Chapter 32: Enchanted

619 18 0
                                    


• Alora •

"Ugh." Dahan dahan kong idinilat ang mga ko. Medyo blurred pa nung una pero agad din namang nag adjust ang vision ko. Tiningnan ko naman ang paligid, unang hinanap ng mata ko si Kai. At as usual, di ko siya mahanap. Nagtaka din ako dahil parang lumiit ata ang bulwagan? Sobrang laki kasi nun. Napatingin din ako sa kumot na nakabalot sakin. Eto yung dala ko kahapon. T-Teka.. Oo nga pala yung nangyari kahapon. Nasasaktan na naman si Kai dahil sa kapangyarihan niya. Hindi ko na alam kung ano ng nangyari pagkatapos dahil na-blanko nalang ang paningin ko. Agad naman akog bumangon dahil nag-aalala ako kay Kai. Pero napangiwi nalang ako sa sakit ng nawala sa isip ko na nagkasugat pala ako sa likod. Pansin kong ganun parin ang suot ko, pero ang pinagkaiba ay may benda na nakabalot sa katawan ko. Agad akong pinamulahan ng mukha ng ma-realize ko ang benda na nakabalot sa katawan ko. Narinig ko namang nagbukas ang pinto sa silid na'to at doon tumambad sakin ang nag-aalalang si Kai.

"Alora! Bakit ka sumisigaw? May masakit ba sayo?" Sabi nito at umupo sa harap ko. Alam kong halata parin ang pamumula sa mukha ko at hindi ko na ito maitatago pa. Hinampas ko naman siya ng di kalakasan sa braso niya.

"I-Ikaw! Ikaw ba ang naglagay ng benda sa katawan ko?" Napaiwas naman ng tingin ang lalaking nasa harapan ko at napalunok. Unti-unti ko ding nasilayan na namumula narin siya.

"Oo." Mahinang sagot nito at humugot ng hininga bago ako tiningnan. "W-Wag kang mag-isip ng masama, Alora! Wala na kasi akong ibang choice. Alangan namang hayaan lang kitang magdugo, diba? Buti at may natira pang benda na dala mo kahapon, yun yung ginamit ko. Nilagyan lang kita ng benda sa katawan dahil masyadong malalim ang sugat mo sa likod. Yun lang ginawa ko. Maniwala ka sakin." Mahaba at mabilis na paliwanag sakin ni Kai. Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit dahil sa ginawa niya. I mean, nilagyan niya ako ng benda sa katawan! It means... it means nakita niya yung... yungㅡkyaaahh! Ayokong isipin. >\\\\< Yumuko pa si Kai at talaga namang humihingi ng kapatawaran dahil sa nakita niya. In the end, napabuntong hininga nalang ako. Kung hindi niya naman kasi ginawa yun, malamang kanina pa ako naubusan ng dugo.

"Sorry, sorry, sorry, sorry, sorry!" Yan lang yung paulit-ulit niyang sinasabi sakin kaya tinapat ko ang kamay ko sa mukha niya na sinasabing tumigil na siya.

"Wag kanang magsorry. Tama lang naman yung ginawa mo. Tumigil kana kaka-sorry." Agad namang sumilay ang ngiti ni Kai at iniangat na ang ulo niya.

"Talaga? Akala ko magagalit ka." Sabi nito at napakamot sa ulo niya. Di ko naman inaasahan na I'll let out a small laugh. Kaya tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"Bakit ka natatawa?"

"W-Wala lang. Na-cutan lang ako sayo. Haha." Nabigla naman ako sa sunod na ginawa ni Kai. Lumapit siya sakin and planted a soft kiss on my lips. Muli na namang namula ang mukha ko. Ano ba yan >\\\<

"K-Kai.."

"I'm so glad na ayos na ang pakiramdam mo. I felt so guilty because of what I did." Sabi niya matapos niyang humiwalay sa halik. "Ano ka ba, ilang ulit ko na bang sinabi sayo na wala kang kasalanan? Hindi mo naman ginusto yun e. Ikaw? Ayos ka lang din ba?"

Bumalik na siya sa pagkakaupo niya at napabuntong hininga. Natagalan muna siya bago nakasagot ulit.

"Oo. Alora, paano kung magkaganun ulit ako? Paano kung hindi lang yun ang magawa ko? H-Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo dahil sakin. Mas mabuti nga sigurong magpakalayo-layo na tayo s-sa isa't-isa." Medyo nauutal niyang sabi. Halata sa mukha niya na hindi na siya mapakali at nababalisa na. Hindi niya na alam ang gagawin kaya siguro nasasabi niya ang mga ito. Niyakap ko naman siya ng mahigpit. Naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman niya. Pero hindi parin ako lalayo.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon