Chapter 22: Untold Hero

533 18 0
                                    


• Alora •

I don't know what to say. I justㅡdamn. Kahit na ganito na ang pakikitungo nya sakin, I still love him. Hindi nabawasan yun dahil ngayon. Ayoko na munang magalit. I want him back first. Recently, di na talaga kami magkasabay pumasok ni Kai at pati narin pauwi. Palagi atang busy e. Pagkatapos ng klase, dali-dali syang lamalabas. Talagang pinaninindigan nya ata ang pag-iwas sakin e. Hindi ko na din sya masyadong mahagilap. We didn't talk for days. And I really damn miss him so much. And I've been also crying for nights. This is so absurd. Di ko alam kung anong gagawin ko. Kakausapin ko ba sya? Pero natatakot ako sa mga pwedeng sabihin nya sakin. Baka hindi ko kayanin. Eh kesa naman ganito. Dito na ba magtatapos ang friendship namin? Hanggang dito nalang ba ang hantungan ng lahat? Eh akala ko ba ayaw nyang makita na hindi ako ngumingiti? Ano 'tong ginagawa nya? Putangina. Ayan. Napa-trashtalk na ako. Bigla nya nalang akong iniwan sa ere. Di nya ba alam kung gaano kasakit yun? Leche.

Naglalakad ako ngayon sa hallway. At yung mga taong walang magawa sa buhay ay nakikipag chismisan na naman.

"Akala ko ba sila ni Alora?"

"Hindi! Sa mga nakikita ko, mukhang si Erica naman talaga ang gusto nya."

"Sabagay, sabi nila magbestfriends lang daw yung dalawa e."

"Ganun? Sayang naman. Akala ko sila talaga. They look good together pa naman."

"Di ko na nga masyadong nakikita na magkasama yung dalawa e."

Gustong gusto ko na talagang takpan ang tenga ko. Pero pag ginawa ko yun, I might create a new story between me and Kai. Ang kikitid pa naman ng mga utak ng tao ngayon. Kaya naman binilisan ko na ang lakad ko. I want to end this nonesense silent treatment. I'll talk to him and clear things out. Wala lang talaga kasi akong lakas ng loob na kausapin sya e. At ngayon ko lang din napag-isip isip na tama na ang iyak. Oras na para magsalita. Kaya naman mamaya, hahanapin ko sya. At kahit umayaw sya sa pakikipag-usap sakin, pipilitin ko pa din. Nahihirapan na kasi talaga ako e. Mahal ko sya, but I can't even reach him. I'm  desperate already. Pero paano nga kung may gusto talaga sya kay Erica? Kakayanin ko kaya? I shook my head because of the thought. No. Hindi ito ang tamang oras para isipin yan, Alora. I'll deal with that later. Ang mas importante sa ngayon, ay si Kai.

°°°

• The Author •

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Kai?" Nag-aalangang tanong ni Erica. Nasa loob ngayon ang dalawa sa training room. Wala kasing ibang tao ang pwedeng gumamit nito kundi dalawa lang kada-training room. Dito nila piniling mag-usap para makasigurong walang makakarinig. Nakaupo ang dalawa ngayon sa sahig. Naka-indian sit si Erica habang si Kai naman ay nakayuko habang yakap yakap ang mga tuhod.

"Oo, sigurado ako. At isa pa, isa na akong Hari. Hindi ko piniling tamer si Alora. Kaya dapat lang na wala na akong ugnayan sakanya. Dahil ang pamilya nya ay kasapi ng Oath For The Blood Moon." Matamlay na sagot ni Kai.

"Eh malakas ka naman diba? Ang sabi mo pa nga, ikaw ang pinakamalakas sakanila. Why not kill them all?" Sabi naman ni Erica. Sa ngayon, si Erica lang ang naging sandalan ni Kai sa mga problema nya bukod sa Lolo nya. Humingi sya ng tulong sa dalaga at pumayag naman ito. Kaya alam ni Erica ngayon ang tinatagong sikreto ni Kai tungkol sakanyang pagkatao. Nung-una ay natakot si Erica at lalabanan sana ang binata. Pero ng makita ni Erica ang sensiridad nito na wala syang masamang intensyon ay nakumbinsi din sya.

"What you're saying is impossible. Yes, I can kill the whole pack. But that would lessen my remaining days here. And I still want to see Alora kahit sa malayo lang." Napakagat labi na lamang si Erica sa gagawing sakripisyo ni Kai. Kaya si Erica ang napiling lapitan ni Kai dahil alam nyang matured na ang pag-iisip nito at maiintindihan sya. At hindi nga sya nagkamali. Kahit na hindi naman sila naging magkaibigan ni Erica, tinulungan padin sya nito. Kaya laking pasasalamat nya na may mga tao pang katulad ni Erica. Sinabi din ni Kai na tatlo silang nakakaalam sa tunay nyang pagkatao. Unang-una ay ang Lolo nya, sumunod ang batang si Marmee, at pang huli ay si Erica.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon