Chapter 11: Hidden

934 20 0
                                    


The Author •

Nagmadali ng pumunta si Kai papunta sa Student Council Office. Hindi na pinatawag si Alora at Laura dahil wala naman silang papel sa paggawa ng battlefield. Titingnan na lamang nila ito pagtapos na. Pagkarating ni Kai sa office ay bumungad agad sakanya ang tatlong babaeng makakasama nya sa trabaho. Agad naman syang sinalubong ni Marmee ng yakap, ang pinakabatang SC officer. Napakamot nalang ng ulo si Kai at napangiti. Parang kanina lang sila nagkakilala tapos nagkasundo agad sila ni Marmee.

"Hello Kuya!" Masayang bati nito sakanya at binati din naman ito ni Kai. Bumitaw na sa yakap si Marmee at tumingin kina Erica at Nami. Si Erica naman ay tumayo na mula sa pagkakaupo. Sakanilang apat ngayon, si Erica ang pinakaseryoso.

"Magsimula na tayo." Seryosong saad ni Erica.

"Saan tayo gagawa? Dapat may malawak na field tayong makita at doon lapatan ng mga ilusyon." -Nami.

"Edi sa training field. Pwede na yun!" Suggest naman ni Marmee. Si Kai naman ay napapakamot nalang sa ulo dahil sa totoo lang ay wala syang magandang maisa-suggest sa mga sandaling iyon. Kaya pinili nya nalang manahimik.

"Hindi naman masyadong malawak ang field na yun. Maraming players ang paniguradong sasali. Sa tingin mo kakasya doon ang ilalagay nating mga gubat, streams, meadows at iba pa?" -Nami.

"Sus! Sisiw na yun para kay Ate Erica. Diba, Ate?" Kampanteng wika ni Marmee. Napa-cross arms nalang si Erica at napaisip.

"Pwede mo naman siguro palawakin yung field gamit ang illusion." Ginulo naman ni Nami ang buhok ni Marmee. At talagang ang cute tingnan ni Marmee sa mga oras na yun.

"Ikaw na talaga, Marmee. Dinaig mo na ang Ate Erica. Mukhang ikaw pa ata ang mas marunong gumamit ng illusion." Napatawa si Nami matapos nyang sabihin yun pati narin si Marmee.

"Tama nga si Alora. Matalino ka ngang bata." Sabi naman ni Kai kaya napatingin si Marmee dito.

"Talaga, kuya? Sinabi ni Ate Alora yun? Iiih~" Cute na pagkakasabi ni Marmee na parang kinilig pa ata dahil sa pinuri sya ni Alora.

"Osya. Tama na yan. Tara na." Sabi naman ni Erica at nauna ng lumabas ng silid. Sumunod naman agad silang tatlo. Ipinulupot naman ni Marmee ang mga kamay nya sa braso ni Kai. Tiningnan naman ni Kai si Marmee pero nagitla lang sya ng isang malawak na ngiti ang agad na sumalubong sakanya. Napakamot nalang ulit sa ulo si Kai.

"Alam mo kasi Kuya, pagpasensyahan mo nalang si Ate Erica kung may pagka-masungit. Lagi lang talaga syang seryoso. May personal problem kasi sya sa buhay kaya siguro ganun." Rinig nyang wika ni Marmee kaya muli nyang ibinaling ang tingin dito na may pagtataka.

"Pano mo naman nalaman?" Tanong nya dito. Nagpogi sign naman si Marmee at sinabing,
"Syempre. Ako pa!" Kaya napatawa nalang si Kai at itinuon nya nalang ang atensyon sa paglalakad. Ng makarating sila sa field ay humampas ang malamig na hangin sakanila. Ini-strech naman ni Marmee ang dalawa nyang kamay at pumikitㅡnilalasap ang simoy ng hangin. Tiningnan nya naman si Erica na ngayo'y seryoso lang na nakatingin sa field. Maya-maya ay itinaas nya na ng bahagya ang kanyang mga kamay at habang ginawa nya yun ay may lumitaw na black and violet na bagay sa kanyang mga daliri. Hindi mawari ni Kai kung ano ito. Basta may kung anu-anong kulay ang humahalo sa itim. Puro mga dark colors. Parang isang jelly na nakikisabay sa galaw ng hangin ang bagay na ito. Ng maitaas na ni Erica ang kanyang dalawang kamay sa chest-level ibinuka nya pa ang kanyang mga daliri. Mula doon ay kumalat ang bagay na kanina pa nasa mga daliri ni Erica patungo sa field. Kumalat ito at parang sinasakop iyon. Nilapitan naman ni Kai si Nami na parang aliw na aliw sa mga nakikita.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon