iinarte, gusto ko din naman. Shet, inamin ko din.

"Right, it's you. I could never forget that eagle eyes of yours, na nakakuha ng atensyon ko." Napatulala at natigilan naman ako sa sinabi nya. E-Edi ibig sabihin hindi nya talaga ako nakalimutan?? Argh!! Ginagalit nya talaga ako!

Nagulat naman sya at napaaray ng sinipa ko ang binti nya.

"Argh! Bakit ba napaka-bayolente mong babae ka?!" Asar na asar nyang singhal sakin. Ha! dapat lang sayo yan.

"Naaalala mo naman pala ako! Kainis ka! Ginagawa mo akong tanga!" Sabi ko sakanya na nakataas ang kilay at naka-crossed arms pa. Leche. Nawawalan ako ng manners sa lecheng 'to.

"H-Hindi kita ginagawang tanga. S-Sorry na, ngayon na nga lang tayo ulit nagkita tapos ganito pa." Malungkot nyang saad. Pwe! nagpapacute ang loko. -___- Oo na! Edi sya na cute. Napabuntong hininga nalang ako.

"Fine. Sorry din kung nabatukan at nasipa kita. Kaw naman kasi. Maikli lang ang pasensya ko kaya wag kana magtaka kung sa susunod sapak na matatanggap mo sakin." I said then I rolled my eyes. Tumawa naman sya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Kakaiba ka talaga, Alora. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Kaya pala wala na akong ibang nagustuhan kasi ikaw lang ang nakakuha ng atensyon ko." Sabi nya. Err.. Bakit ba ganito? Did I just b-blush? Gah! No way!

Nilapit nya pa lalo ang mukha nya sakin. Dahilan para mas lalo akong ma-mesmirized sa ocean blue eyes nya. Geez, help me.

"I wonder what spell you casted on me dahilan para magkaganito ako." Naka-smirk pa sya habang sinasabi yun. A-Ano ba kala nya sakin? Mangkukulam? Sa ganda kong 'to?

"What do you mean?" Tanong ko. At sa wakas nilayo nya nadin ang mukha nya sakin. Phew! I thought I'm really gonna passed out there. Tumingin sya sa ibang direksyon at nilagay sa bulsa nya yung dalawang kamay nya.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon