Chapter 8: Violet Moon

1K 28 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


• Alora •

Nagulat nalang ako sa dinatnan ko kinaumagahan. Maraming tao ang nagkakagulo. Nasa may veranda lang ako at tinitingnan ang mga tao sa baba. Nawasak ang mga ilang maliliit na bahay dito. At nandoon ang mga bangkay ng mga nasawi.

Napagpsyahan kong bumaba. Nakita naman ako ni Ate at nahalata nyang nagmamadali ako.

"Lalabas ka?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako.

"Titingnan ko lang." Sabi ko at nakuha naman agad ni Ate ang ibig kong sabihin.

Agad namang nagsitabihan ang mga tao ng makita nila akong dumadaan.

"S-Si Young lady Alora A-Arcania." Sambit ng isang Rihonjin doon at agad na yumuko upang magbigay galang sakin. Ganun din naman ang ginawa ng iba.

Nilapitan ko yung bangkay at tinignan ito, kinilatis ko ang buong katawan nito. Marami syang mga sugat, at isang malalim na stab woundㅡna tagos hanggang likod.

"May nakakaalam ba kung kelan nangyari ito?" Tanong ko sakanila. Agad namang may lumapit sakin na lalake, mga 40's na siguro at yumuko muna bago nagsalita.

"Malapit lang po ang bahay namin sa biktima, at nung natutulog kami ng pamilya ko ay nakarinig kami ng malakas na kalabog sa may bubungan. At isang malakas na ungol na katulad ng mga hayop. At sa tantya ko pa ay nasa bandang alas tres yon ng madaling araw." Pagpapaliwanag nya sakin.

Ngayon, isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Sila lang naman ang nagdadala ng sakuna dito sa mundong ginagalawan namin. Walang iba kundi ang mga Oni.

Mas lalo lumakas ang determinasyon ko na sumali sa grupo ng Silent X dahil sa nangyaring ito. May nawala na namang mga inosenteng tao. Di lang ito ang nakahandusay dito ngayon, kundi nasa mga sampung bahay ang napinsala. Hindi ko pa alam kung may naka-survive sa nangyaring ito. Dapat 'tong malaman nina Mama at Papa.

"Maraming salamat po sa impormasyon." Nakangiti kong saad sa lalaki. Ngumiti din ito saakin.

"Wala po yun, Young lady Alora."

Agad akong umalis doon at bumalik sa mansyon namin. Sakto namang naabutan ko sina Mama at Papa sa sala na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Ng mapansin nila ang prisensya ko kay agad na lumapit sakin si Mama at niyakap ako.

"Mabuti nalang at walang masamang nangyari satin." Sabi ni Mama na bakas ang pag-aalala. Si Ate naman na galing sa kusina ay pumunta narin dito at umupo sa sofa.

"Ngayon, maupo kayo dito at may seryoso tayong pag-uusapan." Sabi ni Papa. Sinunod ko naman sya at umupo sa tabi ni Ate. Si Mama sa tabi nya.

"Alam nyo naman ang nangyari ngayong umaga diba? At alam kong alam nyo ang may kagagawan nito." -Papa.

"Oni." Sabay naming sambit ni Ate.

Yume at Moonlight: Lady Rubia The UntoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon